[10] Her Sister's Memoirs

1.1K 19 5
                                    

Dala dala ko lahat ng pictures na tinanggal namin ni kuya David sa bulletin, habang naglalakad ako halos lahat ng tao nakatingin sakin, lahat ng attention nila napunta sakin

"Nakakahiya, kung ako sakanya ikakahiya ko na may kapatid akong pokpok"

"Baka naman kasi pokpok din siya kaya ganyan"

"Kapal ng muka dumaan sa harap natin akala mo naman kung sino, haliparot lang din naman"

Hindi ko na kinaya lahat ng mga sinasabi nila, akala mo nagbubulungan lang sila pero halata namang pinaparinig nila yun sakin, syempre masakit sakin yung mga nangyayari lalo na at may kasalanan din ako, kung di naman kasi samin ni mama hindi papasukin ni ate ang mundong ito, kung sana nakontento na lang kami sa kung anong meron, hindi sana mangyayari to

Pagpasok ko sa room agad akong umupo sa upuan ko, ayoko nang magpyestahan nanaman ako ng mga tao sa paligid ko, naramdaman ko namang may taong umupo sa tabi ko

"Amanda, are you okay? Ano ba talagang nangyayari?"

Tumingin ako sakanya at bakas sa muka niya ang pag-aalala

"Leila, hindi ko na alam ang gagawin ko, nasasaktan ako para kay ate"

"Kamusta na siya?"

Lumapit naman samin si Jace, tinignan ko lang siya at huminga ng malalim. Umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya

"Sino ba kasi naglabas ng mga yun?"

Halata sa boses ni Jace ang pagkainis

"Wait, so is this all true? I mean all those pictures are real?"

Sabay pa kami ni Jace na napatingin kay Leila at sabay din kami halos tumango

"REALLY?! So all along, you knew all of this? Oh my god Amanda, why didn't you tell me?"

"Privacy Leila, ayokong magkalat ng kahit ano tungkol sa ate ko"

"So is it also true that all the boys in this school experienced it with her?"

Bago pa ako makasagot, inunahan na ko ni Jace

"No not all, sa lahat ng first year, ako pa lang ang nakakaranas nun sakanya, this past few weeks, puro mga higher level ang lagi kong nakikitang kasama niya and as a year level king, napagalaman kong walang alam ang mga kalalakihan sa batch natin tungkol dito"

Nilagay ko sa table ko lahat ng pictures na tinanggal namin ni kuya David kanina, isa - isa ulit nilang tinignan ang mga ito, habang nakatuon ang pansin nila sa pictures napansin kong nakakunot na ang noo ni Jace na para bang may iniisip itong mahalagang bagay

"Wait, Jace. If what you said is true why don't you have a picture here? I mean all of the boys from the different year has their pictures even Kai"

"Yun din ang pinagtataka ko tsaka isa pa, bakit walang mga pictures ang mga prof dito? Hindi ba dahil dun kaya pumapasa ang ate mo Amanda?"

"Ha? ahh-oo"

Tinignan ko din isa isa yung mga pictures at tama nga sila, walang mga picture yung mga prof dito at yung kay Jace. Pati yung kay kuya David meron dito kaya impossibleng siya ang may gawa nito, hindi kaya isa sa mga tao na wala dito? Pero impossibleng si Jace dahil katulad ko bagong salta lang sa school na to ang mga first year, kaya impossibleng makukuha niya lahat ng pictures na to, dahil base sa pagkakaprint yung iba halatang luma na

"Oh my! Amanda, do you really know your ate? I mean, I cant imagine someone having this kinds of affair with different people"

"Kasalanan ko din naman Leila, kung hindi dahil samin ni mama hindi siya mapipilit ng daddy ni kuya David sa mga ganito"

Lizzie For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon