Chapter 13

833K 16.7K 2.9K
                                    

Chapter 13

 

[Timi’s POV]

 

 

            Okay Timi, relax. Papasok ka lang sa school. Wala kang dapat ipangamba.

            Matapos namin mag usap kahapon ni Jasper at marinig ang mga deep words niya eh napag desisyunan ko nang tanggapin na lang kung ano ang nararamdaman ko kay Ice. At now, ngayon ko lang ulit siya makikita matapos ang lahat nang nangyari sa Subic.

            Syempre kabado rin ako ‘no! Lalo pa’t ramdam ko na na mahal ko na ang yelo na ‘yun. Ano i-re-react ko? Lalandiin ko ba siya agad? Magpapaka-bait ba ako sa harap niya? Kukulitin siya?

            Ang sakit sa ulo!

            Hay naku, mamaya ko na nga iintindihin ‘yan tutal mamaya ko pa naman siya makikita sa practice ng EndMira. Doon ko na lang poproblemahin ‘yan.

            Dire-diretso na akong nag lakad papunta sa classroom namin kaya lang napa-hinto ako bigla nang makita ko ang lalaking makakasalubong ko.

            Matangkad, chinito at seryoso na naman ang itsura niya. Pero kahit hindi siya naka-ngiti, napapalingon lahat ng mga kababaihan na dinaraanan niya. Ang hot niya tignan. Parang hindi siya naglalakad eh. Para siyang rumarampa palapit sa akin. Parang nang-aakit. Napa-tingin ako sa mata niya. Yung kanan, natatakpan ng ilang strands ng buhok niya. Yung kaliwa naman, naniningkit. Napadapo ang mata ko sa labi niya. Mapula-pula.

            I feel a tight knot in my stomach.

            Naalala ko na naman ang gabing yun.

            His lips are pressed on mine. He tasted like spearmint, and gum, and alcohol. Siya ang nakainom pero feeling ko ako ang nalalasing nun dahil sa halik niya. Para akong nawawala sa sarili.

            Napailing ako bigla.

            Ano ba Timi! Tsaka mo na alalahanin ang mga pangyayari nung gabing yun. Ayan na si Ice! Malapit na malapit na siya sayoooo!

            Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla akong nataranta kaya nung malapit na talaga siya, ang nagawa ko na lang ay bigyan siya nang isang weirdong ngiti.

            Tinignan ako ni Ice nang naka-kunot ang noo. Akala ko may sasabihin siya sa akin kaya lang nilagpasan niya lang ako.

            WHAT THE HELL?!

            TOTOO BA ‘TO?! DINEDMA NIYA AKO?!

            Huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili ko. Kaso wala, sumabog na ako kaya nilingon ko si Ice.

            “HOY ICE MONASTERIO!!”

            Huminto siya sa pag lalakad at tumingin sa akin. Naka-kunot pa rin ang noo.

            “WALANG TAONG NANDEDEDMA SA NGITI KO ALAM MO BA YUN?!”

            Mas lalong napa-kunot ang noo niya.

            “Huh,” sabi niya sabay talikod at lakad pa-alis.

            WHA—

            ARRRGGHHH!!!

            Nakakainis ang lalaking ‘yan! Hayop siya! Humanda talaga siya! Mahuhulog at mahuhulog talaga siya sa alindog ko!

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon