Chapter 9

1.2K 59 21
                                    

Chapter 9 "Marriage"

Ten 'shit' coming from him. Kailangan ko pa bang magbilang pataas hanggang sa matapos kami rito? At hanggang ilan pa ba ang kailangan kong bilanging numero kung ganun?

"Is—is this right?" natataranta niyang tanong sa akin. I can feel the tension within his arms. I can't even help myself from rolling my eyes for how many times. Ilang beses niya na 'tong ginagawa at hanggang ngayon ay natatakot pa rin siya.

"Ilang beses mo na siyang pinapaliguan ah! Natatakot ka pa rin?" sagot ko bago sinuportahan ang ulo ng bata para hindi malubog sa tubig.

"I'm—I'm afraid I might break his spine or might drown him."

Huminga ako ng malalim at ako na ang umalalay sa likod ng anak ko maging ulo.

"Ako na ang hahawak. Ikaw na ang magsabon." Lintanya ko. Para mas mabilis.

Tahimik niyang sinasabon ang katawan ni Aiman pero kahit na ganun ay halata pa rin ang tensyonado niyang mga braso; kahit ang mukha niya ay ganun din ang reaksyon.

Tsk!

Dahan dahan kong binawi ang isang kamay ko para abutin ang tabo ng maligamgam na tubig nang bigla siyang sumigaw.

"Coss!"

"What?! A—anong ginawa mo?!" natataranta kong sigaw at siniyasat si Aiman na hindi naman umiiyak. Humihikab lang ito't tila pinakikiramdaman ang tubig sa gilid niya.

Hindi mawala sa akin ang kaba. Nalagyan ba niya ng sabon ang mata ng bata o nalagyan ba niya ang bibig nito?

"Ano? Anong nangyari?" tanong ko habang pinagmamasdan kung may iba kay Aiman.

"Support his back! Stop getting something from there!"

Nalaglag ang panga ko. Hindi ko alam kung tama bang sigawan ko siya o hindi e!

Pinakaba niya ako! Akala ko kung ano na!

I almost rolled my eyes. Maybe he's talking about my hand. Hindi ko tuloy alam kung magagalit talaga ako sa ka-OAyan niya o matatawa sa klase ng nirereact niya. Instead of arguing with him ay tumango na lang ako.

"Okay. Sabi mo e." Bulong ko sa sarili. Sinulyapan ko siyang salubong ang kilay at nasa ere ang mga kamay na may sabon.

Hanggang sa natapos kaming panay pa rin ang tanong niya sa mga dapat gawin.

"Is the length okay?"

Buwan na niya 'tong ginagawa pero ganito pa rin kami tuwing umaga.

Sa inis ko talaga ay binuhat ko na ang bata at nilagay iyon sa mga braso niya kung saan nakalatag ang malambot na twalya. Kinagat ko ang labi ko at tinago ang ngiti ko sa kanya.

"Ako na lang ang maglalagay ng damit baka kasi hindi mo alam." Panloloko ko bago kinuha sa kanya ang anak ko.

"Alam ko naman 'yon." He whispered and lowered his eyes from me.

"Sinabi mo rin kaninang alam mo na siyang paliguan pero tignan mo, tinutulungan parin kita. Tsk!"

Hindi ko mapigilang ngumiti pero tinago ko rin iyon nang lingunin na niya ako. Mabilis kong binasa ang isang kamay ko ng tubig at tinalsikan ang mukha nito. Mabilis niya namang sinarado ang mata nito.

"Oh! I—I'm sorry." I acted like I didn't mean to do that although it's the opposite.

"Really, Coss?" his voice calling my name sounds really cool. I don't really mind if he keeps calling me that way. Well...

Binuksan nito ang mata't ngumuso. Halata mo ring nagpipigil ng tawa.

I made a sad face and shook my head, "Kind of yeah!"

To Stay With (SSB#3B)Where stories live. Discover now