Chapter 13

340 19 3
                                    

"Nipples"


"Gusto ko sanang mag-sorry. I made a mess, you know." I am pertaining to what had happened yesterday. Napahiya tuloy si sir kahapon kasi bigla siyang pinahuli sa mga guard dahil sa nagawa ko.

At for sure, napatingin rin ang mga tao sa kanya baka iba pa ang isipin ng mga 'yon. Kasalanan ko 'to.

"I already said we're sorry, Coss. It's enough. You don't have to think about it." He raised his brows, asking me to keep the topic out of my head kasi tapus na. Okay na.

Kahit naman anong gusto kong ipasawala na lang 'yon ay hindi ko kaya nakakakonsensiya kasi talaga lalo pa't hindi ako iyong mismong nagsorry e ako iyong nakagawa ng masama sa kanya.

"We're good with the issue now, Coss." Dagdag niya at kinarga ang anak namin. "Just forget about it."

Hindi na lang ako umimik.

His mom asked him to stay with me for the meantime kasi naka-off iyong mga kasambahay niya. Si Kayexa kasi busy rin.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at iniwan ang kapirasong papel kung nasaan ang mga detalye ng binyag ni Aiman. Hindi ako nakatulog kagabi kaya minabuti ko na lang na tapusin na iyong mga kailangan tapusin.

Kinarga ko iyong anak ko na walang tigil sa kaiiyak. Umupo ako sa kama at bahagyang tinaas ang damit ko nang mapansin kong nakatitig si Vincrist.

"What?" he asked me. Tumitig rin kasi ako pabalik sa kanya.

Hello! Magpapadede ako! Baka gusto niya munang tumalikod. Hindi pa rin ako komportableng basta basta na lang nagtataas ng damit sa harap ng ibang tao kahit pa sa ama ng anak ko.

"Magpapadede ako, Vin." Sabi ko baka lang magets niya iyong gusto kong gawin niya.

"Okay?" he simply answered. Ni hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan niya. Humalukipkip pa siya at nagtaas lang ng kilay sa akin. Nagtaas lang rin ako ng kilay.

"Gusto mo bang makita ang dede ko?" tanong ko. I was staring at him, as deadly as I can. "Sabihin mo lang." Pagbibiro ko.

Kahit pa nakita niya na 'to minsan ay hindi ko pa rin kayang ibalandra ito sa kanya muli sa tuwing magpapasuso ako ng anak ko. Nakakahiya kaya.

"Shit!" he mouthed. Mabilis siyang pumwesto sa likod ko at doon humiga.

Natawa na lang ako. Tinaas ko iyong bra kong medyo basa gawa ng gatas ko.

Biglang tumahimik ang paligid. Kahit ang gutom na si Aiman ay tumigil na rin.

"Are you done with the details?" bigla niyang nasabi.

Tumango lang ako at saglitang inayos ang posisyon ni Aiman.

"Sasabihan ko na lang si Thalia at Rina mamaya."

"Good then." At muli kaming tumahimik.

Hinipo ko lang iyong pisngi ng anak ko. Napangiti ako ng makita ko ang mata niya. Madalang ko kasing makita iyon dahil sa singkit siya tulad ng daddy niya.

"Do you want to have a vacation after?"

Biglang tumayo iyong tenga ko.

"Saan?"

Napaisip tuloy ako kung saan magandang pumunta. Matagal tagal na rin simula nung huli akong magbakasyon pero sigurado akong mahihirapan ako kung mag-isa lang akong maghahandle kay Aiman kaya siguro next time na lang. Saka na lang pag medyo malaki na si Aiman para kahit papaano ay maenjoy niya rin.

Just thinking about it excites me.

"It's up to you, Coss." Sagot niya. Yumugyog iyong kama dahilan ng paglingon ko sa kanya. Nakaharap ito sa akin at nakapatong ang ulo sa kanan nitong kamay. Napatitig ako sa nguso nitong naghahantay ng sagot. Para iyong nangaakit at hindi hinahayaan ang mata kong tumingin sa iba. Saka lang ako nahimasmasan ng ngumiti ito.

"Are you looking at my lips because you thought I'll be changing my mind?" alisto niyang sambit.

Bigla akong napalunok at umayos ng pwesto para matalikuran siya.

Umiling ako, "no. Akala ko kasi nagbibiro ka lang." Sagot ko at pinakalma ang nagwawala kong dibdib dahil sa pagkakahuli sa akin.

Ano ba kasing naisip ko at tumitig doon? Nakakahiya tuloy.

"At saka mahihirapan ako. Kung kaming dalawa lang ni Aiman. Kaya saka na lang." Sabi ko.

"Sino ba kasing nagsabi na kayong dalawa lang. I'll be joining you of course." Natatawa niyang sabi at tinusok ng marahan ang tagiliran ko. Bigla akong napatili.

"Vin!" puna ko at tinapunan siya ng masamang tingin. Tawa siya ng tawa hanggang sa bumaba ang tingin niya at mabilis na tumalikod.

Napataas ang kilay ko at nilingon ang karga karga kong si Aiman. Halos mawalan ako ng dugo sa nakita ko.

"I think Aiman's done with your nips..." –siya.

Napalunok ako. Mabilis kong tinaas ang bra ko. At ramdam kong rumaragasa ang pawis sa leeg ko.

"Vin!" impit na tawag ko. Sinusubukan kong hindi sumigaw dahil baka magulat ang natutulog na si Aiman.

"What? You don't have to worry. I've seen a lot of nipples on TV." Pagpapakalma niya sa akin, pero heto parin ako at mas lalong nahiya.

"I've aslo seen mom's... you know." Simpleng sagot niya pa. Hinatak ko iyong una gamit ang isang kamay at pinalo 'yon sa ulo niya.

"Ah! Coss!" aniya nang wala akong tigil sa pagpalo ng unan sa ulo niya. Sinasangga lang niya iyon habang natatawa.

Nakakainis siya! Hindi niya ba alam na sobrang hiyang hiya na ako?

"Bwiset ka!" mas lalo kong nilalakasan iyon habang ingat na ingat sa pagkarga kay Aiman.

"Hey! Stop it!" tawa niya. "It's not like this is the first time that I've seen that!" bigla akong napatigil. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. Walang halong biro o kung ano man.

Umayos siya ng pagkakaupo.

"Parepareho lang naman, kulay lang pinagkaiba-"

Bago pa siya matapos ay sinampal ko na siya ng unan.

"Nakakainis ka!"

Halos dumagundong 'yong tawa niya sa buong kwarto na ikinagulat ni Aiman!

To Stay With (SSB#3B)Where stories live. Discover now