Chapter 8

1.2K 55 12
                                    

Chapter 8 "Lips"

"Magtatampo na sigurado ang daddy mo sa'yo niyan, anak." Bulong ko sa mahimbing na natutulog na si Aiman. Siguradong magtatampo na si Vin kung madadatnan niya na namang natutulog ang anak niya. Simula kasi nang makauwi kami rito galing hospital ay lagi na niyang nadadatnan ang anak niya na mahimbing na natutulog. Wala naman siyang magawa kaya kahit na gusto niyang kausapin ang anak ay tatahimik na lang siya.

"Aiman!"

"Tulog po." Sagot ko kay Perly nang isigaw nito ang pangalan ng anak ko. Papunta ata ito ng kusina dahil hawak nito ang gulay. Wala akong makausap sa loob ng kwarto kaya napili kong bumaba na lang muna.

Kahit na gusto kong tumulong ay hindi nila ako hinahayaan. Mas mabuti raw na alagaan ko na lang ang anak ko at magpahinga. Isang buwan na ang nakakalipas at sa tingin ko naman na nabawi ko na lahat. Sobra sobra pa nga ata. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang mahiga tapus kakain tapus matutulog ulit. Tataba na naman ako nito panigurado. Sa pagkarga na lang ng anak ko ako bumabawi para kahit papaano ay mapagod naman ako o kaya ang pagbaba at pagakyat paminsan minsan. Natatakot din naman akong mabinat pero pag hiya na talaga ang gumapang sa'yo pipilitin mo talaga. Pero kahit pa ganun ay alam ko na naman ang limitasyon ko; ayoko namang mapaano ako. Ayokong mabigyan sila ng pwede pang problemahin.

"Wala pa po ba si Vincrist?" tanong ko dahil anong oras na. Thirty minutes na ata siyang late sa pag-uwi. Ngayon na lang ulit siya nalate ng ganito. Baka maraming ginawa? Balita ko ay dagsaan ngayon ang kumukuha sa kanila ng mga stocks. O kaya ay lumabas sila ni Rina? Hindi naman malabong mangyari 'yon.

Napalunok ako nang may magbara sa lalamunan ko. Maari ngang 'yong huling tanong ang dahilan.

Hindi ko mapigilang matawa. Ano naman ngayon? Wala namang masama? Sila naman kaya marahil ay lalabas silang magkasama. Ano bang iniisip ko?

Isang buwan na ang lumipas pero nananatiling buhay ang tanong sa isipan ko tungkol sa pagtanggap ng apelido ng Sandoval. Paano kung... isang araw, tanungin ang anak ko sa relasyon niya sa mga ito? Hindi ko maiwasang magalala para sa anak ko at kay Rina. I don't want other people to misjudge my son and hate him for what had happened between me and his father.

"I'm here!"

Mula sa pagkakatulala ay nilingon ko ang pinto at nakita ang taong hinihintay ko. My heart fluttered when I saw him. Pinadausdos nito ang susi sa kanyang bulsa at tuloy tuloy ang paglapit sa amin.

"Good evening, Sir!" bati ni Perly bago nagsenyas na babalik na sa kusina.

Lubos lubos ang ngiti ko, "how's your day?" tanong ko nang lumapit siya para halikan ang ulo ng anak namin.

My smile widened as I get a whiff of him. Kahit pala buong umaga na siyang nasa trabaho ay mabango pa rin siya. Kahit siguro nasa tabi pa siya ng kalsada magdamag ay mananatili siyang mabango. It's like it's in him—na tila ba iyon na ang pawis niya.

"Like the other days, it's still great." He smiled widely.

"Good then!" pag-sangayon ko at hinayaan siyang kargahin ang anak namin.

Napangiti ako nang makita silang dalawang ganito, my son who's currently sleeping like an angel and his father who never let his smile fade.

"How's my baby boy?" tanong niya sa anak at saka marahang tinapik ang ilong nito. Nagulat tuloy ang bata. Natawa ako't pinalo ang braso nito.

"Huwag mong istorbohin." Hasik ko. Napairap lang siya sa akin at sumimangot.

"Tulog na lang siya lagi sa tuwing umuuwi ako." Pagtatampo niya at muling tinapik ang anak, ngayon naman ay sa pisngi.

To Stay With (SSB#3B)Where stories live. Discover now