Chapter 3

1.6K 76 17
                                    

Chapter 3 "Responsibilidad"

One last brush and I stopped. There's no use if I have to go on. Baka mas lalo ko lang masira iyon.

I stared at the abstract I made. Never did I tell myself that what I made is not good, ngayon lang. I don't find it interesting. It was dull.

"That's great."

Mabilis akong napalingon sa may pinto at kita ang imahe niyang nakamasid sa pintang ginawa ko. Apat na araw na simula nang magkita kita kami and until this time ay hindi pa rin masink in sink in sa akin ang mga bagay bagay na nagpag-usapan nila. Hindi na ako nakihalubilo dahil wala akong balak sumang-ayon sa mga 'yon. Hindi dumako sa isip ko ang aprubahin ang kung anong balak nilang mangyari. Wala akong balak makisama sa kanila at wala akong balak sumabay.

"Anong ginagawa mo rito?" walang buhay na tanong ko.

Binaba ko ang paint brush na hawak ko at hindi na siya nilingon. Nanatili akong tahimik doon. Ayoko siyang lingunin dahil naiinis ako sa mga pinag-iisip niya.

Rinig ko ang mga hakbang niya papalapit sa akin. Sinubukan kong maging kalmado pero taksil ang katawan ko. Napabuntong hininga ako nang mas lalong naging klaro ang mga hakbang niya. Tila ba inaamo ako ng amoy niya.

"Are you selling all your paintings?"

Bumagsak ang mata ko sa mga hita ko.

"Anong ginagawa mo rito?" pag-uulit ko. Ang kanina'y wala kong balak lingunin siya ngayon ay ginawa ko na. Malalim ang mga mata niyang nakamasid sa ginawa ko. He was scanning it thoroughly. Nakanguso ito at bahid ang kaengganyohan sa mukha niya. Saka niya lang ako nilingon nang medyo tumagal na.

"Galit ka ba?"

"Nahihirapan ka bang sagutin 'yong tanong ko?" ngayon ay mas lalong tumalim ang tono ko. Tumayo ako roon at inayos ang mga gamit ko. Pwede ba! Kahit ngayong araw lang ayaw kong magalit. Ayaw kong mastress. Quota na ako roon.

Sa tingin ko naman hindi ganun kahirap ang tanong ko pero bakit parang nahihirapan siya? Ilang beses ko bang dapat itanong iyon sa kanya bago makakuha nang sagot? Kahit pa may ideya ako sa pinunta niya rito ay nagbabaka sakali akong ngayon ay maiba. Pagod na akong marinig ang pamimilit niya tungkol sa kasal na naisip nila. Kahit ano pang paghahanda o plano ang gawin nila I will say no still.

Nakita kong kinuha niya ang natitirang mga brush sa gilid ng upuan kaya mabilis ko iyong inagaw. Pansin ko ang pagkunot ng noo niya pero hindi ko na iyon binigyang pansin ng todo. Kung ako ang tatanungin hindi lang siguro asim na mukha ang ibibigay ko sa inis ko sa kanya.

Hindi ako galit. Anong karapatan kong magalit? I know he has his own point. Tama nga naman siya. Naiintindihan ko. Pwede iyong makatulong sa akin. Sobrang sobra pa nga ata. Sobrang laking tulong nun kung sakali pero hindi. Hindi ganun iyon kadali.

Hindi 'yon tulad ng iniisip nila. Para sa akin mahirap iyon. Lalo pa't alam kong may nakataling panganib doon. Hindi lang sa kung sa pwede nilang malaman ang totoo kung hindi pati ang pag-asang pwede kong itigil ang nararamdaman ko. I want to have my chance to go and move on. Dahil oras na pumayag ako sigurado akong mas malaki ang chance na mapalapit sa kanya and I don't want that to happen. Not now. Hindi ngayon na may nararamdaman ako para sa kanya.

"Hindi ko kailangan ng kasama. Hindi ko rin kailangan ng kausap. Hindi rin ang bisita. Bukas ang pinto nang pumasok ka at hanggang ngayon bukas 'yon para sa lalabasan mo. Madami pa akong gagawin."

Sinuksok ko ang mga gamit sa isang box at umalingawngaw ang amoy ng mga pinta at ng alikabok.

"Coss..."

To Stay With (SSB#3B)Where stories live. Discover now