Chapter 59

192 4 1
                                    

Prishia's POV

"Inay, Im home!" Nakangiting sigaw ko habang papasok sa bahay.

"Ohh you're here my beautiful Prishia" ayan na naman si inay, sinabi ng mas higit pa ako sa maganda ih. Lumapit ako sa kanya at yumakap, tinapik tapik niya ang likod ko.

"Inay, I miss you" nakangiting tugon ko habang nakayakap pa rin ng mahigpit sa kanya.

"Did your memories regain now?" Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at saka ngumiti. Umiling ako sa tanong niya.

"It's better that you don't know about that memory" ngumiti ako sa kanya. Nagpaalam na rin ako na pupunta na muna sa kwarto.

Pabagsak akong humiga sa kama ko at tumingin sa kisame.

"Ano nga ba ang memoryang nawala sa akin?" Tanong ko sa aking sarili. Bakit sinasabi ni inay na mas mabuting hindi ko ito alam.

Napangiti ako ng mapait at nagsimulang tumulo ang luha ko. Sino nga ba ang niloloko ko? Amnesia?! Tss. It's just an act. Alalang alala ko pa rin, ang mga oras na yun, ang mga sandaling magkasama kaming dalawa. Akala ko ay ang pagbabakasyon ko sa probinsya namin ang magpapawala ng hinagpis ko ngunit nagkamali ako.

Tumayo na ako sa pagkakahiga at inayos ko ang sarili ko. Wala pa rin akong pinagbago. Siya kaya? Mariin kong ginulo ang buhok ko dahil sa pag alala sa kanya. Nilibot ko ang mata ko sa aking kwarto at nakita ko ang sarili kong naglaloptap.

I need to wake up. It's been 3 months, I think it's enough to suffer. Pumasok na ako sa cr at nag shower.

"Inay!" Sigaw ko ng may maalala ako. Meron naman akong narinig na mga yabag. Narinig ko si inay na nagsisigaw. Siguro ay nag aalala na at baka kung ano ng nangyari sa kanyang dyosang anak.

"Nak, what happen?!" Nakakatuwa talaga ang pag aalala tone ni Inay.

"Inay, abs abs where?" Napakamot naman ako sa ulo ko at napangiti. What da? Ang galing ko talagang mag english spokening dollars. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Sasabihin na naman niyan na buti pa daw si abs abs inaalala ko pero sarili ko daw memorya ayaw kong alalahanin, minsan talaga naguguluhan ako kay inay ih. Hindi ba dapat mas maganda nga na hindi ko naaalala yung memorya na yon.

"Prishia, don't try to speak in English again because if you still try I'll going to smack you." Spolening dollar na sabi ni inay. Smack daw niya ako! Napatakip ako sa aking labi at saka isinigaw na

"Inay! Anong smack kayo diyan! Pang mag dyowa lang yon no!" Sigaw ko kay inay. Nabigla naman ako dahil sa pagkalabong ng pintuan namin. Nako si inay nagwawala na. Wahhhhh!

"Prishia! Mahahambalos na talaga kita?!" Napakamot naman ako sa ulo ko. Ano na naman bang ginawa ko at nagkaganon yun? Hindi na sinagot ni inay kung nasan si abs abs ih. Nag madali na lang akong mag shower at lumabas na ng banyo, inayos ko ang sarili ko at saka tumingin sa salamin.

Napakagandang dilag talaga ng nasa salamin. Hinawakan ko ang mukha ko at hinaplos haplos ito, napaka kinis ng mukha at matangos na ilong, dyosang dyosa ang peg ko. Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko si inay na nakaupo sa aming sofa habang nanonood ng telebisyon. Madali akong tumabi sa kanya at saka siya kiniliti. Aba suplada si inay, ay baka hindi niya na nararamdaman dahil sa naubos na ni itay ang kanyang kiliti. Wahahaha alam na this.

"Inay, nasaan si abs abs?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at nagkibit balikat. Napatulala naman ako sa kanya.

"Inay! Anong ginawa ninyo kay abs abs? Kinain ninyo ba siya, may pinapadala naman sa inyo si itay diba, kulang pa ba iyon? Kulang pa ba?"

"Matitikman ninyo ang batas ng isang diyo-- ARAY!" sigaw ko habang himas himas ngayon ang lugar kung saan tumama ang kamao ng aking inay.

"Kilala mo ba kung sino ang nag bigay sayo kay abs abs?" Nakakunot noong tanong sa akin ni inay, itinigil ko na ang paghimas sa aking ulo at tumingin ng diretso kay inay.

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon