Chapter 43

404 14 0
                                    

Riel's POV

Umuwi muna ako sa bahay para ipark yung motor ko. Gusto ko rin munang makita ang kapatid ko o mas mabuting sabihing tinuring kong kapatid dahil sa plano na yun.

Nakita ko ang kapatid ko na naka tutok sa laptop, dahan dahan naman akong pumunta sa likod nya at saka sya kiniliti sa tagiliran.

"HAHAHAHAHAHAHAHA Yah! Oppa! Hahahaha stop it!" Turan nya habang tawa ng tawa. Itinigil ko naman ito, nag pout sya. Ang hilig nya talagang mag pout.
Yumuko ako ng onti para naman magka level kami. Kamukha ka talaga niya.

"Yah! Oppa? Where did you go? And why are you wet?" Naka pout nyang tanong. Ngumiti lang ako at saka ginulo ang buhok nya.

Umayos ako ng tayo at nag simulang mag lakad.

Gusto kong mag lakad papunta roon sa lugar kung saan ko sya unang nakita.

"Oppa, saan ka na naman pupunta? Are you going to leave me again?" Naka kunot noong tanong nya sakin.

"Yuuki aalis muna si kuya. Promise babalik ako agad ha. Bibilhan kita ng pasalubong mo" sabay yakap ko kay yuuki at tinap ang ulo nya.

"Oppa, look at me." Tumingin naman ako sa kanya.

"Hmm"

"Everything is going to be fine, so dont worry and one more thing"

"What?" Parang alam na alam nya nang yayari ah.

"I'm wet too, just like you."  Sabay ngiti nya.

"Aww sorry my little princess" tumalikod ako at humakbang na ng narinig ko pa syang nag salita.

"I'm not your little princess anymore. Im your princess." Hindi na nga pala sya little.

Yuuki, sorry ha, sorry talaga. Sana pag dating ng araw Yuuki di mo ko kamuhian.

Masaya ako ng dumating si Yuuki, mahal ko sya sobra.

Nag lakad ako habang naulan. Ang sarap talagang maligo sa ulan lalo na kapag ganto ang pakiramdam. Nasan na kaya si Prishia? Ano kayang nangyari sa kanya?

Lakad ako ng lakad hangang sa pag tingin ko sa paligid andito na pala ako sa may park samin. Malapit lang din kasi to sa bahay ih.

Dito ko sya unang nakita.

Dito ko unang naramdaman na lahat ng pag aari nya dapat mapasakin.

Dito ko sinimulan ang plano na yun kung sakali man dumating ang araw na makita ulit namin sya.

May naririnig ako na nag uusap kaya napatingin ako sa swing. Si Arquen at Prishia?

"Edi tumahimik ka rin"

"Prishia inuutusan kitang pasayahin ako ngayon" sabay ngiti ni Arquen kay Prishia. Lalapit na sana ako ng sumigaw bigla si Prishia na lalong ikinabigla ko.

"Wahhhhhhhhhh bat mo ko kinissssss!" Kiniss si Prishia? Ni Arquen. Bat ganto yung puso ko bat ang sakit na naman. Nung una ko syang nakita ganto rin. Lahat ng sayo Arquen aagawin ko.

"Because I Love You" ng marinig ko yung mga words na binanggit ni Arquen at ng makita ang muka ni Prishia bigla na lang akong tumakbo sa pwesto nila at tumingin kay Arquen nakita ko ang gulat sa muka nya. Binuhat ko bigla si Prishia na ngayon ay naka tingin sakin at naka tulala lang.

"Riel what do you think your doing?!" Sigaw ni Arquen sakin.

"Kinukuha ang para sakin" ngiti ko sa kanya at umalis na. Di nya ko pinigilan. Buti naman at alam nya ang lugar nya. Best friend ko si Arquen pero sorry na lang sya dahil lahat ng kanya kukunin ko wala akong ititira.

Wala akong naririnig na pag angal kay Prishia. Tiningnan ko sya at kitang kita ko ang mapula nyang pisngi.

Tama tong ginagawa ko. Kinukuha ko lang ang sakin. Arquen sakin lang sila hinding hindi mo sila makukuha. Si Yuuki at Prishia akin lang sila!

(May nag babasa pa ba? XD. Hope you enjoy this chapter. Ano kayang role ni Yuuki sa kwento na ito? Hmmmm)

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoWhere stories live. Discover now