Chapter 57

212 7 1
                                    

Prishia's POV

Nung sinabi ko yung mga kataga na yun kay Arquen ay meron naman isang braso ang humatak sa akin at saka niya ako ikinulong sa mga bisig niya.

Magpupumiglas na sana ako ng mag salita siya.

"I will be here, Prishia" lalo ko naman isinubsob yung mukha ko sa dibdib niya at humagulgol ng humagulgol.

"Ang sakit, ang sakit sakit, Riel" hagulgol kong saad.

"Yung sinabi niya na hindi niya na daw ako mahal para akong sinaksak ng paulit ulit, parang gusto ko ng mawala sa mundong ibabaw pero hindi alam ko na hindi totoo yung sinabi niya. Alam ko yun" dugtong ko pa.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"Prishia, I'm sorry to say this but you have to know." Napatunghay ako kay Riel at nakita ko ang seryosong seryoso niyang mukha. Ano naman dapat ikahingi niya ng patawad ano ba ang sasabihin niya.

"I saw his eyes, its empty" saad pa ulit ni Riel. Pagsabi niya noon ay napatulala ako habang nailing iling. Totoo ba? Totoong wala na ba? Sa pagkakataon na yon ay muntik na kong bumagsak kung hindi lang ako naalalayan ni Riel malamang nakahandusay na ako sa semento.

"Riel, you're kidding right? Mahal niya pa ako diba?" Nanghihina kong tanong sa kanya. Please Riel sabihin mong oo.

"I dont want to lie to you so I will going to say the truth. Prishia, he dont love you anymore cause I saw it in his eyes" ayoko na ayoko na talaga.

Tinalikuran ko si Riel at naglakad paalis.

Letse ang sakit ng puso ko! Ganito ba talaga kasakit ang dapat maramdaman mo? Ganito ba?

Para akong zombie na naglalakad sa gitna ng kalsada.

"Hold up to!" Sigaw naman ng isang lalaki habang may nakatutok sa akin na kutsilyo.

"Hold up?" Tanong ko. P*tya pala tong lalaki na ito ih. Pigilan ninyo ko at baka masapok ko ito, pinapaalala pa niya sa akin ang unang pagkikita namin ni Arquen.

"Oo hold up to at kapag di mo binigay lahat ay papatayin kita!" Sigaw pa niya ulit, yung halos mapuputol na litid niya.

"Putek! Hoy mamang hold upper, kung gusto mo gilitan mo na ko! O bilis! Putek na yan kabagal oh! Iyo na rin yang cellphone ko!" Sigaw ko sa kanya sabay abot ko nung cellphone.

Napakamot naman siya sa ulo sabay ngise niya.

"Charger" ngiti niyang saad. Nginitian ko naman siya saka sinuntok siya sa mukha, ibinigay ko na nga cellphone pati ba naman charger hihingiin pa! Ang kapal ng apog nito ahh aba nasa bahay kasi charger alangan naman bumalik ako sa bahay tapos ibigay sa kanya ano siya naka free?

"Wahhhhh sumbong kita pulis!" Iyak niyang sigaw sabay tumakbo paalis. Loko loko yun ah dapat nga siya ang isinusumbong sa pulis ih. Duwag din ang isang yon ih kasi naman di pa ako ginilitan ih. Tumulo na naman ang luha kong tumigil dahil sa hold upper na yun. Para na akong mababaliw dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"Tanghiyang pagmamahal to!" Sigaw ko. Nanlalabo man ang mata ko ay nakita ko pa rin ang cellphone kong wasak wasak na nasa lapag dinampot ko ito at saka inayos ulit. Yung puso ko kayang wasak wasak din ay maaayos pa?

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad ulit. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko, kung saan ako makakarating pero sana dalhin ako ng paa ko kung saan makakapag relax ako, kung saan makakalimutan ko ang sakit ngunit nag bago ang ekpresyon ng mukha ko ng makita kung saan ako naroroon.

"Hayp kang paa ka! Lakas ng trip mo ano? Bakit mo ako dito dinala? Bakit dito?" Napaluhod  na lang ako.

"Prishia, kaya mo yan. Kaya mo." Turan ko sa sarili ko habang patuloy pa rin sa pag tulo ang mga luha ko.

Bigla na lang may naramdaman akong pumapatak kaya napatingala ako. Ganda ng timing ng ulan ahh, bakit kapag nalulungkot ako nakikisabay rin ito. Napayuko ako at doon umiyak ng umiyak. Wala akong pakeelam kung may makakita sa akin dito. Wala akong pakeelam kung nagmumukha na akong tanga dito tutal naman tanga na ako nung pinili kong hindi sabihin sa kanya iyon. Tama na ang pagsisi dahil huli na rin naman ang lahat kaya nga may kasabihan na "Nasa huli ang pagsisi" bakit kasi di pa ginawang una pa ih? Dapat kapag may mga bagay kang gagawin o sasabihin ay dapat pinag-iisipan mong mabuti para sa huli wala kang pagsisihan.

Maya maya pa ay biglang parang nawala ang mga patak ng ulan.

"Bakit may payong dito?" Tanong ko sa sarili ko. May nakaiwan kaya? Sakto pa talaga sa akin ah.
Tumayo ako at dinampot ang payong na nakabukas. Nagpalingon lingon nagbabakasakali na makikita pa ang taong nag iwan nito, ngunit wala akong nakitang tao.

Dinala ko na lang ito kahit na basang basa ako ay ginamit ko na lang rin.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay namin. Nakita ko si inay na nasa pintuan, nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin at yumapos.

"Magkakasakit ka nan ih" turan niya sa akin. Inalalayan niya ako pagpapasok. Wala akong imik sa kanya simula pa nung nalaman ni Arquen lahat.

"Inay, sorry" turan ko. Alam kong kahit na kasalanan niya ang nangyari ay hindi naman niya ginusto ito, alam ko na napamahal na sa kanya sila Arquen.

Bigla akong niyapos ni inay.

"Sorry inay kung hindi ko kayo iniimik ha, sorry kung nagalit po ako sa inyo" hikbi kong usap sa kanya.

"Hindi nak, ayos lang naiintindihan ko ang sakit nararamdaman mo ngayon. Alam kong sobrang sakit ang pinagdadaanan mo ngayon kaya lakasan mo ang loob mo. Huwag kang susuko kung talagang mahal mo siya, patunayan mo ito sa kanya." Habang hinahagod niya ang likod ko. Tumango tango naman ako habang nakayapos sa kanya.

"Hala sige magpalit ka na ng damit" sabi pa niya at humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin.

"Nak, you can do it. Be strong!" Sigaw niya habang nakangiti. Napangiti ako at napatango tango ulit.

Pumunta na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Pumunta ako sa malaki kong salamin sa kwarto.

"Ang dyosa ko pa rin pala kahit na pugto ang mata ko"

Pumunta ako sa higaan ko at pabagsak na humiga doon. Kahit na sinabi na sa akin ni Riel na wala na talagang nararamdaman sa akin si Arquen ay pupuntahan ko pa rin siya sa bahay nila. Katulad nga ng isinigaw ko sa kanya ay hindi ako magsasawa kahit na sabihin pa niyang di niya na ako mahal.

Bumibigat na ang talilukap ng mata ko at nagdidilim na rin ang buong paligid.

"Diba sinabi ko sayo na malalaman din niya" turan ng isang boses.

"Walang lihim na hindi nabubunyag" lumingon lingon ako upang malaman kung sino ang nagsasalita pero wala akong nakita.

"Masakit diba?" Tanong nito at humalakhak. Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko pero rinug ko parin ang malutong na tawa nito.

"Iiwan ka niya" napatawa naman ako dahil sa sinabi niya, iniwan na ako ni Arquen kaya bakit niya pa ako iiwan?

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon