Chapter 51

398 20 2
                                    


Prishia's POV

Apat na araw na ang lumipas mula nung nag date kami ni Arquen.

Sana nga ay hindi niya ako iwan. Sana nga ay walang magbabago.

Napatakip na lang ako ng kamay ko sa aking kamay. Nakahiga ako ngayon sa higaan ko at nag-iisip ng kung ano ano.

Si Arquen? Ganon pa rin siya. Hindi pa rin siya nagpapa manyak sa akin, kainis nga ih. Kapag sinagot ko kaya siya mamamanyak ko na siya?

"Prishia, Prishia" mahinahong tawag sa akin ni Arquen na may kasamang pag katok.

"Hmmmm" sagot ko sa pag tawag niya. Simula nung date ganan na lagi siya. Kinakatok nya ko sa kwarto ko at sabay kaming kakain pagkatapos non gagala kami o minsan naman magpapaalam siya sa akin at aalis siya.

"Are you alright?" Ramdam ko sa boses niya ang pag aalala.

Tumayo na ako at lumakad palapit sa pintuan.

Hinawakan ko ang seradura at inikot ito.

Nakita ko ang mukha niyang nag aalala.

Niyapos ko siya. Wala lang feel ko lang siyang yapusin siya.

Tss. Ang bango niya. Hala baka ang baho ko pa? Nako po hindi pa ako nakakapag hilamos at nakakapag ayos.

Madali akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at tumakbo pabalik sa kwarto sinarado ko rin ulit ito.

Mabilis akong pumunta sa cr at humarap sa salamin.

Wahhhhh anong nangyari sa mukha ko?

"WAHHHHHHHH BAKIT?!"

"PRISHIA! PRISHIA! Anong nangyayari sayo diyan?" Sigaw ni Arquen sa labas. Maya maya pa ay narinig ko ang pagkalabog ng pintuan kaya naman napalabas ako ng cr.

Nakita ko ang pintuan na sira na. Biglang tumakbo sa akin si Arquen.

"Bakit ka sumigaw? Anong nangyare? Ayos ka lang ba?" Sunod sunod na tanong niya.

Tinakpan ko naman ang mukha ko.

"Prishia, ano bang nangyayari sayo?" Wahhhh hindi niya dapat makita ang mukha ko ngayon. Nakakahiya.

Hinawakan niya ang kamay ko at pilit na tinatanggal ang pagkakatakip sa mukha ko.

"Huwag Arquen. Ayokong makita mo ako ng ganito." Pag rereklamo ko sa kanya.

"Ano bang nangyari?"

"Ang pangit ko na" malungkot na turan ko sa kanya. Binitiwan niya ang kamay ko.

Aalis na ba siya? Ibinuka ko ng onti ang nakasarang kamay ko para makita ko kung aalis na ba siya.

  Nakita ko ang naka salubong niyang kilay. Baka kapag nakita niya ang mukha ko iwan niya na ako.

"Prishia, sa tingin mo ba minahal kita dahil sa itsura mo? Wala ka namang itsura ih" walangyang to. Wala daw akong itsura ay sabagay dyosa kasi ako.

"Kahit na ano pang mangyare sa physical na itsura mo, hindi hindi pa rin magbabago ang pag tingin ko sa iyo. Mamahalin pa kita ng higit pa. Ikaw lang ang babaeng magiging laman ng puso ko" napababa ang kamay ko sa mukha ko. Nakita ko ang mukha niyang nakatingin sa kaliwa. Nakangiti siya habang sinasabi niya iyon.

Napangiti na lang ako. Ang swerte ko naman sa lalaking ito.

Nakita kong napatingin siya sa akin.

"Inlove na inlove ka talaga sa akin no." Kasabay non ang pagtaas baba ng kilay niya. Inirapan ko siya.

"Oo, ikaw ang may kasalanan kaya nagkaroon ako nito sa mukha." Tss. Ang laki lang naman ng tigyawat ko at sa ilong pa nito napiling tumubo.

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoWhere stories live. Discover now