Chapter 42

403 7 0
                                    

Riel's POV

Lumabas ako ng horror booth ang lakas ng ulan. Hinanap ko sya pero di ko sya makita. Pumunta na lang ako sa motor ko at nag antay baka pumunta siya rito.

Napa yuko ako at napa pikit  inalala ang mga nangyari kanina, yung mahal pala ako ng best friend ko, yung mukha ni Prishia na malungkot.

Flash back

Pag kalabas na pag kalabas ko sa condo ng best friend ko nag si tuluan yung luha ko. Mahal ako ng best friend ko ni hindi ko manlang alam.

Ang sakit ng ulo ko kaya naman dumaan muna ako sa botika at bumili muna ako ng gamot sa hang over.
Sumakay na ulit ako sa motor at naalala ko si Prishia.

Pupuntahan ko sya kila Arquen. Pina harurot ko na yung motor ko.

Mga ilang minuto lang ay nandito na ako sa harapan ng gate nila Arquen, bumaba na ako ng motor ko.

Nag doorbell na ko sa bahay nila Arquen. Lumabas naman si Measy sa bahay at pinag buksan ako ng pinto. Pumasok na ko sa loob.

"Umupo ka muna dyan"

"Si Prishia?" Tanong ko sa kanya.
"Teka lang tingnan ko sa kwarto nya" pumunta sya sa kwarto ni Prishia at sumenyas na wala ito.

Umakyat sya sa taas, sa kwarto ni Arquen. Tumingin naman ako sa taas at nakita ko si Prishia na naka tingin na naka ngite sa akin pero bakit ganun hindi yun yung katulad ng dati o pakiramdam ko lang yun? Nakita ko syang nag madaling bumaba.

Naiinis din ako sa sarili ko dahil di pa man kami parang nag taksil na rin ako sa kanya. Ngumiti ako sa kanya na parang ayos lang ang lahat.

"Riel " tawag nya sakin. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko. Oo gusto ko sya, kasi gusto sya ni Arquen. Alam kong gusto sya ni Arquen kilala ko yun. Tumingin ukit ako kay Prishia. Yayayain ko syang mag date ngayon as in kami lang dalawa.

"Prishia, pwede bang mayaya kitang mag date?" Sabi ko sa kanya.

"Sige Riel wait lang ha " sagot ni Prishia. Feeling ko parang 50/50 sya masaya na nag aalala.

Pumunta na sya sa kwarto nya. Ako naman binuksan ko yung tv. Bakit kaya di nababa si Arquen? Mga 30 mins lumabas na rin si Prishia sa kwarto. Nag paalam sya sakin na mag papa alam muna daw sya kay Arquen pero nung pag baba nya nakita ko yung muka nya may bakas dun nag pag ka gulat na di ko maintindihan.

"Riel, tara na" hinigit nya na ko palabas ng bahay. Bat kaya sya nag kaka ganito? May nangyari kaya?

"Riel, saan tayo pupunta?"

"Papasayahin kita Prishia" sagot ko sa tanong nya. Oo papasayahin ko sya. Gusto kong makita yung mga ngiti nya hindi yung ngiting peke lang.

"Sige gusto ko yan "
Sabi nya. Kahit di ko alam kung anong nangyayari sa kanya.

Pumunta na ako sa motor at sya naman ay naka sunod lang sa akin, binigay ko na sa kanya yung helmet. Pinaandar ko na yung motor ko. Pupunta kami sa Amusement park para naman maging masaya sya at mag enjoy pag katapos pupunta kami sa isang resto bar at kakantahan sya  .Sana talaga maging masaya sya.

After 20 minutes ng pag da drive na karating na din kami, di sya nag sasalita. Sigurado na talaga ako mag problema pero ayokong pang himasukan yun.
"Andito na tayo Prishia" sabi kong ganun. Inikot nya naman nya yung paningin nya.

"Tara na sa loob" hinila ko na sya sa loob nginitian ko sya. Ngumiti din sya sakin.

"Ahhmm saan kaya tayo sasakay?"tanong nya. Saan nga ba maganda? Sa Ferris wheel kaya?

"Sa Ferris wheel kaya? O kaya pwede rin sa roller coaster o kaya sa wild river" pag sa suggest ko sa kanya.

"Wahhhhhh ayoko doon. Doon na lang tayo sa may horror mas enjoy dun " sabi naman nya. Ahh maganda rin doon. Hinila nya naman ako papunta sa horror booth.

Rinig ko na yung mga sigawan na nauna samin. Tiningnan ko naman si Prishia. Feeling ko medyo natatakot sya.
"Prishia, wag kang matakot andito lang ako" paramg medyo nabigla sya sa sinabi ko.

"Wahhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ni Prishia natakot kasi sya doon sa lumabas na white lady napayakap pa sya sakin.
*dug dug dug* puso ko? Bat bigla naman bumilis pag tibok ng puso ko?

"Prishia, wag ka ng matakot di kita iiwan" sabi ko sa kanya para mapanatag sya. Gusto kong ma feel nya na nandito ako at hindi sya iiwan.

"Alam mo kung ikaw si Arquen, sigaw na yun ng sigaw" sabay tawa nya. Bat bigla na lang kumirot puso ko? Wag mong sabihin na na fall na talaga ako sa kanya?

"Ang sarap ngang asarin ni Arquen ih" siguro na fall na sya kay Arquen pero hindi, kung ganun man ang nangyari aagawin ko sya kay Arquen.

"Wahhhh ay palaka. Ate naman mamamatay ako sa pananakot nyo ihh. At pag namatay ako hindi ko na mararanasan mag ka love life at pag nang yari yun mumultuhin kita"
Pananakot nya kay white lady haha nakaka tawa talaga sya.

"Wahhhhhhhhhhh pugot na ulo" sigaw ni Prishia at nag tatakbo. Hahawakan ko nga sana sya pero huli na. Bigla naman akong hinawakan ng white lady kaya di ko agad nahabol si Prishia. itinulak ko naman yung white lady at hinabol si Prishia. Kaso di ko na sya makita kung nasaan.

End of flash back

Nawala lang ako sa pag mumuni muni ko ng may pamilyar na boses na tumawag sakin.

"Kuyang naka motor!" Tawag niya sa akin. Lumingon agad ako rito.

"Riel" tawag ni Prishia sa pangalan ko.

"Saan ka ba nag pupunta Prishia?" Kaya naman pinuntahan ko agad sya doon at niyakap sya. Nabigla ako dahil sa nagawa ko. Kusang gumalaw ang katawan ko para yakapin sya.

"San ka ba nag pupupunta Prishia?" Alalang tanong ko sa kanya, pero di nya ko sinagot.

"Salamat naman at ayos ka lang." Ang huli kong sinabi bago tinanggal ang pag kakayakap sa kanya.

"Si Arquen, kailangan ko ng umuwi. Sorry Riel ha."
Si Arquen na naman? Fall na talaga sya don pero di ko hahayaan na mapunta sya kay Arquen. Ngumiti ako at tumango kahit na may kirot sa puso ko.

"Hatid na kita" offer ko sa kanya.

Tumalikod na ako at nag simula ng maglakad.

After 20 mins. Nasa harap na kami ng bahay nila Arquen. Umalis na ako pero hindi ako dumiretso ng uwi sa bahay. Inikot ko ang lugar namin. May napansin akong nag uumpukan doon lalapit sana ako ng may biglang lumabas na babae. Prishia?

Ms. Manyak and the "hold upper" kunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon