Chapter 23- Death is Back with a Vengeance

74K 1.4K 69
                                    

Red's POV

Ito na ang araw na pinaka-kinatatakutan ko ehh, ang pagbalik namin sa Pilipinas. Dito ko malalaman kung lahat ng effort ko ng isang taon ay may pinagbunga. 

"Red ok ka lang kanina ka pa nakatulala sa labas ng plane ehh"

Tiningnan ko si Khiara, baka pagkatapos ng ilang oras mawala na siya sakin ehh hahaha. Baka balikan niya ulit si Cyrus at iwan na lang ako basta basta. Mahal na mahal ko siya pero hindi ko masasabi na ganun din ang nararamdaman niya sakin. Alam kong she cares for me, halata na yun, pero kung ang tingin niya padin sakin ay Kuya ano naman magiging laban ko diba. Gusto kong sisihin sina tita dahil pinakilala pa akong pinsan, bakit hindi na lang pinakilala na fiance agad? Syempre hindi ako perpektong tao selfish din ako, lalo na pagdating kay Khiara kung pwedeng sakin lang siya habang buhay ginawa ko na, kaso, hindi pwede yun. 

Kahit ilang beses ko sabihin na rerespetuhin ko desisyon niya, nasasaktan padin ako.

"Red, tinatanong kita kung OK ka lang ba?" hindi ko pala nasagot unang tanong ni Khiara

"Oo, natulala ako kasi ang cute cute mo!!!" palu palusot na lang, kahapon pa ako nag aalala sa pag uwi namin na to, pero kung ano man mangyare handa ako tanggapin. Makakamove on din naman siguro ako agad sa childhood crush ko na ilang taon ko nang minamahal diba?

"Tss" tapos natulog ulit siya at sumandal sa balikat ko

Baka huling beses na siya dadantay sakin, susulitin ko nalang yung oras ngayon, kinuhaan ko siya ng litrato at ginawa kong wallpaper. Kahit itong moment na ito manlang mapreserve ko habang buhay.

Pagkababa namin ng eroplano.

"Grabe ang sakit ng katawan ko!!!" reklamo ni Khiara

"Four hours lang naman yung flight, buti nalang talaga hindi tayo sa America kundi baka tuloy tuloy reklamo mo" biro ko kay Khiara, in return dinilaan niya lang ako 

                         Sa unang tingin mo kay Khiara hindi mo aakalain na siya yung nerd na inaapi dati. Ngayon kasi ayaw na niya mag glasses tapos mga usong outfits na sinusuot niya. Kumbaga nagbago na siya sa panlabas na anyo pero  siya pa rin yung sweet na makulit na nakakabwisit na Khiara.

"KHIIIAAAARAAAAAAAAAA!!!!!!"

Sabay kami napalingon ni Khiara may nakita kaming babae na papalapit samin...

"ZHANEEEE!!!!"

Ang ingay pa din nila, parang mga bata padin.

Khiara's POV

"ZHANE!!! Namiss kita!!" medyo mangiyak ngiyak na mukha ko dito

"Bakla ako din, kaw kasi n nagsosolo kayo ni Red kakagawa ng babies!"

"Lagi kang busy sa work mo, ako freelance freelance lang ikaw lang naman inaantay ko magka free time! Atsaka anong babies, ni hindi pa nga kami kasal e" sabi ko

"Joke lang! sige bonding time muna tayo miss na kita ehh" 

Yakapang walang bukas!! Miss ko na ang lokang to.

"Khiara gusto mo puntahan ang gang naten?"

"Sus wag na hindi sila matutuwa makita ako"

"Miss ka na nila, everyday kami umaasa a babalik ka na sa Pinas, si Cyrus nawala na sa gangster world, kahit sa human world hindi na namin siya nakita nung nawala ka, pero ang good news ako na ang no. 1 gangster dito bwahahaha!!" natatawang sabi ni Zhane, matapos gumraduate namanage padin ni Zhane na hawakan ang gang, a namaintain padin ng Death Knights ang pagiging number one gang.

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon