Chapter 11 - The Truth

94.6K 1.9K 64
                                    

Sorry at matagal ang UD ko ahh, sadyang tinamad lang ako, pero pag nagpasukan na baka lalo ako nde makapag-UD busy na kasi ule. Anyway enjoy this chapter :D

Dedicated to sa pinsan ko na magbibirthday MAMAYA!! Sunday May 20!! Tanjobi Omedetto :P saengil chukkahae <3

===============================================================

Khiara's POV

Rematch na namin ni Cyrus, bukas na ung laban namin ni Pinky, abangan niyo ahh. Nasa battlegrounds kami, ako si Cyrus at Zhane. Private match lang kami lang makaka-alam nito. Hindi yata matanggap ni Cyrus ang pagkatalo ehh haha.

"Rose........" sabi ni Cyrus

"I told you don't call me Rose!!!" I said in an irritated tone, siyempre hindi pwede maging soft kay Cyrus ngayon, hindi niya alam na ako si Khiara eh.

"Ok, Death gusto ko lang sabihin na hindi ako ready nung first match kaya....." magdadahilan pa talaga siya ngayon? Eto yung ayoko sa mga nakakalaban ko eh, ayaw umamin kung matalo. Isang paraan lang naman mareresolba yun, kapag nakabawi ka sa sunod na laban. Hindi mo na dapat kailangan ng excuses. Dahil excuses ay for losers. Nawawala lahat ng hard earned respect nito ni Cyrus sakin eh.

"Yeah, yeah just shut up and fight, you talk way more than a girl does" sabi ko

"Fine.........." umiwas na lang siya ng tingin sakin.

Magiging mabilis lang to promise hindi ko papatagalin ng isang minuto ang laban, si Zhane mukhang trip lang ivideo ang laban, sabi niya gusto niya daw makita kung paano ko matatalo si Cyrus. Kada rematch ko kahit kanino vinivideo ni Zhane, habbit niya na yata ehh. Bukod sa makeup tingin ko may future to maging youtuber eh.

Matapos ng mga respective warm-ups namin nagtagpo kami sa gitna, may isang dipa na pagitan saaming dalawa. Si Zhane na nakafocus sa cellphone niya ang magsisilbing camerawoman din. Nang makita niya na handa na kami pareho, sinignal na niya ang simula ng laban.

 Ako na gumawa ng first move, pagkasuntok ko kay Cyrus mabilis siyang naka-iwas ang hindi niya alam sinadya ko yun para masipa siya sa mukha pag tumungo siya, matapos ko sipain, pina-ulanan ko ng maraming suntok at isa pang sipa, at.......................... tumba!!! Hahaha, sabi na madali lang to ehh.

"You alright?" tanong ko

Gusto ko yung ganitong view, nakatungo kay Cyrus. Eto lang yung moments na ako yung nakatungo at hindi siya. Sa tangkad niya ba naman. Nagsmirk ako sa kanya at inofferan ko ng kamay para tumayo.

"Ikaw kaya paulanan ng suntok at sipa magiging alright ka pa?" pinunasan niya yung dugo sa gilid ng bibig, resulta kapag nakakagat nang matindi ang loob ng cheeks kapag nasusuntok ng matindi. Iyon napapansin ko kay Cyrus may tendency siya na gawin yun eh.

"Just asking geeez, here" inabot ko kamay ko para tulungan siya tumayo na hind niya pa din tinatanggap, ngalay na ako, hello?             

"What?" - I asked in confusion

"Death, first time to na tinulungan mo tumayo ang opponent mo, as in for the first time in gangster history, usually sisipain mo pa yung kalaban mo pero WOW tinutulungan mo na tumayo....." sabi ni Zhane, camera long forgotten habang nakatitig siya sakin.

May ibang meaning yung tingin niya, na parang alam niya natakbo sa utak ko ngayon.

"So what big deal"  grabe hindi ko sila magets so what kung medyo nagbago ako, pero I myself don't know kung bakit ko tinutulungan si Cyrus,......... err naawa lang ako yun yon PERIOD!!

Si Cyrus hinawakan lang yung kamay ko, nang hinila ko siya pataas nawalan ako ng balance at nahulog kami sa.............

sa ilog

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Where stories live. Discover now