Chapter 22 - Moving On

70.5K 1.3K 57
                                    

======================================================

Khiara's POV

In fairness, first time ko lang sa Japan. Pero ibang iba ang hangin dito, kahit buong araw ka maglakad lakad sa dulo ng araw kapag nag cleanse ka ng mukha halos walang dumi na makukuha sa cotton pads ko. Bukod sa malinis at healthy na environment, masaya lang ako na nakalayo ako sa mga tao. Minsan pakiramdam ko nasasakal na ako sa Pilipinas, sa observant na mata ni mmama sakin. Sa responsibilidad ko sa gang, nung una hindi naman ganon nakakastress, masaya lang dati, nasasakal na din ako sa school dahil gusto ko lang mag aral pero may mga sawsawerang frog na gusto talaga mangialam sa buhay nang may buhay.

Dito sa Japan, makakapag simula ako ng bago, eto yung chance ko na mas maintindihan ko feelings ko.

Yung mga unang araw parang normal lang, may tutor ako buong araw para macatch up ang subjects ko sa universitym in synch sa curriculum nareceive ko na din ang diploma ko. Mag iisang taon na kami dito ni Red.

Sa isang taon na yun, binati lang ako ni Cyrus nung birthday ko at nung pasko. Inantay ko kung papatagalin niya yung usapan pero hindi na siya nagreply matapos ko mag thank you.

Wala na din ako masyado oras isipin si Cyrus dahil may pasakit sa pwet ko dito,

"REDDD!!!!" sigaw ko sa kanya

"Hahahahhaha" tawa niya sakin habang nakasubo ang spoon ko sa bibig niya

Pusa inagaw nanaman yung pudding ko. Nakahanap ako ng pudding na sobrang nagustuhan ko kaya hoard ako nang hoard ng pudding na yun, kaso si Red kahit madaming stock sa ref ang pinupunterya padin ay yung kinakain ko.

"Jared tataba ka nyan sige ka!!" sigaw ko sa kanya habang nagbabanta na ibabato ko yung throw pillow "Three days mo na ako inaagawan ng pudding ehh! Ako naman bumibili ikaw lang yung taga lamon!!" nang gagalaiti na talaga ako

"Yiiiie nagtatampo ang baby ko!!!" natatawa niyang sabi at binaligtad yung pudding para ipakita na ubos na

 Naghahamon ata to ng away e, bahala siya, mess with me not with my pudding!

"Baby wag ka na magtampo! Eto na oh!!" tapos inilapit yung kutsara sa bibig ko

"Eh walang laman yung kutsara pano kaya yon?" umiwas ako ng tingin 

"Dali na, ayaw mo ng indirect kiss?" nanunukso niyang sabi

Namula mukha ko kaya ginawa ko ang isang effective gangster move para maka alis sa nakakahiyang sitwasyon, hinampas ko siya sa mukha ng unan.

  "Ack, baby naman nagjojoke lang naman ako eh" natatawa niyang sabi "Kung ikikiss mo ako syempre gusto ko on your own accord"

Sa isang taon na pagsasama, wala kami ginawa romantically, holding hands lang minsan, pero  bukod doon, wala na. Nirerespeto niya kagustuhan ko mag senti mode tulad ni Zhane minsan, pero higit sa lahat, pinafeel niya gaano ako kahalaga sa isang taon na yun na magkasama kami. Hindi ko nafeel na gusto niya ako alagaan as a Kuya kundi someone na makakasama habang buhay. 

"Baby" tawag niya sakin

"Hmm?"

"I was kinda planning, uwi kaya tayo ng Pilipinas this week?" he gave me a small smile

"Uhh, why?" to be honest nag eenjoy ako sa time ko dito, and hindi ko ineexpect na siya mag susuggest

"Well, it's been a year, almost a year. I know you care for me, pero gusto ko makasigurado na mamahalin mo ako. Isa lang naman paraan para malaman natin yun, and that is if you meet up with Cyrus. Listen, Baby, mahal na mahal kita, I'm sure napakita ko na yun buong taon. Ayoko lang na ikeep ka dito kung hindi naman talaga ako mamahalin mo. Kaya habang maaga pa, gusto ko sana malamansagot mo, or kung may pag-asa ako" it's always unnerving paano siya tumitig sa mata ko tuwing nagsasalita siya mula sa puso.

"Sure ka bang okay ka sa ganito? Lagi mo akong inuuna kaysa sa sarili mo, hindi ba pwede magpaka  selfish ka minsan? Or bigyan mo ako ng reason para hindi ka mahalin? haahah" pabiro kong sabi

Inabot ako almost 3 years bagi naka move on sa pagkamatay ni Raven, pero dahil yunn sa suporta ni Zhane at sa countless nights na tumatawag si Red saakin  nooon para kamustahin ako. Gaano kasakit kaya marinig yung taong gusto mo na nagkukwento sa ibang tao? Sobrang sakit siguro. May nakaranas na ba sainyo nun? Wala tiniis yun lahat ni Red para lang hanapin yung tamang panahon na sabihin sakin yung engagement.

"Yep, okay na okay saakin"nangingiti niyang sabi

"Sige, uwi tayo. Miss ko na si Zhane, sina mama lagi namang nabisita eh" sabi ko at humiga sa sofa

Tinapik lang ni Red ulo ko bago umupo sa lapag.

"Kung ano man magiging desisyon mo, irerespeto ko" mahina niyang sabi

"Salamat" was all I could say habang pinepet ko buhok niya, susulitin ko na muna yung katahimikan ngayon bago ko ulit harapin mga problema ko bukas.

====================================================

Wiiiee an kaya mangyayari sa encounter nina Khiara at Cyrus?

Sino excited? :3

-eyysarmi

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon