Chapter 21-Goodbye

70.5K 1.4K 271
                                    

Khiara's POV

"Khiara ready ka na umalis?"tanong ni Red habang naka-alalay saken, baka himatayin ako sa nerbyos ehh, I just nodded

Isang linggo ang lumipas ever since ng laban kay Violette at ang biglang pagsulpot ni Cyrus. May kaunting parte sakin na umasa, na habulin niya ako, itext niya ako, tawagan niya ako. Pero walang dumating. Handa pa din ako bigyan siya ng chance, na makapag-usap kami kahit na nasa Japan ako. Pero hindi nanaman siya nag e-effort, gusto ba niya na ako mag initiate kung siya itong wala pang ginagawa para i-win over ako.

Hinila ko na yung mga maleta papunta sa kotse namin na maghahtid samin ni Red sa airport.

"Khiara naiyak ka ba?" tanong ni Red na agad agad pinunasan luha ko

"Huh?"

Hinawakan niya pisngi ko, pagtingin ko basa, tumingin ako sa salamin, naluha pala ako?

"OK lang ako Red, pinagpapawisan lang ako" palusot ko kahit na halatang hindi naman ito luha.

"Pinagpapawisan? Ano ako tanga? May pinagapawisan ba sa mata?" pinagtaasan pa ako ng kilay "I'm just worried okay?" habol niya

"I know" pilit ko ngumiti

"nasasaktan kasi ako kapag ikaw yung naiyak" tapos ngumiti siya

Laging ako inuuna, Cyrus ganito kalaban mo, tapos hindi ka pa mag-eeffort, pano mo naman makukuha loob ko kung ganito  kabait lumalaban para sa puso ko.

"Khiara, pano na kayo ni Cyrus?" tanong ni Red

I know he's curious sa nararamdaman ko.

"Hindi ko din alam, naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko, akala ko mahal... gusto ko siya, pero parang habang tumatagal nawawala. Gusto ko lang ba yung atensyon? Pero kapag kasama kita.." nagsisimula na ako mastress at bumibilis na paghinga ko  naramdaman ko nalang na nakahawak si Red sa kamay ko

"Wag mo muna madaliin sarili mo, kaya nga tayo pupuntang Japan e, para mas makapag isip ka sa nararamdaman mo, hindi kita mamadaliin, basta gusto ko lang malaman mo na andito ako para sayo. At kung hindi ako makakapagpasaya sayo, susubukan kong gawin lahat ng kaya ko para sumaya ka kahit na hindi ako kapiling mo" hinigpitan niya hawak sa kamay ko

Zhane's POV

"Ano ba Cyrus huminahon ka!!"

"ZHANE PAANO AKO HIHINAHON?! SI KHIARA AALIS NA PA-JAPAN!!" lakad nang lakad si Cyrus sa battlegrounds, kanina pa nag-alisan yung iba, kinuha kong opportunity to para makausap at malaman totoong feelings ni Cyrus

"AT ano? Pipigilan mo siya?" tanong kp

Napakahirap pakalmahin ni Cyrus, ilang araw siya nawala tapos bigla magcacause ng malaking eskandalo.

"Cyrus naman kasi, nagwawarm up na si Khiara sayo, bakit bigla ka naglaho at hindi nagparamdam"

"Kasi... natatakot ako" amin niya

"Alam mo, si Kuya Red super dedicated kay Khiara, kung gusto mo pa makuha ulit loob ni Khiara kailangan makipag head to head ka kay Kuya Red" 

"Para naman kasing sobrang perfect niya"

"Hindi siya perfect, mas matanda lang siya ng ilang taon satin, mas marami naranasan, pero kung paano niya tinrato si Khiara mula nung nakilala ko siya hanggang ngayon ay ganon na ganon padin siya, parang naging mas maalaga pa nga e" kwento ko

"So parang perfect nga"

"Hindi nga perfect, dumating siya dito na nagkakamabutihan kayo, kung naging consistent ka kay Khiara tingin mo ba lalayo loob niya sayo? Gusto ko lang malaman mo na may sinayang kang opportunity. Ang tanong lang ngayon ay kung ano gagawin mo sa future. Matatakot ka padin ba or hahabulin mo siya?" iniwan ko na si Cyrus, hahayaan ko muna na mag isip isip siya

Aminado ako, may pagkakulit tong si Cyrus, naaalala ko din kakulitan ni Kuya Red sa kanya. Pero ang kaibahan kay Kuya Red alam niya kailan magseseryoso at hanggang kailan lang yung laro laro.

===========================================

Itutuloy pa ba ang pag Japan ni Khiara? sino ang pabor?

Sino boto kay Cyrus?

Ehh kay Red?

-eyysarmi

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon