Chapter 50 - Together

44.6K 811 18
                                    

Khiara's POV

  Narinig namin ang nagmamadaling mga takbo nina Red.

Siguro hinahanap nya pa kung saang kwarto kame naka tigil, nang dumating sila sa veranda sa second floor hapong hapo na sya at hinihingal.

"Bakit?" tanong ko at lumapit kay Red inabot ko panyo ko sa kanya

"B..bakit may basag na pinggan sa baba? tapos may dugo?" hinihingal nyang tanong

 Sina Cyrus at Kyle umupo muna saglit sa sahig, nahirap siguro makipag sabayan kay Red... ano ba yan tigil na muna Khiara importante usapan nyo ni Red ngayon.

"Ahhh ako may kasalanan non, kase naman may sulat tas nataranta ako kaya nabasag at..."

"Anong sulat?" tanong ni Red bago pa matapos ni Zhane sinasabi niya

Nilakihan ko ng mata si Zhane sana lang magets nya na wrong move ginawa niya, di ko na masyado nagagawa yung mga ginagawa ko date na 'shut-up-glare' yung tipong isang tingin obvious na gusto ko ipahiwatig pero ngayon mukhang di ko na kaya yon. Huminga ako ng malalim... sasabihin ko ba?

"Khiara, anong sulat yon?" tanong ulit ni Red at hinawakan ang kamay ko

"Oo wag nyo pansinin na nasugatan ako ha!" singit ni Zhane siguro gusto niya mabaling atensyon ni Red ediiii nagets nya siguro yung glare ko

Minental pat ko ang sarili ko dahil kahit pano di ko pa nawawala ang basic skills na ganon. Sana mabaling atensyon ni Red kailangan ko ng oras mag isip...

"May first aid kit naman siguro dito sa inyo diba? Halika gamutin naten yan" yaya ni Kyle at tinulak pa si Zhane palabas ng kwarto

"Ngayon... ano yang sulat na yan?" tanong ni Red at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko


 Naka-abang na maigi si Vanessa at ate Fifi... Fifi na lang itatawag ko sa kanya sa isip ko ha? Di niya naman malalaman ehh, oh sya sinasabi ko nga na abang ba abang sila Vanessa at Fifi si Cyrus mukhang di na hinahapo at na cucurious din kung ano ang kaguluhan na to. Namamawis na ang kamay ko, yak naman maya maya bibitaw din siguro si Red.

"Khiara! nakikinig ka ba? Ano yung sulat?" tanong nya uli habang naka titig na sa mata ko

Pumikit muna ako at nag isip isip, maya maya pa naramdaman ko nang bumitiw si Red. Sabi sa inyo mandidiri sya sa pawis kong kamay ehh, mas basa pa sa mandirigmang sumugod sa sangkatutak na digmaan. Baka mamaya may mga kalyo din pala ako kaka subok ko mag design ng damit?

Pilit nalilihis sa iniisip ko ang ang naiisip ko? Gulo no, eto na talaga... sasabihin ko ba? Masama magtago ng sikreto kaya siguro dapat sabihin ko.... ha? hala may yumakap sakin.

 Pagmulat ko nakita ko si Red nakayakap na saken mula sa likod. Hawak hawak niya na ang sulat. Siguro ang tagal ko nakapikit kanina ano ba yan. Mukhang di ko din naman pala kailangan mag decide ehh.

"Red... di ko alam kung ano yan... di ko alam kung sino.. pero naalala ko may nagbabala na sakin may masamang mangyayare... Red natatakot ako.. kung kailan naman dadating na pinaka importante nating araw" sabi ko at hinawakan ang kamay niya

"Di naman kita papabayaan ehh" pang aassure sakin ni Red, bumuntong hininga ako

"Di naman ako natatakot para sa sarili ko ehh kundi para sayo.. bukod sa magulang ko ikaw na ang pinaka importanteng tao sa buhay ko" sabi ko bago ko pa marealize na di kami nag iisa sa kwarto

Si Vanessa medyo naiiyak, si Fifi nagpipigil ng tawa at si Cyrus... andito lang siya kanina ehh.. umalis siguro noong nakapikit ako..

"Mag-iingat ako, di nila ako kakayanin no, ikaw ang dapat mag-ingat tsaka sina Zhane Vanessa at Ate Fifi kayo ang mga babae" sabi ni Red

"Kung di mo naaalala maski lalaki kaya ko itumba" sabi ko napasmirk ako kahit na nakakapag-alala ang sitwasyon

"Pero di mo kakayanin kung marami sila, at kung may pang blackmail, ang posible lang nila gawin pang laban sayo ay mga mahal mo sa buhay" sabi ni Red

"Dami mong alam ahh" pabiro kong sabi

"Predictable naman sila eh, kaya wag ka mag-alala nandito ka, ako, si Zhane at Cyrus lahat na ng pinakamalakas na gangster nasa tabi mo kaya kakayanin natin yan" sabi ni Red at bumitaw sa pagkaka yakap nya

  Nangalay siguro, di naman ako katangkaran kaya kailangan niya la mag bend ng konti mayakap lang ako.

"Posible pala kame magamit laban sa inyo" sabi ni Fifi hala oo nga... andito pala sila sa loob, bulgar na bulgar pag haharutan namin ni Red

"Si Vanessa ok pa ehh pero ako, mahina at walang laban kailangan di nila malaman kakilala nyo ako,  baka ako pa maging sanhi ng gulo" sabi ni Fifi

   Napa-isip kami saglit.

"Siguro sa condo mo na lang ikaw, send mo na lang sa emails namen mga alterations na gusto mo or namin gawin tas mag usap na lang tayo sa phone" suggestion ni Red

"Sige sige" ngumiti si Fifi at lumabas ng kwarto may binubulong kay Vanessa

"Sooooo, kailangan matrack naten ang engot na nagpadala nito" sabi ko

"Di ka na masyado nag cucuss ngayon ahh" sabi ni Red at napangiti

"Good girl ako, don't you know that?" sagot ko

"Bihira ka na din mag english parang date, masungit ka na ingliserang palamura tapos ngayon... tingnan mo sarili mo" sabi ni Red

Ayan nanaman yang mga 'tingnan mo sarili mo' hayyy.

"Oo na oo na, para namang di mo nagustuhan yung ilang changes diba?" sabi ko at umupo sa sofa

"Kahit naman ano ka pa eh magugustuhan kita" sabi ni Red

"Sing Cheesy at Corny mo si Cyrus noon..." sabi ko na medyo natatawa, then narealize ko kung gano ka awkward pala ng sinabi ko

 Medyo natahimik kaming dalawa.

"Ok lang naman na mabanggit mo past nyo ni Cyrus ehh basta alam ko akin ka lang? ok?" tanong ni Red

"Hindi mo na kailangan itanong yan, syempre oo ang sagot" sabi ko at umusod palapit kay Red sa sofa, inilapat ko ulo ko sa crook ng neck nya /conyo ano ba to haha

"Tapos na ba kayo mag-usap?" pasigaw na tanong ni Zhane

"OO!" sigaw ni Red

"ARAY!" sabi ko at pinalo ng mahina si Red

"Katapat ka ng tenga ko tas sisigaw sigaw ka!" sabi ko tapos pumasok na silang lahat sa loob

"Kailangan natin mag meeting" sabi ni Cyrus

Naging seryoso ang mood ng lahat at nagtipon tipon sa mga sofa para mag-usap usap.

---

-eyysarmi

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Where stories live. Discover now