Chapter Seventeen

53.4K 1.2K 6
                                    


TANGHALI na nang magising si Jason pero hindi nagmulat ng mga mata. Kinapa sa tabi si Divina subalit bakante ang higaan. A lazy smile formed his lips. That impostor submitted herself to him in total abandon. He made love to a woman for the first time in years. He was the teacher and she was the pupil. A very willing pupil for that matter.

Hindi pa sana niya gustong bumangon nang hindi sinasadyang matuon ang paningin sa alarm clock—alas-diyes pasado ng umaga. May palagay siyang tatawag na lang siya sa opisina. Kailangan nilang mag-usap ni Mariz o ni Devin. They never really had a chance to talk to each other after the shouting match. And he didn't even remember kung kailan siya nakatulog. He couldn't believe that this impostor made him so insatiable.

Pumasok siya sa banyo at naligo at pagkatapos ay lumakad patungo sa pinto nang mahagip ng mga mata ang isang puting papel sa tokador. Mabilis siyang umatras at dinampot ang papel na inipit ng brush, binasa ang nakasulat doon.

Jason,

I'll never forget last night or was it morning? I'll treasure those moments forever. And I'm sorry for all the trouble I caused you.

Devin

"Damn!" he muttered at nilukot ang papel. Instantly, may tila takot na gustong mangibabaw sa dibdib niya. Mabilis siyang lumabas ng silid at bumaba. Sa puno ng hagdan ay nasalubong niya si Donya Marcela.

"Did you see her leave?"

"Her who?" nagtatakang tanong ng matanda.

"My wife."

My wife? Hindi ba at impostor ang babaeng iyon? Not because she satisfied you in bed made her your wife already. Wake up, Jason. Pinatawad mo na siya. Kagabi mo pa naisip na paniwalaan siya at hindi na ipaaaresto. Tama na iyon. Be glad she's out of your life. You are totally free. Free from Mariz, free from that impostor!

"Wala ba sa itaas? Ang buong akala ko'y tulog pa kayo hanggang ngayon." hindi pinansin ni Jason ang tila may malisyang tukso na may kasamang pang-uuyam mula sa tinig ng ina. "Inaasahan ko nang tatanghaliin ka ng gising dahil nakita kitang umalis kagabi," dagdag nito na napahiya sa tono.

"She left this morning, 'Ma." Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jason at lumakad patungo sa dining room. Kinuha ang coffeemaker at nagsalin ng kape. Si Donya Marcela ay sumunod sa anak.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa inyo," aniya na hawak ang tasa ng kape na muling bumalik sa kabahayan patungo sa study. Umupo sa swivel chair at itinaas ang mga paa sa ibabaw ng mesa. His face troubled. Si Donya Marcela ay matamang nakatingin sa anak, pagkatapos ay umupo nang magsimulang magkuwento si Jason.

"Unbelievable!" bulalas ng matandang babae. "Totoo ba ang sinasabi mo? I mean, naniniwala ka ba sa sinabi ng babaeng iyon?"

Bahagya siyang nagkibit ng mga balikat. "I didn't believe her at first. Pero may bahagi ng isip ko ang gustong maniwala, Mama. And please, ayokong malaman ng kahit na sino ang tungkol sa bagay na ito."

Ilang sandali muna ang pinalipas ng matandang babae bago sumagot. "What now? Ano ang plano mo? Legally, hindi mo naman pala kailangan ng divorce paper. You are a widower now, Jason..."

"Yeah." tumango ang binata. And it didn't made him feel better. "Legally, yes. But morally, 'Ma, hindi ko alam. Naging komplikado ang mga bagay."

"That impostor complicated things. At kung umalis siya ay ipagpasalamat mo, Jason." pagkatapos ay bumuntong-hininga. "No wonder she's so different. Magpapakalayo-layo na marahil ang babaeng iyon. If and when na may makakita sa kanya kung saan mang lugar, then it would be safe to say na naghiwalay na kayo. You have the divorce papers to prove it. Ano ang komplikasyon doon?"

"She can never assume her real identity, iyon ang komplikasyon, Mama. And she can't be Mariz Florencio either. At may nagtatangka sa buhay niya, 'Ma."

"Did you believe that story?" pakli ng matanda. "Sinabi na lang niya iyon to justify her deeds. She was probably one of Mariz's friends na kasama nila noong araw na iyon. Kung nakalusot siya, then she was very lucky. You are a very rich man."

Hindi sumagot si Jason. May isang bahagi ng isip na tumatanggi sa sinasabi ng ina. Hindi niya kailangang sabihin dito ang nangyari sa kanila ni Devin kaninang madaling-araw; ang pinakamagandang pangyayari sa buhay nito sa nakalipas na mga taon.

f;mso-bid�3��z�)

Impostor - COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now