Chapter Twelve

49.5K 1.2K 21
                                    

NaGISING si Devin sa pagpasok ng liwanag sa bintana. Mabilis siyang bumangon at inilinga ang paningin sa buong paligid. Hindi niya namalayan kung paano siya nakatulog kagabi.

Pagkatapos ng hapunan ay sandali silang naglaro ni Joshua sa nursery nito. Nagtatawanan silang dalawa ng bata samantalang halos iisang linya na lang ang mga mata ni Jason sa pagmamasid sa kanila sa pintuan.

"Leave him, Mariz!" he hissed.

"Daddy!" Ang bata na mabilis na tumakbo patungo sa ama at nagpakarga. "We are playing... kami ni mommy...sali ka. sige na, daddy..."

Tumiim ang mga bagang ni Jason sa pagkakatitig kay Devin bagaman pinagbigyan ang anak. Umupo ito sa sahig at pinatakbo ang battery-operated train na dala nito galing ng Amerika. Nasa tabi nito ang anak na pumapalakpak sa tuwa habang tahimik na nakamasid si Devin sa tapat.

"Yehey! toot... toot..." hiyaw ni Joshua kasabay ng tunog ng train. Patuloy si Jason sa mataman na pagtitig kay Devin na hindi sinasalubong ang mga mata nito at nagyuko ng ulo at itinuon ang paningin sa tumatakbong train.

"A leopard cannot change his spots, Mariz," usal ni Jason, gritting his teeth. Sinisikap gawing normal ang tinig upang hindi mabagabag ang anak. "You cannot use my son against me. I'll kill you first." his voice in passionate anger.

"He—he's my son, too." kung paano niya nasabi iyon ay hindi malaman ni Divina. Dahil kung siya si Mariz ay iyon ang isasagot niya sa sinasabi ni Jason.

"Damn you, Mariz! Hindi mo kailanman itinuring na anak si Joshua. I'm sick and tired of your games—"

"Daddy? Galit ka?" tiningala ni Joshua ang ama.

Humugot ng hininga si Jason to calm himself and smiled at his son. "No, son. Here, you put this signpost here." inilagay nito ang plastic detour sign sa malapit na laruang riles subalit ang mga mata'y nag-aapoy sa pagkakatitig kay Devin.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Devin at marahang tumayo, yumuko, at hinagkan sa pisngi si Joshua.

"Goodnight, sweetheart. Kayo na lang muna ni Daddy ang maglaro, ha? Mommy is so tired and sleepy." gustong magprotesta ng bata pero na-focus ang atensiyon sa biglang pag-ikot ng train mula sa matalim na kurbada ng plastic na riles.

Si Jason ay galit na sinundan ng tanaw ang asawa. Nagsalubong ang mga kilay nang mapagtuunan ng pansin ang mga binti ni Devin. A nice pair of long legs, soft-muscled.

"Daddy, look!" sigaw ni Joshua at agad na nawala sa isip nito ang napuna.

Bumalik sa kasalukuyan ang isip ng dalaga. Kinapa ang unan sa tabi. Hindi ito natulugan at nakahinga siya nang maluwag. Marami ang silid sa mansiyon at ikinagagalak niyang hindi natulog sa tabi niya si Jason. Bagaman nahihinuha na niyang hindi magkatabing matulog ang mag-asawa. At walang panganib na pag-interesan siya nito. He hated her so much. At hindi niya masisisi ang lalaki. Hindi biro ang pagtaksilan ng asawa at sa isang kaibigan pa. It was an utmost betrayal, bukod pa sa pagtanggi ni Mariz sa sariling anak. Malaking dagok sa pagkatao ni Jason iyon.

Sa puntong iyon ng pag-iisip ay gusto niyang kasuklaman ang babaeng pinakasalan ni Jason at ina ni Joshua. Gusto niyang pagtakhan ang mga ganoong uri ng babae.

Tulad ng kanyang mama.

Hindi ba at siya man ay kinamuhian nito? Iyon marahil ang nagtulak sa kanya upang mapalapit kay Joshua. Nahahabag siya rito sa kakulangan ng atensiyon mula sa sariling ina.

Pero paano kung matuklasan ni Jason na hindi siya si Mariz? Humugot siya ng malalim na hininga. Hindi niya gustong isipin ngayon iyon. Nagmamadali siyang tumayo at nagbihis at bumaba. Sa dining room ay naroon si Donya Marcela at nagkakape.

"G-good morning, M—mama..."

"Good morning, Mariz," malamig na sagot ng matanda. "Maupo ka na. Ano ang gusto mong ihain sa iyo?"

"Tama na ho ang kape." hinila nito ang silya at umupo at nagsalin sa tasa ng kape mula sa coffeemaker.

Tahimik ang dalawa habang nagtatantiyahan sa isa't isa. Si Devin ang bumasag sa katahimikan.

"Si Jason po ba?"

"Kanina pa nakaalis ang asawa mo patungong opisina. Maraming nabinbing trabaho. Malamang na gabi nang makauuwi iyon," pormal na sagot ng matanda.

"Si Joshua?"

"Tulog pa ang bata. Maaga pa, Mariz. Napaka-unusual para sa oras ng gising mo." hindi matiyak ni Devin kung may kahalong panunuya ang sinabi nito pero binale-wala niya.

"Mula nang... mangyari ang aksidente ay maaga na akong nagigising, Mama." hindi sumagot ang donya at tumango lang. Inubos ni Devin ang kape sa tasa bago muling nagsalita. "G-gusto ko ho sanang umalis sandali ngayong umaga. May pupuntahan lang akong kaibigan."

Marahas ang ginawang pag-angat ng tingin ni Donya Marcela sa kanya. Hindi makapaniwalang nagpapaalam sa kanya ang manugang. Wala siyang natatandaang nagpaalam ito sa anumang lakad.

"O-of course," wala sa loob nitong sagot. "You can use the car."

"Magta-taxi na lang ho ako," aniya. Natitiyak niyang marunong mag-drive si Mariz at siya'y hindi. "H-hindi ko ho kayang humawak ng manibela."

Mabilis na tumango ang matanda. "Of course. I am sorry. Nawala sa isip ko ang nangyaring trauma sa iyo," hinging-paumanhin nito. "Nariyan si Insiong, ang driver. Gusto mong pasamahan kita?"

"H-hindi na po, Mama. Magpapatawag na lamang ako ng taxi sa kanya. Hindi naman ho ako magtatagal, narito din ho ako bago magtanghalian..."

Wala sa loob na muling tumango ang matandang babae na totoong namangha sa pagiging magalang ng manugang. Si Devin ay tumayo at nagtungo sa telepono. Idinayal ang dormitoryo at hinanap si Ninia.

"Dev!" bulalas ni Ninia. "Nasaan ka? I wrote you twice pero bakit hindi mo sinasagot? And I tried calling you up thru long-distance call pero hindi ako maka-contact."

"I want to meet you, friend," aniya na hininaan ang tinig at luminga sa paligid dahil baka may makarinig. "Sa McDonald's sa labas ng dorm. Humanap ka na ng puwesto. I'll be there in half an hour. Give allowance to the traffic..."

"Sure. Hihintayin kita," nagtatakang wika ni Ninia na ibinaba ang telepono.


Impostor - COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now