Chapter Fifteen

55.5K 1.3K 25
                                    

HALOS alas-dose na nang makauwi si Jason. Medyo tinalaban sa ilang shots na nainom. Bumalya ang pinto ng master bedroom nang buksan nito. Kinapa nito ang ilaw at binuksan.

Naalimpungatang unti-unting nagmulat ng mga mata si Devin. Her eyes beautifully dazed. Her hair tumbling all about her. Banayad na nagmura si Jason.

"J-Jason?" she whispered huskily.

"Oops, sorry at nagising ko ang aking magandang asawa," nakangisi nitong sabi na sinipa ang pinto para sumarang muli. Kasabay ng paghakbang nito patungo sa banyo ay ang isa-isang pagtatanggal ng mga butones ng sportshirt.

Tuluyang napabangon si Devin bagaman hindi umaalis ng kama. Lasing ba ang lalaking ito? Kinakabahang sinundan niya ng tingin si Jason na pumasok sa banyo. Ilang sandali pa'y narinig na niya ang lagaslas ng tubig.

Matiim siyang nag-iisip habang yakap nang mahigpit ang unan na tila seguridad iyon mula sa kung anuman. Ito ang ikaapat na gabi niya sa mansiyon at wala siyang natatandaang pumasok si Jason sa master bedroom malibang gusto siyang kausapin. At lalong hindi sa ganitong oras ng gabi. Nasa kabilang silid ang ilang mga gamit nito kung saan doon ito natutulog.

Ano ang ginagawa ni Jason sa silid niya? At bakit doon ngayon ito naliligo?

Niyuko niya ang sarili. She wish she had a more decent nightwear. Itinaas niya hanggang dibdib ang kumot at kunwang inipit ng unan upang hindi humulagpos, ang mga mata'y hindi inaalis sa pinto ng banyo. Sunod-sunod ang kabog ng dibdib, in anticipation.

Napatuwid siya ng upo sa ibabaw ng kama at humigpit ang yakap sa unan nang marinig na hindi na umaagos ang tubig mula sa shower. Ilang sandali pa'y bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Jason na nakatapi ng tuwalya. She held her breath.

Si Jason ay sumisipol pang lumabas ng banyo. Nahinto nang makita ang nanlalaking mga mata ni Devin.

"Para kang naengkanto," amused nitong sabi. "What's wrong?"

"B-bakit dito ka n-naligo? I mean... h-hindi ba may banyo naman sa kabila?"

Sa pagitan ng kunot ng noo ay ngumiti ang lalaki. "Hanggang ngayon ba naman, Mariz, ay nagda-drama ka pa? Ano ba ang gusto mong palabasin diyan sa pinagsasabi mo? Labas-masok ako sa silid na ito dahil ito ang master bedroom. I can bathe and sleep here whenever it suits me."

Hindi kumibo ang dalaga at nanatiling nakamata. Sa kabila ng kaba ay hindi maiwasang pagmasdan ang katawan ng lalaki. He was tall, lithe and muscled. Strikingly handsome. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buhay niyang makakita ng semi-nude na lalaki.

Hindi pa halos naaalis sa isip niya iyon nang biglang ibagsak ni Jason sa sahig ang tuwalya. Kasabay ng paghulagpos ng matalim na hininga ay nanlaki ang mga mata ni Devin. She wanted to take her eyes off him pero tila siya hinihipnotismong titigan ang lalaki. As if he was a giant magnet at isa siyang munting aspile, drawn to him slowly.

He was so... so... oh!

Si Jason ay nawala ang ngiti sa mga labi sa pagkamanghang nakita sa mukha niya. Nagbabadya ang mga mata niya ng sarisaring emosyon. Amazement and fear. Yes, fear.

Humakbang ang lalaki palapit sa kama in all his naked glory. "I am sleeping right here, Mariz," deklara nito na biglang nagpapitlag kay Devin.

"No!"

Tumaas ang mga kilay ni Jason sa iritasyon. "No? C'mon, Mariz, pasado alas-dose na para sa mga ganitong usapan. I may be divorcing you but at this moment, you are still my wife." at inabot nito ang dalaga sa panggigilalas ni Devin.

"Y-you can't do this, Jason!" aniya sa nanginginig na tinig. "I—I won't allow it..."

"You won't allow it?" Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito. Pagkatapos ay hinapit siya. Nagpumiglas si Divina.

Impostor - COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now