Chapter Sixteen

58.6K 1.4K 26
                                    

"If I was rough, you more than deserve it!" galit nitong sabi and start moving that she gasped sharply. At mahigpit na ipinikit ang mga mata.

Tinitigan ni Jason ang pamilyar na magandang mukha. Ang mukhang kinaiinggitan ng marami sa kanya. Ang magandang mukhang hindi lamang mga lalaki ang naghahangad kundi maging mga babae rin. At isa na rito ang impostor na ito.

But strange, hindi si Mariz ang nakikita niya roon. And she didn't feel like Mariz, didn't taste like Mariz. He had noticed it already at the onset of their lovemaking. Isang pamilyar na mukha, except for the eyes, sa isang hindi pamilyar na katawan. Yet an achingly sweet, sweet body, and he thought he'd die any moment of pleasure.

Then he was kissing her again, gently, softly. His hand moved downward and stroke her, caressed her that the anguish ebbed at muling humalili ang apoy. Apoy na hindi kayang sugpuin ni Divina... naglalagablab.

Jason felt as he'd never made love before when he sweetly, shatteringly exploded.

Ilang sandali muna ang lumipas bago muling nagbalik sa normal ang paghinga ni Jason, hindi pinansin ang guilt that he wasn't able to make her come. Mabilis itong tumayo. Dinampot ang tuwalyang nasa sahig at muling itinapi, pagkatapos ay pinagmasdan si Devin na hindi malaman kung saan itutuon ang mga paningin.

"Now, who are you?" Muling bumalik ang galit sa tinig nito. "Bakit pinaniwala mo ako, kami, na ikaw si Mariz? What happened to Mariz?" Halos isigaw nito ang huling sinabi.

Si Divina ay humugot ng malalim na paghinga. Hindi alam kung saan mag-uumpisa. She didn't expect this to happen soon. In fact, never believed that she would be discovered except that she didn't count on her physical attraction to this man. She clutched the bedsheet and covered her body.

"Dammit, sumagot ka!" hiyaw ni Jason na naglalabasan ang ugat sa mga braso sa pagkakakuyom. Nagagalit ito and at the same time he wanted her again. Nakasandal ito sa headboard at sinisikap na takpan ang magandang katawan ng kumot. As if she just came out of a canvass. "Ano ang gusto mo? Sino ang kasabwat mo dito? Ano ang balak ninyo? Anong uri ng sindikato ang nagpapain ng virgin para lang makapasok sa akin?"

"P-please, let me explain..."

"We have all night, Miss Impostor!" Napangiwi si Divina sa taguri. "Rather morning dahil madaling-araw na!" Lumakad ito patungo sa tokador at dinampot ang sigarilyo at lighter at nagsindi. "Tiyakin mong mapapaniwala mo ako sa sasabihin mo dahil mamaya lang pagsikat ng araw ay ipapaaresto kita!"

Nanlaki ang mga mata ni Divina roon. "N-no! Please, listen..." nanginginig ang tinig niya. Unti-unti nang tumulo ang mga luha sa pisngi.

Iniwas ni Jason ang mga mata roon at nagmura nang patalikod kasabay ng pagbuga ng usok paitaas. "Don't show me those crocodile tears, dammit! What happened to Mariz?" muli nitong hiyaw bagaman nahuhulaan na nito ang kasagutan doon.

"Y-your wife died in that accident..."

"Obviously! Ikaw ang third party sa loob ng kotse. Sino ka? Ano ang kaugnayan mo kay Mariz at Julio? Paano ka napagkamalang si Mariz?"

"H-hindi ko kilala ang asawa mo at ang Julio na sinasabi mo," paliwanag niya sa pagitan ng mga hikbi. "I have never met them until that fatal day. I... I was running from two men who were chasing me. Hindi sila ang unang sasakyang pinara ko to hitchhike para makalayo sa mga humahabol sa akin." tumingala siya at pinuno ng hangin ang dibdib. Humulagpos ang kumot sa dibdib niya at humugot ng matalim na paghinga si Jason. "P-papatayin ako ng mga humahabol sa akin kaya iniharang ko ang katawan ko sa dumarating na sasakyan..."

Lalong nag-apoy sa galit ang mga mata ni Jason sa pagkakatitig sa kanya. "Eksena sa sine, Miss Impostor? Magkano ang inaasahan mong makukuha mo sa akin? Inaasahan mong dahil virgin ka'y patatawarin kita sa panghuhuwad mo? Nagkakamali ka. You have committed a crime!"

Impostor - COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now