The Leviathans

131K 6.8K 2.7K
                                    

Cesia's POV

"LADY CESIA! WE ARE LATE!"

"Eto naaa..." bumangon ako mula sa afternoon nap ko.

Kanina pa kasi ako sinisigawan ni Galatea. Late na daw ako sa meeting namin kasama ang mga Amazons.

Hmm... huli kong nakita ang mga amazons sa digmaan na nangyari sa Academy. Napaisip ako kung bakit pumunta sila dito.

Di kaya tungkol sa ikatlong propesiya?

Pumasok ako sa banyo at tinignan ang sarili ko. Saka ako kumuha ng toothbrush.

Nagsisipilyo ako nang mapansin ko ang pag-iba ng kulay ng mga mata ko...

Akala ko talaga nakita ko ang tint ng purple.

Namamalik-mata ba ako?

Umiling ako at binalewala nalang ito.

Pagkatapos magbihis, dumiretso ako sa conference hall.

"Ano kaya sa tingin mo yung balita nila?" tanong ko kay Galatea na naghu-humm habang nakaupo sa balikat ko.

"Hmmm.." kumuha siya ng isang strand ng buhok ko saka pinaglaruan ito. "I bet tungkol sa mga anak ni Gaia."

Pumasok kami. Umupo ako sa tabi ni Ria.

Nakatayo sa harap si Heather at kasama niya rin ang leader ng Amazons na sa pagkakatanda ko'y nagngangalang Kia.

Ang cool nilang tignan. Kapwa babae pa naman sila tas ang gagara din ng outfits nila.

Naalala ko tuloy yung first time na nakita ko sila... bago ang unang digmaan.

"We're going to talk about Gaia's new offsprings." narining kong sabi ni Heather dahilan na mapatingin ako kay Galatea.

"Leviathans?" out of eagerness, napatanong ako.

Tumango sila.

"Alam natin na bulag ang mga anak niya. But that makes it harder actually dahil ibig sabihin, heightened ang iba pang senses nila." panimula ni Heather. Nag scan ang mga mata niya sa'min na nakikinig sa kanya.

Napansin kong kompleto pala kami dito. Lahat ng teachers at staff nandito rin pati na sina Bo, Doc Liv, sir Rio....

Narinig kong nagsalita si Kia kaya bumalik ulit ang atensyon ko sa harap. "But not all. There are some of them who had more than heightened abililities. And no, they're not blind...." tumigil ang mga mata niya sa'kin. "Tinatawag silang 'Leviathans'. Two times larger than the normal giants."

"Grabe." bulong ni Galatea.

Pumasok ang isang amazon at huntre. Sabay silang pumunta sa gitna at may nireport ata sa leaders nila. Mayamaya, lumabas na rin sila.

"There are 12 of'em... one, we managed to injure but escaped." pagbibigay-alam niya. "and that particular Leviathan killed 5 huntres and 3 amazons."

Suddenly, nakaramdam ako ng takot. Pero di ito galing sa'kin. Hinanap ko kung saan galing ito at nakita ko si Thea na kabadong-kabado ang mukha.

May kapatid nga pala siya na nasa huntres.

"What makes them special?" tanong ni Keren, ang aming principal.

"Twelve giants..." napatingin si Heather sa direksyon namin. "for the twelve destined demigods... dahil may kakayahan sila that is meant to counter each one of the demigods."

Alpha OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon