Back on Land

149K 5.9K 1.3K
                                    

Ria's POV

"he simply means na bababa na naman tayo para pauwiin ang Beta. Tsk." I broke the silence.

Nasa hapagkainan kami at nakapatong sa gitna ang sulat na ibinigay ni Rio. Although, nakakapagtaka kasi dapat alam na ng Beta ang ginagawa nila.

For the gods' sake their still half-bloods at mas marami sila. The chance of failing their mission is lower compared to us.

"Seriously. Palpak sila sa misyon nila na linisin ang mortal realm?" inis na inilapag ni Chase ang baso niya.

"Something might have happened, Chase." ani Kara.

I heard their sighs. "Let's just get this over with. Hahanapin natin ang Beta at si Rio bukas na bukas." tumayo si Dio pagkatapos ay kinuha ang sulat. Dumiretso na siya sa kwarto niya.

I turned to see Cesia wide-eyed kaya napangiti ako. She really doesn't like negativity around her.

Sumunod na pumasok sa kani-kanilang kwarto yung iba. Thea and Seht have claimed the rooms of Cal and Art. Pansamantala lang naman hanggang sa babalik yung dalawa.

A wave of pain passed me nang maalala si Art.

Umiling ako.

She'll come back. Nangako siya. At kilala ko si Art, tutuparin niya lahat ng pangako niya.

"Matulog na tayo. We have a new day ahead. Goodnight." I stood up and made my way to my room.

Pagpasok ko, automatic na napunta ang mga mata ko military uniform na nakasabit sa pader. Kinuha ko ang nakadikit na letter sa frame at bumagsak sa higaan.

'May pupuntahan lang ako Ria. Wag kang mag-alala. Babalikan ko kayo. Sa araw na lalakas kayo. Sa araw na iba na ang itatawag nila sa inyo. Babalik ako.'

I held it closer to my chest and closed my eyes.

"K-kailan Art? Kailan ka babalik?" I looked at the ceiling while stopping the tears from escaping.

Pero hindi. Hindi ko maiwasang mapaiyak.

Wala akong nagawa...

Wala akong alam.

And Art knew that my hatest thing is not having to know about anything.

"Siguraduhin mo lang na babalik ka." I sobbed. "or e-else... or else I will steal all your s-stickers."

I cried silently.


Cesia's POV

"What is the matter?" bumaba si Galatea sa mesa at tinabihan ako. Nakahiga lang ako habang dinaramdam ang lungkot.

"Wala..." nginitian ko siya. "May tao lang na umiiyak."

Naramdaman ko ang napakaliit niyang kamay sa kamay ko. "Nakakapagod ba maging anak ni Aphrodite?"

Pumatong siya sa unan at nag squat. Pinaglalaruan niya ang buhok ko. "Like... having to feel something when you're not supposed to be?" kahit maliit ang mga kamay niya, nararamdaman ko pa rin ang gentle strokes niya sa buhok ko.

Tumango ako. "Minsan."

Bumigat ang loob ko nang maalala ang training namin ni principal.

"Alam mo... ikaw lang ang anak niya na mahal na mahal siya." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Alpha OmegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon