Fifth Deadly Sin

1.9K 108 2
                                    

Seventh Deadly Sin

James 3:16 - For where envying and strife [is], there [is] confusion and every evil work.

Envy

: the feeling of wanting to have what someone else has

Galit. Galit si Kyungsoo dahil may kasama si Jongin na babae sa bahay at kalampungan pa nito sa kanyang harapan. Matalim na tingin ang ibinibigay niya sa mga ito ngunit hindi siya pinapansin.

Inis na tumayo siya at naglakad palabas ng dining hall para pumunta na sa kanyang kwarto. Hindi na niya kaya pang makita na may kasamang iba si Jongin - babae man o lalaki.

Ang gusto niya ay siya lang. Siya at walang iba. Nakakaramdam siya ng matinding panibugho kung kaya't hindi niya napansin na nabasag na pala niya ang hawak niyang photo frame. Larawan nila iyon ni Jongin noong nasa senior high palang sila. Mukha pa silang masaya at walang problema.

"Sana ako na lang ang babaeng iyon. Sana ako na lang ang mga taong nakakausap mo ng may ngiti sa mga labi mo. Sana ako na lang."

Pumatak na naman ang luha galing sa kanyang mga mata. Marahas niya iyong pinunasan at napalingon siya sa pintuan dahil naramdaman niya na para bang may tao sa kabila noon.

Lumakad siya palapit doon at binuksan. Nakita niya si Jongin na nakatingin sa kanya ng seryoso. May hawak itong papel sa kaliwang kamay.

"Bakit kailangang ikaw pa?"

Galit na tanong nito sa kanya. Ibinato sa kanya ang hawak na papel. Confirmation letter iyon galing SM Entertainment. Natanggap kasi si Kyungsoo bilang bagong trainee habang si Jongin na nag-apply din ay hindi.

"Sana ako na lang ang natanggap. Mas magaling naman ako kesa sayo."

**

"Lord forgive me for I have sinned again. I committed another one and it's my fifth time."

To be continued.

Seventh Deadly SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon