First Deadly Sin

3.1K 128 8
                                    

Seventh Deadly Sin

Proverbs 14:17

A man of quick temper acts foolishly, and a man of evil devices is hated.

Wrath

: extreme anger

"Get out! Get your fucking face out!"

Sinigawan niya si Kyungsoo dahil hindi sadyang nabasag nito ang kanyang mamahalin na vase. Nagmamadaling lumabas ito at dahan-dahang sinarado ang pinto. Hindi na niya gusto pang galitin si Jongin.

Nagdiretso siya sa kanyang silid at nilock iyon. Alam niyang susundan siya ni Jongin at sasaktan dahil sa ginawa niya kaya naman naisipan niyang ilock kaagad iyon.

Lumuhod si Kyungsoo sa harap ng salamin at tinignan ang sarili. Wala na ang dating masiglang ekspresyon ng kanyang mukha. Wala na ang ningning sa kanyang mga mata. Wala na ang nakakasilaw na ngiti.

"Bakit kailangan akong maging ganito? Bakit? Anong naging kasalanan ko at ganito ang nangyayari sa akin?"

Kumalabog ang pinto at ganoon din ang pagkalabog ng kanyang dibdib. Alam niyang si Jongin na ang nasa kabilang bahagi ng pinto. Ayaw niya iyong buksan pero hindi naman pwede. Mas magagalit ito kung hindi niya bubuksan.

Tumayo siya at lumapit sa pintuan. Dahan-dahan niya itong binuksan at tumambad sa kanya ang galit na galit na si Jongin. Itinulak siya nito papasok sa kwarto na naging sanhi ng pagbagsak niya sa sahig.

"You fucking broke my mother's vase. Alam mong inportante iyon sa akin."

Tuluyan itong pumasok sa kwarto ni Kyungsoo at nadiretso sa lamesita kung nasaan ang larawan ng pamilya ni Kyungsoo. Kinuha niya iyon at inihagis sa sahig. Naglikha iyon ng ingay at napasigaw si Kyungsoo.

"Sir!"

Parang walang narinig si Jongin at basta na lang tinapakan ang frame na kinalalagyan ng larawan. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ni Kyungsoo at pagapang na inabot ang larawan kung kaya't natapakan ni Jongin ang kanyang kanang kamay.

"Ahhhh!"

Ngumingising tinignan ni Jongin ang ngayong namumulang kamay ng binata. Tumawa ito at dinuraan pa sabay labas ng kwarto. Pabalibag niyang isinara iyon.

Naiwang mag-isa si Kyungsoo. Hawak-hawak ang kanyang kamay na nabali dahil sa pagtapak. Umiiyak itong umupo at tinignan ang larawan ng kanyang pamilya na ngayon ay gusut-gusot na.

Umusbong ang matinding galit sa kanyang puso. Galit na magdudulot kasalanan na kanyang pagsisisihan.

**

"Lord forgive me for I have sinned. I just committed my first sin."

To be continued.

Seventh Deadly SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon