Second Deadly Sin

2.3K 114 7
                                    

Seventh Deadly Sin

Colossians 3:23 - And whatsoever ye do, do [it] heartily, as to the Lord, and not unto men;

Sloth

: the quality or state of being lazy

"Gawin mo ito!"

Utos ni Jongin kay Kyungsoo. Tinitigan ni Kyungsoo ang maruming kwarto nito. Puno ng kalat mula sa kagabing kasiyahan. Mga bote ng alak at kung ano-ano pa.

"Ayoko. Bakit hindi ikaw ang gumawa?"

Nagtaas ng kilay si Jongin at hinatak sa braso si Kyungsoo. Napaigtad ito dahil sa biglaang sakit. Hindi iyon pinansin ni Jongin at mas hinigpitan ang hawak niya.

"Nagrereklamo ka? Wow, you're now growing a back bone."

Ngumisi pa ito at inilapit ito sa kanya. Titig na titig siya sa mukha ni Kyungsoo. Hindi niya alam kung bakit pero hindi maalis ang matinding pagmamahal na nararamdaman niya para sa lalaki pero pilit niya iyong winawaksi.

"I hate you, Do Kyungsoo."

Itinulak niya ito kaya naman bumagsak ang binata sa sahig. Naramdaman nito ang matinding sakit dahil sa hindi pa tuluyang naghihilom ang mga pasa sa kanyang katawan.

Umagos ang mga luha ni Kyungsoo na kanyang pilit na nilalabanan. Sobrang tinding pagkamuhi ang nararamdaman nito sa nakababatang lalaki.

"Do it. I'm lazy to clean my own mess."

Tumayo siya at inumpisahang pulutin ang mga kalat sa sahig. Mas lalong sumakit ang kanyang puso. Unti-unting nawawala ang dating busilak na kalooban. Napapalitan na ito ng galit. Pagkamuhi sa lalaking patuloy niyang minamahal.

"Bakit ko kailangang gawin ang bagay na ayaw ko naman gawin?"

Patuloy siya sa paglilinis ng kwarto na minsang naging saksi pagmamahalan nila ni Jongin.

**

"Lord forgive me for I have sinned. I have committed my second sin."

To be continued.

Seventh Deadly SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon