Third Deadly Sin

2.1K 114 7
                                    

Seventh Deadly Sin

Psalms 10:3 - For the wicked boasteth of his heart's desire, and blesseth the covetous, [whom] the LORD abhorreth.

Greed
: a selfish desire to have more of something (especially money)

Maraming tao. Maingay. Magulo. Ganun ang sitwasyon sa bahay ni Jongin. Nagdaraos siya ng isang party. Habang siya ay abala sa pakikipag-kwentuhan sa kanyang mga kaibigan, si Kyungsoo ay nasa kanyang kwarto at sinusubukang matulog.

Rinig na rinig niya ang ingay pero pilit niyang hindi iyon pansinin. Ayaw na ayaw niya talaga kapag nagkakaroon ng party dahil masyadong makalat at maingay ang bahay.

Hindi din niya gusto ang mga kaibigan ni Jongin na walang ibang ginawa kundi guluhin ang bahay. Mga masamang impluwensya sila kay Jongin.

Sumapit ang ikalabing dalawa ng gabi at unti-unti ng nawala ang malakas na tugtog sa buong bahay. Nagsimula nang magsiuwian ang mga tao. Bumangon si Kyungsoo mula sa kanyang kama at lumabas ng kwarto. Nagpunta ito sa sala at nakita ang mga basura. Napabuntong hininga siya.

"Lilinisin ko na naman ito."

Nilapitan niya ang mga bote na ang ilan ay may laman pang alak. Kinuha niya ang mga iyon at nilagay sa garbage na nakita niya doon. Inabot siya ng isang oras para lang malinis ang sala at kusina. Laking pasasalamat niya na doon lang nagkalat ang mga taong imbitado.

Umakyat siya sa ikalawang palapag, papunta sa kwarto ni Jongin. Nasa tapat na siya nito ng marinig niya ang mga ungol ng babae. Nanikip ang kanyang dibdib. Tumulo ang luha mula sa kanyang mata. Pinihit niya ang hawakan ng pinto at dahan-dahan iyong binuksan.

Nakita ng dalawa niyang mata ang isang babae na nakaupo sa ibabaw ni Jongin. Nagtataas-baba ang babae at nakapikit pa habang umuungol.

Hindi na nakayanan ni Kyungsoo kung kaya't tumakbo siya paalis ng kwarto ng hindi sinasarado ang pinto. Hindi niya na nakita ang pagngisi ni Jongin dahil sa napansin siya nito.

Pabalabag na isinara niya ang pinto ng kanyang kwarto at dali-daling humiga sa kama. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan at umiyak ng umiyak.

"Akin lang si Jongin. Akin lang siya at hindi siya pwedeng mapunta sa iba. Akin lang siya."

Paulit-ulit niya iyong sinabi habang humahagulhol ng iyak. Halos makatulugan niya na iyon.

Labis-labis na pagkatuwa naman ang naramdaman ni Jongin dahil sa narinig nito ang pag-iyak ni Kyungsoo. Nasa tapat na siya ng kwarto ng binata at kanina pa nakikinig.

"That's right, Do Kyungsoo. Want me and only me. Want me all for yourself and rot in hell... with me."

**

"Lord forgive me for I have sinned. I didn't mean to but I have committed my third sin."

To be continued.

Seventh Deadly SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon