KABANATA 37

56.5K 1.2K 103
                                    

Author's P.O.V.

"S-sino po kayo?" nagtatakang tanong ni Helga sa hindi niya makilalang babaeng nakatayo sa pintuan ng kanyang kwarto. Ito ay habang nakahiga naman siya sa kama at buhat-buhat sa kanyang

braso ang bagong silang niyang anak.

Napalingon naman ang mga kasama ni Helga sa silid na iyon─si Jason, ang kanyang mga biyenan at ang kanyang hipag.

"Helga, ako ito." Ngumiti ito. May edad na ang babae ngunit hindi naman katandaan. Pamilyar ang ngiting iyon kay Helga kaya naman...

"Mama?!" utas ni Helga. Nagulat si Jason sa narinig niya. Iba na kasi ang hitsura ni Marietta. Wala na itong pakpak, maayos na ang buhok at normal na ang kanyang morenang balat. Kahawig pa rin ito ni Helga pero ito ay nasa itsurang angkop na sa kanyang edad. Hindi pa rin nawawala ang pagiging elegante nito sa pananamit at ang maganda nitong tindig.

"Ako nga ito, anak," sagot naman ni Marietta na abot tenga ang ngiti.

Tumayo ang mga magulang ni Jason para lapitan ito.

"Balae..." pagbati at pagkamay dito ng ama ni Jason. Ganoon din naman ang ginawa ng kanyang asawa. "Sa wakas ay nagkita na rin tayo."

"Oo. Masaya ako na makilala kayo," sagot naman nito.

"Gusto niyo po bang makita at mahawakan ang inyong apo?" tanong ni Jason dito.

"Oo, syempre naman." At nilapitan na nito si Helga para kunin ang sanggol.

"Jasper ang ipinangalan namin sa kanya, ayon ng inyong kagustuhan," si Jason ulit.

"Talaga?" tuwang-tuwang bigkas ni Marietta. "Nakuuu...Jasper, apo ko... Napakagwapo mo naman," nanggigigil na ugoy ni Marietta sa kanyang apo.

"Syempre naman balae," sabi ng ina ni Jason. "Saan pa ba magmamana ang batang iyan kung hindi sa sa ating dalawa."

At nagtawanan ang lahat.

"Oh paano balae," saad ng ama ni Jason kay Marietta. "Mauna na muna kami, medyo masungit na kasi itong kasama ko," sabay turo sa kanyang asawa. "Kagabi pa kasi kami rito. Babalik na lang ulit kami mamaya para maihatid na natin pauwi sa kanila ang mga batang ito."

"Oo sige. Magkita na lang ulit tayo mamaya," sagot ni Marietta habang sunusundan ng tingin ang mga paalis na kausap.

"Sige po, Auntie..." magalang na pagpapaalam ng kapatid ni Jason. "Nice to see you po."

"Nice to see you rin," sagot naman nito kay Jenny na tinitigan din niya hanggang sa makalabas ng silid.

"Mama, masaya ako at nagbalik ka na tunay mong-"

"Anyo?" nakangiting pagpatuloy ni Marietta sa naputol na sinasabi ni Helga.

"Mas salamat dito sa apo kong gwapong-gwapo," sabay ugoy ulit niya sa hawak niyang sanggol. "Alam mo, apo?" pagkausap nito sa sanggol. "Marami akong biniling laruan para sa iyo kaya't bilisan mo na ang paglaki ha? Para makalakad ka na kaagad at malaro mo na ang mga iyon."

"Parang nakikita ko nang magiging spoiled si Jasper sa inyo, Mama," sabi ni Jason.

"Hindi naman," hindi nakatingin na sagot ni Marietta kay Jason. Nakatutok kasi ito sa bitbit na sanggol. "Hindi natin pwedeng palakihing spoiled si Jasper. Malaki ang kanyang responsibilidad sa mundo kaya't kailangan ay lumaki siyang mabait at maginoo."

Nagngitian si Jason at si Helga.

"Mabait at maginoo...tulad ng daddy niya." tila kinikilig na sabi ni Helga.

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon