KABANATA 12

87.1K 1.3K 90
                                    

Jason's P.O.V.

Ngayon ay nasisiguro ko na, iniiwasan na nga talaga ako ni Helga. Parati na lang kasi siyang may dahilan ngayon kung bakit hindi ko siya makakasabay sa pag-pasok, pag-uwi o kahit sa

paglalakad man lang ng magkasama from one class to another. Nakapagtatakang hindi naman niya ako iniisnab, pero parati talaga siyang may reason para hindi ako makasama. Parating 'yung mga kaklase na niya ang kasama niya ngayon, lalo na 'yung tukmol na 'yun na halatang-halata namang dinidiskartehan siya. Pangatlong araw na ito ng pag-iwas niya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Nami-miss ko na talaga siya.

"Ano ba kasi ang pinag-awayan niyo?" tanong ni Mitch. Naglu-lunch kami ngayon sa pinakamalapit na fastfood sa university. Kasama ko sina Benj, Mitch, Luke at Tristan.

Pero paano ko ba sasabihin kay Mitch na nagsimula ang hindi namin pagkakaunawaan ni Helga nang mahuli namin silang nagse-sex ni Benj sa salas noong isang gabi?

"May nasabi ako na na-offend siya," nanlulumong sagot ko habang nilalaro ko ang pagkain ko.

"Bakit? Ano ba ang sinabi mo?" tanong ni Benj.

Paano ko ba sasabihin ito, na hindi nila mabubuking, na 'yung pagmimilagro nila sa salas ang pinagmulan ng lahat? Ahhh! Ang hirap talagang magtakip kapag hindi ka sanay magsinungaling.

"Medyo napunta kasi sa kalaswaan ang kuwentuhan namin, eh alam niyo namang kunserbatibo ako. Medyo nahusgahan ko siya sa pagbibiro niya ng tungkol doon."

"Hay naku, lolo Jaze..." sabi ni Mitch na may halong buntong hininga. "Masyado ka naman kasing matanda sa una. So paano na? Hindi ka na ba niya pinapansin?"

"Pinapansin naman pero..."

"Pero?"

"Iniiwasan na niya ako. Tapos, may pumuporma pa sa kanyang asungot. Naiinis ako."

"Pumoporma? Nagpapaligaw na siya? Bakit? Break na ba kayo?" Nakakunot na tanong ni Mitch.

"Isa pa 'yun sa problema ko, Mitch... hindi naman kasi talaga kami ni Helga. Nasabi lang niyang kami, para hindi siya lapitan ni Mike."

Para namang napakunot silang lahat. Marahil ay nalilito sila sa totoong status namin ni Helga.

"Wait lang... hindi kayo? Pero... gusto mo siya, right?" sabat ni Luke.

Tumango ako.

"Pero siya? Gusto ka ba niya?" dugtong niya.

"Sabi niya. Pero noon 'yun, nung ok pa kami, pero ngayon... hindi ko na sigurado kung gusto pa niya ako."

"Gusto mo bang kausapin ko siya?" tanong ni Mitch. I'm pretty sure na medyo nagliwanag na ang mukha ko.

"Ok lang ba sa iyo? Pasensya na Mitch, medyo desperado na kasi ako eh," sabi ko.

"O sige," aniya. "Pero, ano naman ang gusto mong sabihin ko sa kanya?"

"Hindi ko alam kung may kailangan ba akong ipasabi sa kanya sa ngayon, pero gusto kong malaman kung ano ba ang nararamdaman niya. Kung galit pa ba siya sa akin o kung gusto pa ba niya ako."

 Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.   

"Do you want to listen while I talk to her, o gusto mo ako lang?"

"Gusto ko sanang marinig mula sa kanya mismo, pero ayokong malaman niya na nakikinig ako."

"O sige, ganito ang gawin natin Jaze. I'll find a way to talk to her, kapag pumayag siya, I'll text you where we are. Ok ba 'yun?"

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon