KABANATA 6

93.4K 1.6K 144
                                    

 Jason's P.O.V.

"Teka, teka nga muna!"  sabay agaw niya sa kanyang kamay.  "Saan mo ba ako dadalhin?"

"Kailangan nating mag-usap, Helga.  Alam mo yan!" Tinitigan kong mabuti ang kanyang mga mata.

"Pero may klase pa ako Jason."

Sasagot na sana ako, nang matanaw ko ang mga katropa kong sina Tristan, Benj kasama ang nobya niyang si Mitch, at si Luke kasama ang bago niyang nobya na si Alyssa.  Lilinga-linga silang papalapit na sa amin.

"Ano?  Nadala niyo ba?"  tanong ko sa kanila.  Nasulyapan ko naman ang nagtatakang mukha ni Helga.

"Oo."  Mahinang sagot ni Luke. "Pero huwag tayo dito mag-usap.  Doon tayo."  Sabay turo nito sa chapel.

Dali-dali naman kaming pumunta sa chapel, medyo natigilan nga lang si Helga sa pagtataka kaya naman kinailangan ko pa siyang hilahin.

"Eto," sabi ni Luke, habang binibigyan niya kami ng tigi-tigisang pakete ng abo na nakabalot sa maliliit na sandwich bags.  Kinuha niya ang mga iyon mula sa kanyang bag pack.  "Eto pa."  Sumunod naman niya kaming pinagbibigyan ng tigi-tigisang plastic ng rock salt.  "Siguraduhin niyo na meron kayong dala niyan, kahit saan kayo magpunta.  Mahirap na, lalo't hindi pa natin alam kung sino-sino sila."

"Sino-sino?"  tanong ni Helga. "Ibig sabihin ba noon, marami sila?

Tiningnan siya ng mga katropa ko na parang nagtataka kung sino siya.

"Ah, eh... mga pare, ito nga pala si Helga,"  singit ko. "Siya 'yung tinutukoy ko sa inyo kagabing kasama kong nakasaksi sa nangyari sa kaklase kong si Hector."  Tumango lang naman sila.  Medyo natulala pa ng kaunti si Benj sa kagandahan ni Helga, kaya't medyo napukpok siya ng pamaypay ng girlfriend niyang si Mitch.

"Malakas ang pakiramdam ko, na marami sila."  Si Luke ang may pinakamalakas ang pakiramdam sa amin.  We usually trust his gut feelingbecausehe's usually right.  "Pero heto..." naglabas naman siya ng maliliit na botelya na may lamang langis. "Parati ninyo itong dadalahin.  Kapag nakita niyo itong kumulo, ang ibig sabihin ay nasa malapit lang sila."

"Saan mo ba pinagkukuha ito, honey?"  Maarteng tanong ng bagong girlfriend ni Luke na si Alyssa.  'Bago' kasi wala pang dalawang linggo niya itong nagiging nobya.  Parang diring-diri nitong inabot ang maliit na botelya kay Luke, kaya naman nagkatinginan kami sandali ni Helga.

"Nakuha namin ito ni Benj sa kaibigan naming manggamot, noong namundok kami kamakailan sa Banahaw."

"Eww... ang baho naman nito honey. Ayoko niyan. At para saan itong ash at salt? I am not going put these filthy things in my purse!" maarteng sambit ni Alyssa sabay abot pabalik kay Luke ng maliit na bote ng langis, at ng mga plastic bags.

"Pigilan niyo ako bago ako makasapak!"  nanggigil na bulong ni Mitch sa amin. "Ang arte-arte!" Dagdag niya. Medyo natawa naman kami ni Helga.

"Pero hon,"  sabay balik ni Luke ng maliit na botelya ng langis, at ng mga plastic sandwich bags sa bagong girlfriend niya. "That's for your protection."

"Ayoko nga nyan honey eh.  Baka matapon pa 'yan sa bag ko, mahal pa naman ito." Habang pilit ibinabalik ang maliit na botelya, at mga bags kay Luke.

"Hay nako!"  Mataray na pagpaparinig ni Mitch kay Luke. "  Pabayaan na lang kasi 'yung isang maarte diyan na lapitan at lapain ng mga aswang! Para naman mabawasan na ang mga buwisit sa mundo!" anito habang masamang nakatingin kay Alyssa.

Boyish na medyo may katarayan kasi ang girlfriend ni Benj na si Mitch. Medyo may pagka-prangka rin siya, kaya't madalas na napapaaway.  Pero kahit ganun, mukha namang nagkakasundo sila ni Benj, magdadalawang taon na rin sila. Mabait din naman kasi ito, medyo mainitin nga lang ang ulo, lalo na kapag meron siyang hindi trip na tao.

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon