KABANATA 2

106K 1.7K 131
                                    

Helga's P.O.V.

Nakakainis. Transferee na naman ako for the third time. Kung bakit ba naman kasi kahit saang school ako magpunta, ay either sinusundan o inuunahan ako ng kamalasan at samo't-saring kababalaghan. Nagsimula ang lahat ng ito noong bumalik ako sa Maynila mula sa San Isidro.

Ang San Isidro... at ang mga taga-roon, na walang awang pinaslang ang kapatid ng Tatay, ang Tiya Senda.

Kawawa naman ang Tiya Senda. Pinatay siya ng walang kalaban-laban. Napakasakit pa ng paraan ng sa kanya'y pagkakapaslang. Sinunog siya, sinunog siya ng buhay. Isang uri ng kamatayan na hindi gugustuhin ng kahit sinumang nilalang.

Simula noon, parati ko na siyang napapanaginapan. Sayang. Isang buwan lang kami nagkasama, paano'y hindi naman sinabi ni Tatay, na may kapatid pala siya. Nabaggit lang niya ang tungkol sa kanya, bago siya nalagutan ng hininga.

Sa ikli ng panahon na nakasama ko si Tiya ay napamahal agad ako sa kanya. Ang bait-bait kasi niya, at napakarelihiyosa. Kaya naman hindi ko matanggap nang mapagbintangan siya ng mga taga-San Isidro na isa raw siyang aswang.

Aswang? Paano siya naging aswang? Porke ba doon siya nakatira sa liblib na bahagi ng baryo, aswang na agad siya? Ano kaya ang naging basehan nila?

"Grabe! Sino kaya ang may kagagawan niyan?" Bulung-bulungan ng isang kumpol na estudyanteng nag-uusyoso sa Women's Restroom.

Ginamit ko ang tangkad ko para sumilip at para malaman ko kung ano ba ang pinagkakaguluhan nila. Naaninag ko ang mga pulis at ilang paramediko na may inilalagay na pira-pirasong mga parte ng katawan ng tao sa dalawang body bag.

Ang isang paramediko, ay may hawak na pugot na ulo habang 'yung isa naman, putol na braso at binti. 'Yung isa, ay may bitbit na pigi. Ngiii... ano ba 'yan? Nakakadiri naman.

Dahil sa ambang pagbaliktad ng sikmura ko ay umiwas na ako ng tingin. Kumakalabog ang dibdib ko at animo'y sasabog ang puso ko sa lakas ng pagtibok nito.

Eto na naman yata. Ganitong-ganito rin kasi ang nangyari noon, sa mga pinanggalingan kong eskwelahan.

Huwag naman sana. Dahil pagod na pagod na ako sa kaka-transfer.

"Hindi kaya may aswang dito sa school?" sabi ng isang estudyanteng babae sa kanyang mga kabarkada.

"Aswang? Totoo ba 'yun?" sagot naman ng isa sa mga kasama niya. "Hindi ba likhang isip lang 'yun? Sa pelikula lang?" sabay tawa.

"Hay nako," sabi ng unang nagsalita kanina, "Kayo talagang mga taga-Maynila, wala kayong alam. Totoo 'yun 'no. Meron nga sa aming aswang sa Iloilo 'no."

"Hay nako," sagot ulit ng tumawa kanina. "At kayo namang mga taga-probinsya ay kung ano-ano ang pinaniniwalaan niyo, na hindi naman totoo. Malay ba natin kung may mga siraulong gusto lang na manakot sa mga estudyante dito."

"Ah ewan ko sa iyo, basta, totoo ang aswang."

Aswang. Aswang na naman? Bakit ba kahit saan yata ako magpunta, ay hinahabol ako ng ka-aswangan na 'yan? Aswang din kasi ang haka-haka ng mga taong nagsasabog ng lagim sa mga dati kong eskwelahan. Pati ba naman dito, aswang pa rin ang pinagsususpetsahan?

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

Maya-maya lang ay mukhang iba na ang pinagkakaguluhan ng grupo ng mga kababaihan sa corridor.

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon