KABANATA 9

87.7K 1.4K 143
                                    

Helga's P.O.V.

"Wala bang AC dito? Ang init naman!" Reklamo ni Alyssa habang nakukuwentuhan kami dito sa salas ng bahay nina Jason.

"Oo, may central air condition ito," sagot ni Tristan. "Hindi lang namin binubuksan unless matutulog na, para makatipid sa kuryente. Sandali, bubuksan ko," paliwanag nito sabay alis para abutin 'yung remote ng sinasabi niyang central aircon. Nakadikit ito sa dingding na nandoon din lang sa living room.

"Eh hindi naman kasi masyadong mainit, Tristan!" Mataray na pagpaparinig ni Mitch. "Electric fan lang ok na! Maarte lang kasi 'yung isang tao diyan!"

"Ako ba ang pinariringgan mo?" iritableng tanong ni Alyssa kay Mitch.

"Baket? May iba pa bang maarte dito?" Sobrang taray na sagot naman ni Mitch.

"Tama na nga yan! Singhal ni Benj. "Wala na kayong ginawa kundi mag-away."

"Why don't you tell that to your lowbred girlfriend?" Nakaismid na sabi ni Alyssa.

"Ah, lowbred pala ha?!" At buong liksing sinunggaban ni Mitch si Alyssa at saka pinagsasampal. Masyadong malamya si Alyssa, kaya hindi ito makaganti. Pareho silang pumuputak, pero hindi ko na maintindihan, dahil sabay silang nagsasalita at nagsisigawan.

Inawat sila nina Benj at Luke, pero bago pa nila tuluyang napaghiwalay ang dalawa, ay nahila na ni Mitch ang buhok ni Alyssa. Napasubsob ito sa sahig. Nagsimula na itong umiyak sa sakit. Ayaw kasing bitawan ni Mitch ang kanyang buhok.

"Let go of me you freak!" umiiyak na sigaw ni Alyssa.

"Not until I pulled the rest of your hair off, bitch!" sigaw ni Mitch sabay hatak ulit sa buhok ni Alyssa.

Napasigaw naman si Alyssa sa sakit.

"Mitch, stop it. Please!" sigaw ni Luke habang pilit ibinubuka ang kanang kamay ni Mitch na sumasabunot sa buhok ng girlfriend niya.

Pero malakas si Mitch. Kahit hawak-hawak siya ni Benj ay nakabuwelta siya at ginamit ang kaliwang kamay para itulak si Luke papalayo. Nawala naman sa balanse si Luke kaya bumagsak ito nang patihaya sa sofa. Dahil doon ay nagamit na ni Mitch ang kanyang dalawang kamay para hawakan ang buhok ni Alyssa bago nito ipinagwasiwasan ang kawawang babae sa lahat ng direksyon.

Nang napahiga na si Alyssa ay pabukakang pumatong si Mitch sa gitna ng tiyan nito. Sinampal niya ng paulit-ulit si Alyssa gamit ang dalawa niyang kamay. Lumapit si Benj, pero aksidenteng nahila ni Alyssa ang binti niya kaya na-out of balance siya at naunang bumagsak ang kanyang puwit sa sahig. Napadaing na lamang si Benj habang hinihimas niya ang kanyang puwitan.

Sa kabilang dako naman ay papasugod na sana si Luke, pero aksidenteng naiangat ni Mitch ang kanyang kamao na sumapol nang diretso sa pagitan ng hita nito. Nang dahil doon ay napagulong sa sahig si Luke habang hawak-hawak nito ang kanyang sumasakit na 'katoto'.

Dahil parehong bagsak na sa sahig sina Benj at Luke, ay napilitan na sina Tristan at Jason na makialam. Nagulat naman ako nang parang manika lang na binitbit ni Jason ang nagwawalang si Mitch, gamit lang ang lakas ng kanyang kanang kamay at braso.

Nagpupumiglas si Mitch, pero malakas si Jason kaya naman matagumpay niyang patuwad na naisampay sa kanyang kanang balikat ang babae.

Grabe naman ang Jason na ito, para siyang isang bihasang kargador na nagbubuhat ng isang sakong bigas. Natanaw ko naman sa kabilang dako na tinutulungan ni Tristan na makatayo si Alyssa.

"Tama na, Mitch." Kalmadong sabi ni Jason habang ibinababa niya si Mitch sa tabi ko. Medyo kumalma na naman si Mitch, matapos na hawakan ko ang kamay nito.

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon