Last Chapter- Mrs. And Mrs.

11.7K 323 129
                                    

*Chapter 54 -

 

Erin's POV

Our love story took it's elevator ride. From that day kung saan na-interview ako ni Nath, sa pagbalik ko sa time para mas makilala siya, hanggang sa naging kami na nga. Down to this day kung saan ay pumayag na siya na makasama ako sa buong buhay niya.

Napakarami na namin naranasan. Nagkahiwalay man kami pero ang ending namin ay kami pa rin. Kung gagawin sa movie ang love story namin? It's will be one of a kind. Normal na tao lang naman kami, but the each and every moment are truly incomparable to anything. Akala ko talaga noon sa imagination lng ng tao ang imagination pero having it experienced ay masasabi kong napakaswerte ko dahil dumating sa buhay ko ng phone booth though may mga moments na kung kelan kailangan namin ang time machine ay may parang kung anong glitch ang nangyayari at hindi gumagana.

Nung narinig ko yung sigaw ni Nath kanina sa gitna ng mga pangyayari, I can't explain how happy I am. Parang nawala ang kaguluhan na nagyayari sa paligid. Parang kaming dalawa lang. Pakiramdam ko ay punong puno ng hapiness ang puso ko. Sa wakas. Yung taong mahal ko ay natauhan na rin. Ang tagal ko na kasing hinintay ang pagkakataong ito. At sa wakas, wala ng bawian.

Having my family back into my arms again is heaven. Sa isang braso ko ay si Nath at sa kabila naman ay ang anak namin. Ang masasabi ko lang?

THIS IS LIFE.

Having them both for the rest of my life, yan ang pinangarap ko noon. Pangarap na ngayon ay nasa akin na. Pangarap na ginawa ko lang lahat para MAGKATOTOO.


After few months...

 

"Best! Ready na ba lahat?" Tanong ko kay Anne.

"Oo naman. Kami pa talaga ang tinanong mo?" Nakangiti niyang sagot.

"Buti naman. Salamat sa lahat." Sabi ko.

"Basta ba wala ng atrasan ito." Singit naman ni Angela.

"Wala na talaga. Yung kaibigan mo na lang. Baka magback out." Natatawa kong sabi.

"Subukan niya. Ako tototohanin ko na yung sinabi ko dati. Sasapatusin ko na siya kahit sobrang nakakatakot siya." Sagot ni Angela na nagpatawa sa aming tatlo.

Sa loob ng mga buwan ay nag-plano kami sa mga mangyayari para sa araw na ito. Siyempre hindi pwedeng mawala ang kaibigan namin sa pag-pa-plano sa mga mangyayari. Sila yata ang pinakamagaling na event planners na nakilala ko. Kahit mga baliw sila ay masasabi kong sa oras na kailangan namin sila ay hindi na kailangang magdalawang sabi. Tutulong sila sa abot ng makakaya nila. Yung lupa na nabili ko sa tulong ni Cams ang ginawa kong location. In the first place, kung hindi ako napadpad dito hindi ko makikita ang mahiwagang phone booth. Parang dito na rin nagsimula ang lahat eh.

There is one big tree na tumubo sa gitna. Pagkakita ko pa lang doon ay naimagine ko na ang pwedeng kalabasan kung ipapaayos namin iyon. I hired a landscape artist para pagandahin ang lugar. Ang matataas na damuhan ay nawala, it was replaced by a vermuda grass. Then yung paligid nung malaking puno ay nalinis din. Sa taas naman ng puno ay may mga nakasabit na frosted glass of lights and strips of metalic mylars that sways with the wind. Parang nagmukhang bunga ung mga glass lights sa itaas. Then sa ibaba naman ay isang mini stage na may arc made of white and yellow roses. Ang mga bisita ay makakaupo rin sa mga white cushioned chairs and in the middle is the aisle that is carpeted of white fabric.

Simpleng wedding lang naman ang magaganap ngayon. Ang importante ngayon ay sa wakas magiging akin na ng tuluyan si Nath.


Hindi na rin kami nagpunta pa sa ibang bansa. 2023 na ngayon at dahil nanalo ang party list na Ladlad ay nakuha na rin ng mga LGBT community ang right to same sex marriage dito sa Pilipinas. Yes, at first it was the biggest dream to be married to the land where we are born pero naging possible ito. And now, couples like us can freely be married sa sariling bansa.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlWhere stories live. Discover now