*Chapter 7 - Leaving on an Airplane

13.5K 149 4
                                    

*Chapter 7- Leaving on an Airplane

Erin's POV

I resigned na sa company na pinagtatrabahuhan ko. Malamang sa susunod na pag aapply ko sa TalkANet di na ako tatanggapin. Kasi lulubog lilitaw ako. Haha. Going back I gotta be a full time mom, wife and student. Patiwakal na ang peg ko kung isasama ko pa pati ang pagtatrabaho. Nath understood naman. At may savings din naman ako kaya kahit si Nath na muna ang magwork ay kakayanin namin.

Hay... Isang kembot na lang and I'll graduate na. Sa wakas. I'll be a diploma holder na rin. Which makes me feel extra proud of myself. Nakayanan ko na pagsabayin ang lahat. Syempre with the help of my family na rin. I know I wouldn't make it without them.

After few months...

"Congrats!" Bati nila Nath, mama at papa pati ang TeamAnAn.

"Thank you! Sa wakas tapos na rin ako." Sagot ko naman na nakangiti.

After ng ilang pictures ay nagpunta na kami sa resto na kakainan namin. Hindi na rin kasi kami naghanda sa bahay. Nakakapagod pa yun wala naman akong ibang bisita.

Sandamakmak na kwentuhan, kain, picture taking at nagpasya na rin kaming magsiuwi na. Sa bahay namin sa Cavite muna kami umuwi. The following day na lang kami uuwi sa bahay nila Nath.

"What's your plan now babe?" Tanong ni Nath habang nakaunan sa braso ko.

"Gusto ko na ulit magkawork babe. Syempre hindi ako pwedeng matengga sa bahay lang. May family na tayo eh." Sagot ko.

"Kaya ko pa naman babe eh. At pahinga ka muna kahit ilang months lang. I want you to enjoy muna bago ka magwork." Sabi naman ni Nath.

"Thanks babe. Pero gusto ko ako ang magpo-provide for us." Sagot ko

"Sige. Sabi mo eh. But atleast take a leave muna. Enjoy ka muna. Chill lang. Then after that hindi na kita pipigilang magwork. I know how hard this past few months were for you. Having Natty, me and school." Sagot ni Nath na niyakap na ako.

"Worth it lahat ng iyon dahil para sa atin lahat yun. At ayoko naman yung asawa ko lang ang nagtatrabaho noh." Sabi ko sabay halik sa ilong niya.

She hugged me so tight and whispered how much she loved me. Ganoon din ang ginawa ko. I feel so complete now. May anak ako na sobrang cute, mga magulang na understanding at supportive at asawa na mahal na mahal ako. Ano pa ba ang hahanapin ko? This is a type of life that is very hard to find. But once found a must to treasure dahil minsan lang dadaan sa buhay.

I hugged my babe and fell a sleep next to the most wonderful person on earth.

As what we spoke off, hindi muna ako nagapply ng work. I stayed at home at nagalaga kay Natty at kay Nath. House wife in other words. But one day my tita from my mom's side skyped me and said na kailangan nila ng service crew sa Maryland. She's a manager kasi sa isang fast food chain and her boss prefered a Filipino worker dahil sa dedication ng mga pinoy. Malaki daw ang sasahurin ko at siya na muna ang sasagot sa mga gastusin ko. Ang sabi ko naman pagiisipan ko muna. Ayoko naman kasi na magdesisyon agad ng hindi nagsasabi kay Nath.

So pagkauwi ni Nath ay sinabi ko agad sa kanya yung magandang oppurtunity na dumating.

"Babe, may sasabihin ako." Panimula ko sa kanya habang nagpapalit siya ng damit.

"Ano yun?" Sagot naman niya.

Inilapag ko muna si Natty sa crib niya at hinayaang maglaro. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko uumpisahan eh.

"Ano kasi babe, si tita Joan ipapasok ako ng work sa Maryland. Siya na muna ang sagot sa mga gagastusin ko papunta dun. Malaki yung kikitain ko. At 2 years lang ako dun babe. Sakto lang na makaipon." Paliwanag ko.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlWhere stories live. Discover now