*Chapter 44 - Glimpse, Again.

8.5K 174 53
                                    

Nath's POV (Future na pumunta sa present time nila)

Kung ano ang sinabi saakin ng TeamAnAn? Ganito.

"Kami na ang bahala. Di namin ipapaalam sayo. Sikretong malupit. Dapat yung wala kang kaalam alam para naman di halata. Baka kasi habang sinasagawa ang plano eh laglag na agad panty mo." Sabi ni Angela.

"Uuwi nalang nga ako! Wala naman ako pala mapapala!" Sabi ko.

"Hahaha. Meron at magpapasamat ka after." Sabi ni Anne.

"At saka nga baka maging over acting ka kaya wag nalang namin sabihin at saka aayusin pa namin ang plano."Sabi naman ni Angela.

Tama nga naman may point sila dapat yung hindi ko alam parang yung ginawa nila dati sa birthday ni Natty.

Nagpaalam na ako sakanila at umuwi sa bahay.

Pag dating sa bahay sinalubong ako ni Natty.

"You're not my present mama right?! I'm gonna miss her. Where did mama go?" Sabi ni Natty.

"Baby. Tinapon ko si mama mo sa future. Pasaway kasi eh." Sabi ko.

"How am I doing  in the future mama?" Sabi ni Natty.

Hindi ako makasagot. Hay. Bakit ko nagagawang pabayaan ang anak ko. Napakabait niya eh? Nasisiraan na yata ako ng ulo. Napakacute pa oh.

"Ahm. You will be more beautiful. Tapos tatangkad ka na at madami na magkakagusto sayong girls and boys. Ahahaha."Sabi ko.

"Boys? Never mind. But girls???!! Really mama? And how mama Erin there? Is she still pretty like you?" Sabi niya.

Lalo ako natameme.

"Hmmm. Baby. You want chocolates? O shopping? Toys? What do you want?" Sabi ko.

"I like that mama. Matagal na kami hindi lumalabas ni mama and you're more cool than my present mama!" Sabi niya.

Buti naman hindi na siya nagtanong pa.

Nangalkal ako kung saan ko tinatago ang mga kaperahan at card ko. Di ko maalala yung security pin ng debit card ko! God! Ano na kasi? Pag di ko naalala nganga kami dahil 1000 lang ang cash niya. Pinilit kong alalahanin. Sana lang tama. Kilala ko naman sarili ko. Yun lang naman pala birthday namin ni Erin ang ginagamit ko dati. Di ko naman maalalang pinalitan ko. Tama baka yun nga.

Naligo na kami ni Natty at nagbihis. Si manang nalang muna bahala dito sa bahay.

Naglibot libot kami sa mall, kumain at bumili ng toys na gusto ni Natty. Pumunta din kami sa book store. Hindi ko alam kung bakit gusto pa bumili ni Natty ng book eh punong puno ang Tab niya ng Ebooks. Pero pinagbigyan ko na siya. Namiss ko siya eh. Ubusin ko laman card  ng isip batang Nath na yun. Hahaha hanep kasi sa pagkakuripot halos hindi na gumagastos.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlWhere stories live. Discover now