*Chapter 37 - Afraid

9K 178 107
                                    

Angela's POV

Akala ko ang tino-tino ni Erin. Akala ko hindi niya magagawang saktan si Nath. Pero mali ako sinaktan niya ang kaibigan ko. Very disappointing yun sa side ko dahil ginawa kong ehemplo si Erin. Gusto ko na maging katulad nila ang relationship namin ni Anne. Hindi ko talaga lubos akalain na na magagawa yun ni Erin pero nagawa na niya. Ako kahit kelan hindi ko naisip na tumingin sa iba. Kahit ilang beses akong pagdudahan ni Anne never pumasok sa isip ko yun. Ano kaya ang pumasok sa ulo ni Erin at nagawa niya yun? Ewan ko na talaga.

Ilang buwan na din ang nakakalipas. Nang magkahiwalay sila. Nagtataka lang ako bakit hindi niya manlang kami nilapitan. Sabi niya okay na daw siya. Ganun na ba kadali ngayon mag move on?

Napag isipan namin ni Anne na yayain si Nath sa bahay namin para makausap namin siya. At makamusta naman. Pag bungad ni Nath ay kasama niya si Natty. Daming nagbago sa itsura nilang dalawa. Pero mas si Natty. Parang nawala ang saya sa mga mata niya.

Agad kong binuhat ang bata at si Anne naman ay sinalubong si Nath.

"Hey baby how are you? Did you miss tita Angela?" Tanong ko.

"Yes." Tipid niyang sagot.

“I have a gift for you, baby. I know you will like it. You might wanna check it." Nakangiti kong sabi.

"Really tita? Where?" Sabi ni Natty. Mukhang nagbago ang itsura niya at napalitan ng excitement pero iba padin ang dating ngiti niya.

Itinuro ko yung maliit na byke sa sala na my ribbon. Pinaghandaan talaga namin yung pagdalaw nila dito.

Tapos habang tinitignan ko si Natty ay may biglang bungad na babae. Hindi ko alam kung sino.

"Angela, Anne si Andrea." Sabi ni Nath.

Sino naman kaya itong babaeng ito at bakit sinama niya dito.

"Hi, ikaw pala si Angela. Oh Anne. Do you remember me? Ahead kayo saakin pero naabutan kita sa talkAnet. Girlfriend ako ni Nath. Di niya ba nakwento?" Sabi niya.

What? Ang bilis yata. Bakit ganun? Tsk! Hindi ko pa nakakausap si Nath dahil hindi siya nagsasabi saakin. Bakit ganun? At saka bakit eto ang pinalit niya? Hindi bagay sa beauty ni Nath.

"Oh. Hi Andrea. Sorry di kita maalala eh. Oh pasok kayo. MY BAGO na pala si Nath ng hindi NAGSASABI saamin." Sabi ni Anne sabay tingin kay Nath.

Kilala ko si Anne kaya alam ko na kung anung ibig sabihin ng asta niyang yun.

Ayokong pakitaan ng di maganda ang babaeng ito kahit may nasesense akong mali kaya yung atensyon ko ay binaling ko kay Natty na sinasakyan ang bike niya.

"Maganda ba baby?" Sabi ko.

"Yes tita Angela I love it. I will tell mama Er." Hindi niya tinapos ang sinasabi niya at bigla siyang tumingin kay Andrea na parang natatakot.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlWhere stories live. Discover now