*Chapter 48 - Kindled

7.9K 195 52
                                    

Nath' POV

(Present Nath na tinapon sa future.)

Kung nakakapagod na sa shop namin dati ay nas nakakapagod na ngayon dito sa shop. Mas nararamdaman ko tuloy ang pagkawala ni Erin. Noon kahit magkaibigan lang kami may umaalalay saakin. Ayaw niya akong laging napapagod. May nag aabot ng tubig, nagbibigay ng panyo pag nakikita niyang pinagpapawisan ako, at nagdadala ng pag-kain saakin. Ngayon alam ko na ang importansya niya saakin. Kung hindi ba naman ako isat-kalahating tanga. Pinili ko pa ang babaeng yun sakanya at hinayaan ko siyang mapamahal kay Camille.

Ngayon alam ko na. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Sana lang ay bumalik na si tandang Nath dala ang magandang balita oh kaya namay magpalit na kami ng kalagayan. Ako na ang gagawa ng hakbang para magkaayos kami pag hindi pa okay ang lahat. Sana ay hindi pa huli.

Pag uwi ko sa bahay. Sinalubong ako ni Natty ng halik. Inuwi ko na kasi siya. Pabaya kasi ang tandang Nath na yun. Pero hindi ko siya masisi. Kaya pala siya ganun ang itsura niya dahil nakakastress nga naman ang ganito. Mas okay nga ang buhay mo pero kulang na kulang padin ang pakiramdam. Ang anak ko din. Hindi na kasing ganda ng ngiti niya dati ang ngiti niya sa ngayon. Pagod na pagod ako ngayong araw na ito. Ang gusto ko nalang muna ay matulog. Hindi na kasi ako nakakatulog na ilang araw. Ngayon lang. Maaga pa naman. Kaya sinabihan ko si Natty na matulog na siya pag inantok siya at iinit nalang niya yung pagkain sa ref. Sa age niyang 10 years old madami na siyang alam gawin. Natuto na yata siyang tumayo magisa dahil pabaya ang nanay niyang si tandang Nath.

Nag half bath na ako at humiga sa kama. Habang nakapikit ako yung masayang alaala namin ni Erin ang nakikita ko. Namimiss ko na talaga siya.

Madami ata akong nabalikang ala-ala bago ako nakatulog.

Nagising ako sa pagkakatulog dahil yung panaginip ko ay parang nahuhulog ako sa napakalalim na butas. Kaya nabigla ako. Yung heartbeat ko ang lakas. At pawis na pawis ako.

"Babe, are you okay?" Sabi ng isang pamilyar na boses.

Yung boses na yun. Nananaginip ba ako? Nasa loob ba ako ng panaginip?! Tumayo ako agad. At nakita ko sa kabilang side si Natty. Ano to? Ilusyon? Kung panaginip ito lord please don't wake me up. Gusto ko nalang mabuhay sa panaginip.

Tumayo din si Erin at hinawakan ang kamay ko.

"May problema ba babe? Anong panaginip mo?" Sabi niya.

"Anong year na?anong date at anong oras?!" Sabi ko.

"Haha. Babe. Nananaginip ka? Ano nahanap mo yung phone booth?" Sabi niya.

"Seryoso sagutin moko." Sabi ko.

"September 11 2021, 2:21 am." Sagot niya habang kinukusot ang mata.

Nananaginip yata ako. Okay na ba ang lahat?

"Erin, sampalin moko! Nananaginip ba ako oh totoo ito?!" Sabi ko.

"Haha. Totoo to. Pero di kita kayang sampalin." Sabi niya.

"Sige na please! Ngayon lang gusto ko lang siguraduhin." Sabi ko.

Imbis na sampal ang inabot ko sakanya ay isang matamis na halik. Masarap parin. Hindi nagbago. Namiss ko to. Pero parang hindi padin ako naniniwala.

"Ito totoo to. Hindi panaginip!" Sabi niya saakin sabay kagat sa lower lip ko.

Totoo nga. Totoong siya nga. Okay na kami.

"Erin! Totoo ka nga! Akala ko nananaginip lang ako babe. Namiss kita. Nakabalik na ako babe. Akala ko hindi na kita makakasama. I love you!." Sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

Past Progressive Tense (PPT2) girlxgirlWhere stories live. Discover now