Chapter Nine

3.7K 195 31
                                    

Chapter Nine

Let him love me.


I glared at Julian after he kissed me. Tangna kinilig ako dun. Pakshet. Pero hindi ko dapat ipahalata. Baka akalain niya easy to get ako. Ha, of course not.

"Akala ko ba lasing ka? Pinaglololoko mo lang ba ako kanina?" Naniningkit ang matang sabi ko kay Julian.

Nauuna siya sa paglalakad papunta sa kotse ko. Walangya talagang baklang to, matapos akong halikan, ni-hindi man lang ako hinintay. Jusmio. Nagpapatunay lang na isa siyang gentledog!

Binilisan ko nalang ang lakad hanggang sa makarating kami sa kotse ko.

"Lasing talaga ako kanina," nakangising sabi niya, habang sumisipol pa at nakalahad ang kamay. "Susi mo?"

"Lasing daw. Ang sabihin mo, umaarte ka lang para maidrive kita pauwi rito sa inyo!" Litanya ko pero ibinigay pa rin ang susi sa kanya. Ihahatid nya ba talaga ako?

"Umaarte?" He raised his brow and then smirked. "Sino ka naman para artehan?"

Waw. Sino daw ako para artehan? Ako lang naman ang future wife mo! Hahaha.

Nakangisi pa ako at magsasalita na sana nang bigla siyang naunang pumasok at sumakay sa driver's seat at iniwan ako sa labas na nakatunganga. I gasped.

Lord, asan po ang manners ng Julian na ito? Lord, pakibalik please nakakaawa kasi ang mga taong nasa paligid niya.

"The hell Yuri umaga na! Bilisan mo naman dyan!" Sigaw niya mula sa loob. Was this the same guy who kissed me awhile ago?

Well... they're the same guy. Both rude!

"Andyan na po, master.." I rolled my eyes as I entered my car.

Ako lang ang salita nang salita sa biyahe hanggang sa makarating kami sa bahay. It's now 5:30 am, and laking gulat ko nang sumama si Julian sa loob.

"Gusto ko lang humingi ng paumanhin sa parents mo at nakauwi ka nang ganitong oras dahil sa akin.." seryosong sabi ni Julian habang papasok na kami sa bahay. In fairness, mukhang tulog pa sila. Pero seriously, 5:30 am? Tahimik pa ang bahay?

Tumango na lang ako. May kaunting hiya rin naman pala sa katawan si Julian. At least, sigurado akong tao pa siya.

As I opened the door, nanibago agad ako. "Bakit walang tao?" bulong ko na ikinibit balikat na lang.

"Ang tahimik naman ng bahay ninyo, Yuri. Sure ka bang may nakatira rito?" Tanong ni bakla na nakahawak pa rin sa kamay ko. Nanlalamig ang kamay niya. Hmm, bakit kaya to nanlalamig.

"Oo naman! Dyan ka muna sa sala ha, magbibihis muna ako sa kwarto—"

"No!" Agad na sagot ni Julian at hinawakan na naman ang kamay ko. "Huwag mo nga akong iwan! Paano kung lumabas bigla ang parents mo tas wala ka, paano kung gisahin nila ako sa tanong? Nag-iisip ka ba Yuri? My ghad gamitin mo naman 'yang utak mo—"

"Nagsesermon ka na naman eh! Kinakabahan ka lang dyan. Sus. Tara na nga sa kwarto ko.." Hinila ko nalang siya at laking gulat ko ng wala nalang rin siyang sinabi at nagpahila na lang din. Good.

The moment we reached my room, agad kong binuksan ang pinto at pinaupo sya sofa ko. "Feel at home ha? Maliligo muna ako.."

Biglang napalunok si Julian. "Ok.. Uhm, okay. M-maligo ka na dyan bruha."

Natawa na lang ako. "Mas bruha ka."

Habang nasa banyo ako, iniisip ko ang mga nangyari kaninang madaling araw. First of all, hindi ko makakalimutan iyong sinabi ni Julian na namimiss nya raw ako. Sheet. Pwede kayang nagbago na ang nararamdaman niya sa akin? I mean posible kaya iyon? Tapos hinalikan niya na naman ako kanina. May ibig sabihin kaya ang halik na iyon?

Playing With Fire (#Wattys2018)Where stories live. Discover now