Chapter One

15.3K 340 26
                                    

Chapter One

Let him recognize me.

"Bakit ba ayaw mo sa akin? Maganda naman ako inside, medyo malaki hinaharap, may curve ang katawan, medyo matalino, tsaka mabait. Oh ano pang hinahanap mo? Sobrang swerte mo na kapag sinagot mo ako!" Sigaw ko sa hinahangaang lalaki... bakla. Hinahangaang bakla.

Inirapan lamang ako nito sabay hawi sa maiksi nitong bangs ngunit wala lang iyon sa akin dahil pang lalaki pa rin naman ang ayos ng buhok nito. Walang pinagbago. Mukha nga itong kasali sa isang boyband.

"Stop following me, will you? Hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae, just so you know!" Sigaw ng bakla sa akin.

Sa halip na masaktan ay ngumisi lamang ako at nilapitan ang baklang sobra kong hinahangaan simula pa noong naging magkaklase kami sa elementarya hanggang ngayong malapit na kaming grumaduate sa high school— Julian Alexander Tan, that's his name.

And I didn't miss a chance to tell it to him. I always say I like him every chance I get. Kaso, hindi talaga ako gusto ni Julian.

Siguro ayaw niya sa akin dahil inside beauty lang ang meron ako. Sad life.

"Hintayin mong gumanda ako outside, Julian. Kapag nangyari iyon, hindi ko na hihintaying mahulog ka sa akin kundi ako na mismo ang hihila sa'yo."

Napailing na lang ako nang maalala ang mga pangyayaring iyon, 3 years ago. I was stupidly in love with that gay 3 years ago, and until now.. I still am.

Ginayuma ba ako ng baklang iyon? Grabe ang epekto niya sa akin. Hindi na ata ako makakaahon nito.

"Ma'am, I nominate Yuri Evangelique Gallanza as muse!"

I snapped out of my thoughts when I heard my name being uttered by a classmate of mine. Doon lang bumalik sa isip ko ang ginagawa namin ngayon.

"What?" Natawa ako. "College na tayo, wala ng muse dito. Ano ito, high school?"

Second day of class namin ngayon. I just transferred in this school dahil gusto kong tuparin ang pinangako ko kay Julian my love, 3 years ago. Aba, ngayong maganda na ako, tutuparin ko na iyon!

"Miss Gallanza, nomination pala ito kung sinong gagawing representative ng college natin sa gaganaping Mr. And Miss. St. Francis 2016 two months from now. Well, I don't see any reason kung bakit hindi ikaw ang gagawing representative. You're perfect for it!"

Bola pa ma'am, baka sakaling maniwala ako.

"Pero ma'am— eh kasi, bago pa ako sa school na ito. Medyo nag-aadjust pa ako sa new environment." I reasoned out. Kata-transfer ko lang, isasalang agad ako sa pageant? My goodness.

"Mas mabuti nga iyon, para kahit bago ka pa lang, magiging sikat ka na. Ang ganda mo pa naman, Miss Gallanza."

Ayokong maging sikat. Gusto ko lang mapansin ako ni Julian, iyon lang.

Pero on the second thought, kapag sumali ako dito, baka sakaling magkagusto na si Julian sa akin? Wow, great idea, Yuri! Ang talino mo, grabe. How to be me?

"Oo nga naman, Miss Yuri. Baka kapag ikaw ang sumali, manalo na ang college natin for the first time! Ilang years na tayong hindi nakakasungkit ng crown eh." A male classmate of mine said na sinangayunan naman ng iba naming kaklase.

"Tama! Baka ngayon na ang panahon na pinakahihintay natin. Miss Yuri, pumayag ka na please?" Segunda ng isa.

Napakamot ako sa ulo ko.

Playing With Fire (#Wattys2018)Where stories live. Discover now