Chapter Five

8.2K 378 142
                                    

Chapter Five

Let him kiss me.

Hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi ng baklang ito.

Boyfriend ko raw siya?!

Kinalma ko ang puso ko. Aaminin ko, may iba akong naramdaman nang sinabi niya iyon pero tangina, maniniwala pa ba ako?!

Noong una ayaw na ayaw niya sa akin tapos ngayon siya na mismo ang nagpakilala kay Rikko na nobyo ko siya!

Anong kahibangan ito?

Pero kinilig ka sa kahibangang iyan.

Napasimangot ako sa sinabi ng inner self ko.

HINDI!

Mas lalong napakunot ang noo ni Rikko dahil sa sinabi ni Julian. Kaya ang ginawa ko, hinigit ko ang kamay ng baklang ito upang dalhin sa labas para kausapin nang maayos.

"Sandali lang Rikko," Paalam ko at tuluyan nang umalis.

Tamad lang na naglalakad si Julian kaya kailangan ko talagang mag-exert pa ng effort upang hilahin siya. Tong baklang to!

Marami ring nakatingin sa amin habang naglalakad kami. Iyong iba, ngumingiwi pa.

"Umayos ka." Banta ko kay Julian at pinaningkitan siya ng mata.

Walang kaemo-emosyon niya lang akong tiningnan at patuloy na tamad na naglakad.

Nang sa wakas ay nakarating kami sa likod ng cafeteria na walang masyadong dumadaan, doon ko na siya hinarap.

I sighed to calm myself.

"Anong ibig sabihin noong ginawa mo?" Kalmado ngunit medyo naiinis na sabi ko.

Malamig niya lang akong tiningnan, tila walang planong sumagot.

He brushed his hair upward using his hand. Hinangin pa kaya ang ganda ng ayos nito.

Shit, Lauren stop staring at him!

"Bakit kayo magkasama?" Malamig na tanong niya.

"Bakit mo tinatanong?" Mataray na sagot ko. Aba, anong nasa tono ng pananalita niya? Wala siyang karapatang magtanong!

"Bakit mo ako sinasagot ng tanong?" Sarkastikong sabi ng baklang ito.

I rolled my eyes. He is a hopeless case! Goodness!

"You know what, you are unreasonable. Kinakausap kita nang maayos!"

"Kinakausap din naman kita nang maayos pero sinasagot mo ng tanong ang tanong ko." His voice was still cold, so as his eyes.

It's as if I was looking on a pair of ice; not pair of eyes.

I groaned. Sinasagad niya talaga ang pasensya ko.

Sinagot din naman niya ng tanong ang tanong ko! Pero hindi ko na lang iyan sasabihin dahil alam kong hahaba pa ang diskusyon. Isip bata kasi!

"Fine." Sumuko na ko. "Ayusin mo ang sagot mo! Anong ibig sabihin noong ginawa mo kanina?" Ulit ko sa tanong ko.

Malamig na naman niya akong tiningnan.

Then he puffed air.

"Wala."

Simpleng sagot nito. Nakapamulsa pa siya na tila nagsasabing wala talaga siyang pakealam sa mga sinasabi ko.

I narrowed my eyes at him. Iyong tinging sinisigurado kung nagsasabi ba ng totoo ang kausap mo o hindi, ganoon ko siya tiningnan.

Playing With Fire (#Wattys2018)Where stories live. Discover now