Chapter 24

604 21 0
                                    

After 1 week..

Napagdesisyunan ng kompanya ni Mateo na ipadala siya sa Bulacan para mag-ayos ng mga aasikasuhin sa papalapit na pagbubukas ng branch nila doon kaya kahit ayaw niya na mahiwalay kay Celeste at sa tiyahin niya ay kailangan niya itong gawin dahil sa huli ay para naman ito sakanila.

"Baka naman mambabae lang kayo doon ha? You will update me every now and then para alam ko kung anong ginagawa mo doon." pagbabanta ni Celeste kay Mateo

"Of course, trabaho naman ang pinunta ko sa Bulacan at hindi mga babae. Hindi ba matagal ko na sinasabi sa iyo na para naman sa future natin itong dalawa? Papakasalan pa kita hindi ba? Pangako ko iyon kaya tutuparin ko." sagot naman ni Mateo kay Celeste

"Papakasalan mo ba talaga ako? Para kasing wala ka naman balak gawin iyon sa akin. Ilang taon na tayong magkasintahan pero hindi mo pa naman ako inaalok ng kasal." sabi ni Celeste habang nakasimangot kay Mateo

"Ano ka ba naman? Syempre papakasalan kita. Liligawan ba kita kung wala akong balak na pakasalan ka? Marami lang talaga akong inaasikaso ngayon kaya pinapaliban ko muna ang kasal pero nakalista na iyan." panlalambing naman ni Mateo kay Celeste

"Sure ka dyan babybunch ha? Walang iwanan! Ayaw ko naman mapunta sa wala ang lahat ng ito. Kahit mataray naman ako sa mga babaeng nakakasalamuha mo eh dahil iyon sa ayaw na kitang mawala pa kahit kailan sa akin. Naiintindihan mo naman ako hindi ba?" sabi naman ni Celeste habang inaayos ang gamit nito sa maleta

"Oo naman, naiintindihan ko iyon pero sana maintindihan mo rin na trabaho lang naman ang sadya ko sakanila at wala nang iba pa. Huwag ka na selosa ha? Nagiging monster ka kapag nagseselos ka eh." biro naman ni Mateo kay Celeste

Dahil doon ay pinaghahampas ni Celeste ang kasintahan niyang si Mateo ng hawak-hawak niyang damit. Alam naman niyang nagbibiro lang ang nobyo at nagbibiro lang din naman siya na siya ay naiinis.

"Eh, ayaw ko nga na may umaaligid sa iyo na iba! Noong nalaman ko nga na may nangyari sainyo noong baliw na iyon at nagka-anak pa kayo ay inis na inis ako eh. Sa iba pa kaya? No way, gusto ko akin ka lang!" sagot naman ni Celeste kay Mateo

"Speaking of Maria, kayo na ni tiya ang bahala sa mag-ina. Okay lang ba iyon? Hindi pa kasi ako nakakakuha ng magbabantay para kay Maria, pero ngayong linggo ay magkakaroon siya ng doktor na titingin sakanya dito sa bahay. Ikaw na ang bahala doon ha? Huwag mo naman siya awayin Celeste para hindi ka na rin mapahamak. Kaligtasan mo rin naman ang iniisip ko eh." sabi ni Mateo kay Celeste

"May magagawa pa ba ako eh iyon ang sinabi sa akin ng mahal kong prinsipe? Oo na, kahit ayaw ko magbantay sa baliw na iyon ay kakayanin ko dahil mahal kita. Pasalamat na lang talaga ang baliw na iyon dahil mahal kita kung hindi haynaku!" nanggigil niyang sagot kay Mateo

"Stop calling her baliw. Mamaya marinig ka noong nanay noon tapos magalit pa sa iyo. Remember, wala naman ako dito para ayusin kayong dalawa. Isang linggo din ako mawawa mahal ko." sagot naman ni Mateo kay Celeste

"Eh anong magagawa ko? Baliw naman talaga iyang dinala mo dito sa bahay mo. Alam naman siguro ng nanay niya iyon. Halata naman siguro na baliw ang anak niya hindi ba?" pagtataray na sagot ni Celeste kay Mateo

Wala na lang sinabi si Mateo sa kasintahan dahil hindi sila matatapos kung papatulan pa niya ito. Magpapaalam pa siya sakanyang tiyahin dahil male-late na din siya sa kanyang lakad papunta sa Bulacan. Nagpaalam na rin siya kay Maria at sa nanay nito.

Agad na pumunta si Celeste sa tiyahin ni Mateo dahil may naiisip nanaman itong gawin kay Maria at sakanyang ina. Dahil nga hindi natuloy ang una nilang plano na patayin si Maria dahil sumigaw agad ito para humingi ng saklolo kay Mateo ay kailangan nilang makaisip ng bagong paraan para mawala ang mag-ina.

"Ano naman ang naiisip mo? Umaga ngayon, nandito pa ang mga kasambahay at baka isumbong ka nila kay Mateo kapag nalaman nila na may ginawa kang masama kay Maria. Alalahanin mo, hindi lang si Maria ang kalaban mo dito sa pamamahay na ito. Ayaw din sa iyo noong iba nating kasambahay." sabi ng tiyahin ni Mateo kay Celeste

"Hindi naman natin ngayon gagawin ang plano eh. Hindi ba't uwian naman ang mga iyan dahil may mga pamilya sila? Edi sa gabi natin gagawin ang plano. Papatayin natin si Maria at isasama na rin natin ang kanyang ina para wala na magsumbong pa kay Mateo." sagot naman ni Celeste sa tiyahin ni Mateo

"Siguraduhin mo lang na hindi papalya ang plano mong iyan dahil ayaw ko naman na kamuhian ako ng pamangkin ko dahil sa plano nating ito. Mahal ko pa rin naman siya kahit papaano." sagot naman ng tiyahin ni Mateo

"Oo naman, basta ba makikinig ka sa akin. Wala naman tayong ibang gusto kundi malayo ang baliw na iyan kay Mateo hindi ba? Isa pa, ginagawa lang naman natin ito dahil gusto nating protektahan ang mahal nating si Mateo. Papalabasin natin na nagbigti ang mag-ina at agad tayong tatawag ng pulisya at ambulansya pagkatapos." sabi naman ni Celeste sa tiyahin ni mateo

Pagkatapos nilang mag-usap ay naghiwalay na ang dalawa na para bang hindi sila nagpaplano ng masama laban sa mag-ina. Ang tiyahin ni Mateo ay nag-umpisa na magluto ng tanghalian habang si Celeste naman ay naupo sa sala at binuksan ang TV para manuod. Parang normal lang ang mga kilos nila.

Habang si Maria naman ay nakatingin kay Celeste sa malayo habang hawak-hawak ang manika niya at para bang may pinaplano din sa dalaga. Nanlilisik ang mga mata nito at halata mong galit na galit siya kay Celeste. May plano din kaya siyang patayin si Celeste?

Naglakad ito papunta kay Celeste at niyaya nanaman na makipaglaro ito sakanya. Syempre, hindi naman nabago ang sagot ni Celeste kay Maria at iyon ay ang hindi. Dahil sa sagot ng dalaga ay nagwala nanaman si Maria at muli nanamang nagimbal ang lahat dahil sa iyak nito.

Bloody Maria (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon