Chapter 3

1.5K 46 0
                                    

Pag-uwi ni Mateo sakanila ay hindi siya makapagsalita dahil sa nangyari sakanila ni Maria. Alam niyang hindi tama ang ginawa niya sa dalaga pero wala na rin siyang magawa noong mga oras na iyon dahil si Maria na mismo ang may gusto na mangyari iyon sakanila. Ngunit may pangamba na ngayon na nararamdaman si Mateo, hindi na magiging madali para sakanya ang lapitan ang dalaga na si Maria dahil panigurado siyang mahihiya na sila sa isa't isa. Hindi pa rin niya lubos maisip kung bakit nagkaganoon ang kaibigan niya. Alam naman niya sa sarili na may gusto sakanya ang dalaga pero hindi naman niya inakala na ganoon na pala kalala ang pagkagusto ni Maria sakanya. Nakakaamoy siya ng mali pero hindi pa niya matukoy sa ngayon kung ano nga ba iyon.

Pag-uwi naman ni Maria sakanila ay sayang-saya ang dalaga, lalo pa dahil hinatid siya ni Mateo sa bahay nila. Pakiramdam ng dalaga ay nagsisimula na si Mateo na magkagusto sakanya lalo pa ngayon na may nangyari na nga sakanila ng binata. Wala na siyang mahihiling pa ngayong kaarawan niya dahil naibigay na ni Mateo ang matagal na niyang hiling. Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang dalaga na mamahalin siya ni Mateo isang araw. Sigurado naman siya sakanyang sarili na hindi pa ito ang huli na may mangyayari sa dalawa.

Kinabukasan, pagdaan ni Maria at Mateo sa labas ng bahay nila ay nagtagpo ang kanilang mga mata. Si Mateo ay nahihiyang tumingin kay Maria habang si Maria naman ay todo pa sa pag-ngiti habang nakatingin kay Mateo. Gusto pa nga nitong hawakan ang binata pero pilit namang lumalayo ito sakanya. Naiwan sa kalsada si Maria na inis na inis dahil sa ginawa ni Mateo sakanya. 

Hindi pa rin natinag si Maria dahil nga gustong gusto niya si Mateo.  Pumunta ito sa bahay ng binata para doon siya hintayin at kausapin. Pagbubuksan naman siya ng mga tao doon dahil kababata siya ni Mateo at kilala na siya dito.

"Iha, ano ang kailangan mo? Wala kasi si Mateo rito, kakaalis lang niya dahil pinabili ko siya ng mga kailangang sangkap sa palengke. Gusto mo bang hintayin na lang siya? Kaso matatagalan siya eh, baka mainip ka lang dito sa loob." bungad ng isang matandang babae, tiyahin pala ito ni Mateo

"Ayos lang naman po sa akin, lagi ko naman pong hinihintay si Mateo sa klase namin kaya sanay na po akong maghintay sakanya. Saka mabilis naman pong kumilos ang oras, baka mamaya po ay nandito na rin iyon." sagot naman ni Maria sa matanda pagkatapos ay umupo sa sala nila Mateo

"Sige, umupo ka muna riyan at ipaghahanda kita ng makakain mo at inumin. Pasensya ka na iha kung madumi dito sa bahay namin. Hindi pa kasi ako nakakapaglinis dahil inuna ko muna ang pagluluto ko. Hayaan mo, mamaya pagdating ni Mateo ay malilinis rin niya iyan." sagot naman ng matanda sakanya

"Gusto niyo po bang ako na lang ang maglinis dito sa bahay? Ayos lang naman po sa akin habang hinihintay ko ang pamangkin niyong si Mateo. Pwede rin naman po akong tumulong sa pagluluto niyo, para na rin po matuto akong magluto kahit papaano." presenta naman ni Maria sa tiyahin ni Mateo

"Naku, huwag ka na tumulong sa akin sa kusina. Bisita ka namin dito sa bahay kaya nararapat lang na maupo ka dyan sa sala at  magpahinga. Mamaya nadyan na din iyon si Mateo, mas mabuti kung nandyan ka na sa sala para kita kaagad niya pagdating." sagot naman ng tiyahin ni Mateo kay Maria kaya wala na nagawa ang dalaga kundi sundin ito

Makaraan ang isang oras sa palengke ay bumalik na si Mateo sakanilang tahanan. Habang naglalakad ay iniisip pa rin niya si Maria at ang nangyari sakanila kagabi. Lalo pa at nagkita sila kanina sa kalsada, isang bangungot para kay Mateo ang makita si Maria. Pinaplano an niyang huwag pansinin ito para makaiwas na rin siya sa tukso. May respeto pa rin naman siya kay Maria at sa sarili niya kaya niya pinipiling gawin iyon.

"Tiya, nandito na ang pinabili mo sa aking mga sangkap para sa ulam natin ngayong umagahan. Ang init sa labas, sikip pa sa palengke kaya natagalan ako sa pagbili ng mga ito." sabi ni Mateo habang inaayos ang pinamili niyang mga sangkap sa palengke

"Nandyan nga pala si Maria sa sala, hinahanap ka raw niya. Kanina pa nga dyan iyan eh, sinabi ko sakanya na matatagalan ka sa palengke pero nagpumilit na hihintayin ka pa rin niya kahit gaano ka katagal sa palengke. Gusto pa nga tumulong dito sa bahay pero sabi ko ay huwag na dahil bisita natin siya. Dali na, puntahan mo na siya doon para may kasama na siya. Kawawa naman at kanina ka pa niya hinihintay, ako na ang bahala sa mga pinamili mo." sagot naman ng tiyahin ni Mateo na labis namang kinagulat ng binata

"Bakit niyo naman po pinapasok iyan dito sa bahay natin? Sana po ay hinayaan niyo na lang si Maria sa labas at doon na lang po sana kami nagkitang dalawa. Pwede naman po iyon eh, huwag niyo na pong papasukin kahit kailan iyan dito." sagot naman ni Mateo sakanyang tiyahin na kinagulat naman nito

"Aba, bakit ganyan ka na kung magsalita kay Maria? May problema ka ba sakanya na hindi ko alam? Kung ano man iyan ay sana maayos niyo na. Hindi naman kayo lumaki na magkaaaway ng batang iyan kaya patawarin niyo na ang isa't isa. Puntahan mo na siya doon at makipagbati ka na sakanya." utos ng tiyahin ni Mateo, wala na nagawa si Mateo kundi sundin ang kanyang tiyahin

Dahan-dahan na naglakad si Mateo papunta kay Maria. Puno ng kaba ang kanyang puso, alam niya na may mali na sa kinikilos ng dalaga at hindi na ito ang kaibigan na nakilala niya. Sobra siyang nalungkot dahil doon at kahit gusto niyang tulungan ang dalaga ay hindi naman niya alam paano sisimulan.

"Bakit ka naparito? Wala naman na tayong dapat pag-usapan pa. Nakuha mo na ang gusto mo hindi ba? Ayos na iyon, huwag ka na pumarito kahit kailan. Simula ngayon ay hindi na tayo magkaibigan." bungad ni Mateo kay Maria na labis namang ikinagulat ng dalaga

Matatapos na nga ba ang pagkakaibigan nila o simula pa lang ito ng kwento nilang dalawa?

Bloody Maria (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon