Chapter 23

580 23 1
                                    

Dahil sa namumuong galit ni Celeste kay Maria at nagplano ito na pahirapan ang baliw na si Maria sa bawat araw niya sa bahay ni Mateo para umalis na ito at huwag na gambalain pa ang binata at syempre si Celeste na rin. Nabalot ng kasamaan ang kanyang puso dahil sa nalaman niya tungkol sa nakaraan ni Mateo at Maria. Samantalang siya ay naghihintay na pakasalan siya ni Mateo na parang hindi naman yata darating.

Pinakisuyuan niya ang mga kasambahay na siya na mismo ang magdadala ng pagkain ni Maria sa kwarto nito, noong una ay ayaw ng mga kasamabhay dahil alam nila na mapapagalitan sila ng amo nilang si Mateo pero pilit na kinulit ni Celeste ang mga kasambahay kaya wala na itong nagawa kundi ang sundi na lang si Celeste.

Dahil sa galit niya ay napagplanuhan niya na lalasunin niya si Maria gamit ang pagkain na hinain ng mga kasambahay para sakanya. Nagpatulong ito magpabili sa tiyahin ni Mateo sa palengke at dahil nga gusto rin ng matanda na mawala na ito sa buhay nila Mateo at Celeste ay pumayag siya sa plano ng dalaga. 

"Maria, ito na ang pagkain mo. Ako na ang nagdala dito kasi naglalaba pa ang mga kasambahay natin. Saka gusto rin kitang makasama at makausap. Syempre, bago pa lang tayo magkakilala kaya mas gusto ko na ikaw ang magpakilala sa akin. Pwede ba iyon? Magkaibigan na tayo ha. Huwag mo pat sasabihin kay Mateo na ako ang nagpakain sa iyo." bungad ni Celeste kay Maria na naglalaro naman sa baba ng kanyang kama

"Celeste? Bakit ikaw naman ang nagdala niyan? Gusto mo na makipagbati sa akin? Sige! Makikipagbati ako sa iyo pero maglalaro muna tayo nina Helena at Mathilda. Pwede ba iyon? Halika na, maglaro na tayo ng bahay-bahayan at lutu-lutuan!" sabi naman ni Maria na may sigla sakanyang mga mata

"Naku, hindi naman ako sanay maglaro ng mga manika saka nandito lang naman ako para pakainin ka. Wala akong balak na makipaglaro sa iyo. Naiintindihan mo ba iyon? Kaya kumain ka na, masarap naman itong hinanda ko para sa iyo eh. Subukan mo na!" sagot naman ni Celeste kay Maria

Dahil nainis nanaman si Maria sapagkat ayaw ni Celeste makipaglaro ay itinapon niya ang pagkain na hinanda ni Celeste para sakanya. Wala na nagawa si Celeste kundi subuan si Maria sa mariin na paraan para malason na ito. Hinawakan nito ang bibig at ipinasok ang pagkain.

"Celeste, ayaw mong makipaglaro sa akin hindi ba? Ayaw ko din makipaglaro sa iyo! Hindi pa rin tayo bati! Ayaw sa iyo ni Mathilda at ni Helena! Masama ka raw sabi nila. Gusto mo raw ako patayin kaya hindi ko kakainin ang pagkain na dala mo." pagwawala naman ni Maria kay Celeste

"Sino ba kasi iyang mga sinasabi mong pangalan? Wala akong pakialam dyan, ang mahalaga sa akin ay makakain ka na para matapos na ang misyon ko dito. Mamaya ay mahuli pa ako ng nanay mo o ni Mateo dahil hindi mo pa kinakain ito." reklamo naman ni Celeste kay Maria

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ko kakainin iyang binibigay mo? Kung gusto mo, ikaw na lang ang kumain niyan!" sigaw pa ni Maria kay Celeste

"Ilang beses ko din bang sasabihin sa iyo na hindi ako kumakain nito? tsaka para lang naman sa iyo ito eh. Para lang ito sa mga baliw na katulad mo!" sigaw naman ni Celeste kay Maria

Dahil sa narinig ay biglang nagwala si Maria, ilang beses niyang sinabing hindi siya nababaliw at totoo ang kanyang mga kaibigan na sina Helena at Mathilda. Dahil sa sigaw ni Maria ay agad narinig iyon nina Mateo at ng kanyang ina. Pumunta sila sa kwarto ni Maria para tingnan siya at nagulat sila dahil si Maria ay sinasakal na si Celeste.

"Bitawan mo ako! Maria, bitawan mo ako! Magbabayad ka sa ginagawa mo sa akin ngayon! Maghanda ka na baliw ka!" sabi ni Celeste habang sakal-sakal siya ni Maria

"Maria, bitawan mo si Celeste! Huwag mo siyang sasaktan! Ano bang nangyayari kasi Celeste?!" sigaw naman ni Mateo

"She is trying to kill me. Magpapakain lang naman ako sakanya dahil gusto ko na makipagbati sa baliw na iyan pagkatapos iyon na ang ginawa niya sa akin! I hate her! Mateo, ilayo mo sa akin ang babaeng iyan baka hindi ko mapigilan ang sarili ko!" pagwawala ni Celeste kay Mateo

"Hindi totoo iyang sinasabi mo, gusto mo akong pakainin kasi may lason ang pagkain na iyan sabi sa akin ni Mathilda at Helena! Masama kang tao, Mateo huwag kang lalapit sakanya!" sigaw naman ni Maria kay Celeste

"Anak, baka naman gusto lang talagang makipagbati sa iyo ni Celeste? Celeste, wala ka namang gagawing masama sa anak ko hindi ba? Makikipagbati ka lang naman sakanya hindi ba?" tanong ng nanay ni Maria kay Celeste

"Ewan ko sa magaling mong anak! Baliw na talaga iyan at hindi na gagaling pa! Isinsumpa ko, magbabayad ang anak mo!" sigaw ni Celeste sa nanay ni Maria pagkatapos ay galit na galit na lumabas sa kwarto dahil hindi niya nagawa ang kanyang planong pagpatay kay Maria

"Pagpasensyahan niyo na po ang girlfriend ko, ganoon lang po talaga siya lalo na at laging pagid sa trabaho. Hayaan niyo po na ako na mismo ang kumausap sakanya tungkol rito. Maria, ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" sabi naman ni Mateo sa mag-ina

"Ayos lang, naiintindihan ko naman. Pasensya ka na rin sa inasal ni Maria kay Celeste, Mateo. Sige na, puntahan mo na ang kasintahan mo at baka mamaya mag-away pa kayo dahil kay Maria. Kausapin mo na siya at ipaliwanag ang lahat sakanya." sagot naman ng nanay ni Maria kay Mateo

Hindi na nagdalawang isip pa si Mateo na gawin ang sinasabi ng matanda, kahit pinipigilan siya ni Maria na pumunta kay Celeste ay pinuntahan pa rin niya ito dahil si Celeste pa rin naman ang pinakamamahal niya at hindi niya kakayanin na mawala ito sakanya. 

Tiningnan naman siya ni Maria na papalayo sakanya, nanlilisik ang mga mata nito na para bang may plano sa magkasintahan. Ano naman kaya ito? Papatay nanaman ba si Maria?

Bloody Maria (Completed)Where stories live. Discover now