Chapter 15

737 26 1
                                    

After 2 weeks..

Hindi na kinaya ni Mathilda ang kalupitan ni Celeste kaya napagpasyahan niya na umuwi na lang ulit sa lugar nila. Kahit wala pa siyang naiipon na pera ay pinili niya na umalis na lang kaysa ang magtiis sa mapapangasawa ni Mateo.

"Sigurado ka ba na gusto mo na talagang umalis, Mathilda? Pwede ko pa naman kausapin si Celeste baka sakali na magbago ang ihip ng hangin sakanya. Pwede ko naman gawin iyon eh." sabi ni Mateo kay Mathilda

"Ayos na ako, Mateo. Baka hindi talaga para sa akin ang makipagsapalaran sa Maynila. Hayaan mo na, masaya naman ako dahil nakasama ulit kita. Ang tagal na pala noong huli nating nagkita. Salamat at pinayagan mo akong magtrabaho sa iyo kahit konting oras lamang. Ikakamusta na lang kita kay Maria ha?" sabi naman ni Mathilda kay Mateo

"Gusto ko na ako na ang maghatid sa iyo. Para naman makabawi ako sa mga nagawa ni Celeste sa iyo. Pasensya ka na talaga sa babaeng iyon dahil kapag tinopak iyon ay tuloy-tuloy na. Gusto ko din makita ang lugar natin ulit, bibisitahin ko ang bahay namin doon ni tiya dahil may mga gamit pa rin naman kami doon. Kukunin ko na lahat ngayon." sagot ni Mateo kay Mathilda

"Naku, huwag ka na sumama sa akin sa lugar natin. Ako na lang ang magpapadala ng mga gamit niyo dito sa Maynila. Nakakahiya naman kasi sa iyo, iba na ang ginagalawan mong mundo. Kapag pumunta ka doon, baka pagkaguluhan ka o hindi ka na nila makilala." sabi naman ni Mathilda kay Mateo

Sinabi lang iyon ni Mathilda dahil ayaw niyang magkita sina Maria at Mateo. Tinitiyak niya na kapag pumunta ulit si Mateo sa lugar nila ay papatayin ni Maria ito. Dahil mahal niya ang binata, hindi niya iyon hahayaan na mangyari.

"Sige na, gusto ko na din talagang bumisita doon. Nakakapagod din kasi dito sa Maynila sa totoo lang, puro trabaho na lang ang sumasalubong sa akin dito. Gusto ko naman makasagap ng sariwang hangin mula sa lugar natin." pamimilit naman ni Mateo kay Mathilda

Dahil wala na magagawa pa si Mathilda ay hindi na siya pumalag pa kay Mateo. Kahit masakit para sakanya na magkikita ulit ang dalawa ay tiningnan na lang niya ito sa positibo na paraan. Inisip niya na baka oras na rin para magkita at magkapatawaran ang dalawa. Inisip din niya na baka tumino si Maria kapag nakita niya si Mateo sa pangalawang pagkakataong muli.

"Where are you going? Don't tell me na ikaw pa ang maghahatid sa babaeng iyan. Mateo, ano na ba ang nangyayari sa iyo? Nagayuma ka na ba ng babaeng iyan? Gumising ka nga sa katotohanan, ako ang girlfriend mo hindi ba? Bakit sasama kang umuwi dyan sa babaeng iyan? Pinagpapalit mo na ba ako?" reklamo ni Celeste kay Mateo

"Will you please stop saying those things to her? Mabait na babae si Mathilda. I know her very well kaya wala kang karapatan na pagsalitaan siya ng ganyan sa harapan ko. If you will excuse us, aalis na kami." pagtataray na sagot naman ni Mateo kay Celeste

"Nagbago ka na talaga simula noong dumating ang babaeng iyan! Hindi ko na nga alam kung ako pa ba ang mahal mo o siya na. Magising ka sana sa katotohanan na ako ang nandito para sa iyo at hindi siya." sagot naman ni Celeste kay Mateo

"Hindi pala ako uuwi ngayong gabi dahil doon muna ako sa probinsya namin. Pakisabi na lang kay tiya dahil baka mag-alala siya sa akin, maraming salamat." sagot ni Mateo kay Celesta pagkatapos ay umalis na sila ni Mathilda

Dahil sa nalaman ni Celeste na hindi uuwi si Mateo sa Maynila ay lalo siyang nainis sa dalawang iyon. Buti na lang at mahal na mahal ni Celeste si Mateo kaya kahit ganoon na ang nangyayari ay sila pa rin ni Mateo.

Noong malapit na sina Mathilda at Mateo sa bayan nila ay lalong lumakas ang kaba ni Mathilda dahil alam niyang may masamang mangyayari. Parang gusto na nga lang niyang bumalik ulit sa Maynila dahil doon alam niyang maayos ang kalagayan ni Mateo. Walang mananakit sakanya, sa katunayan ay mas gugustuhin na lang ni Mathilda na siya na lang ang mamatay kaysa ang mahal niyang si Mateo eh.

"Nandito na tayo, Mathilda. Sa wakas ay makakauwi ka na sa iyong pamilya at ako naman ay titingnan ko ang luma naming bahay malapit dito sa inyo. Miss ko na rin ang pumunta doon eh, gusto ko muna ng tahimik na lugar para naman makapag-isip ako." sabi ni Mateo kay Mathilda

"Buti naman at nakauwi na tayo. Sige na, pwede ka na umalis. Mag-iingat ka ha, alam mo naman sa lugar natin, maraming kawatan dito." sabi ni Mathilda kay Mateo

"Ay teka, gusto ko muna masilip si Maria kung pwede? Baka sakali kapag nakita niya ako ay makaalala na siya hindi ba? Malay mo, makatuong ako sa kanyang paggaling." sabi ni Mateo kay Mathilda pagkatapos ay ngumiti ito sakanya

"Hindi ba sinabi ko na hindi nga kayo pwedeng magkita dahil malubha na siya? Saka na kapag napagamot ko na siya. Okay lang ba?" sagot naman ni Mathilda

"Ah, muntik ko na makalimutan. Gusto ko pala na tumulong sa mga gastusin ni Maria sa gamot niya. Kung tatanggapin mo ay iaalok ko sana sa iyo na buwan-buwan ko siya bibigyan ng pera panggastos niya sakanyang gamot. Ayos lang ba iyon sa iyo para mabawasan din ang kalbaryo mo?" alok ni Mateo kay Mathilda

Dahil gisipt na gipit na rin si Mathilda at ayaw na rin niyang pahabain ang pag-uusap nila ay tinanggap niya ito. Kumuha naman si Mateo ng pera sakanyang pitaka at ibinigay niya iyon kay Mathilda.

Nagmamadali na si Mathilda na kunin ang pera ni Mateo dahil naririnig na niya ang batang boses ni Maria. Ayaw niyang mapahamak ang binata mismo sa harapan niya kaya pinatakbo na niya ito.

"Sige na, umalis ka na dito. Tumakbo ka na kung ayaw mong mamatay ka. Saka ko na ipapaliwanag sa iyo kung bakit ko nasasabi ang mga bagay na ito sa iyo. Mateo, mag-iingat ka lagi." sabi naman ni Mathilda kay Mateo

Puno ng tanong ang mukha ni Mateo dahil sa mha salitang sinambit ni Mathilda pero dahil na rin sa takot ay sinunod niya ang kagustuhan ni Mathilda. Tumakbo na siya papunta sakanyang kotse at umalis na.

Bloody Maria (Completed)Where stories live. Discover now