Chapter 22

606 21 0
                                    

Wala nang nagawa pa si Celeste kundi sundan sina Mateo at Maria dahil ayaw naman niyang makaaway niya ang mahal niya. Pilit siyang pinipigilan ng tiyahin ni Mateo pero hindi ito nagpapigil sa matanda. Kahit alam niyang pwede siyang mapahamak ay ginawa niya ito dahil mahal niya si Mateo.

"Bumalik ka dito, Celeste! Hayaan mo na si Mateo ang makipag-ayos kay Maria! Baliw naman iyon kaya wala kang mapapala sakanya. Mapapahamak ka lang. Huwag ka na tumuloy! Baka mas lalo siyang magalit kapag nakita ka niya!" sigaw ng matanda kay celeste

"Wala na po akong pakialam kung masaktan po ako ni Maria, ang importante po sa akin ay si Mateo. Kailangan po namin magkabati ni Mateo. Pasensya na po pero mahal na mahal ko po siya at hindi ko po hahayaan na magalit siya sa akin." sagot naman ni Celesta sa tiya ni Mateo

Pagkatapos noon ay hinabol na ni Celeste si Mateo at Maria. Naiiyak siya dahil hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano pakikisamahan ang taong ngayon niya lang naman nakilala. ISa pa, takot siya sa mga baliw. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa oras na manakit ito sakanya pero para kay Mateo ay tatanggapin niya si Maria. Huwag lang siyang iwan ni Mateo dahil mahal na mahal niya ito.

Noong nakarating na si Celeste kung saan tumakbo sina Mateo at Maria ay nagulat siya dahil nag-iiyakan ang tatlo sa hindi niya alam na dahilan. Agad niya itong nilapitan para malaman niya ang nangyayari kay Mateo at Maria.

"Kung gusto mo na magbati kami ni Maria ay gagawin ko. Ayaw ko naman na magalit ka sa akin dahil lang sa hindi ko tinatanggap si Maria. takot lang talaga ako sakanya kaya sana maintindihan mo din ako. Saka ngayon ko lang naman nakilala si Maria, syempre hindi ko pa alam kung paano siya aalagaan pero para sa iyo ay pag-aaralan ko siyang mahalin." sabi naman ni Celeste kay Mateo

"Ano ang sabi mo, Maria? Anak natin si Helena? Paano naman nangyari iyon? Nakikibalita ako sa mga kapitbahay natin noon pero wala naman silang sinasabi sa akin na buntis ka. Nasaan na ang anak natin? Kamusta na siya? Gusto ko siyang makita!" sabi ni Mateo kay Maria at nagulat naman si Celeste sakanyang narinig

"Oo, Mateo. Anak ko si Helena, gusto mo bang makipaglaro sa amin? Habulin mo kami dali! Gawin natin ang nilalaro natin dati!" sabi ni Maria habang natawa kay Mateo

"Paano nangyari iyon? Sabi mo sa akin Mateo, wala ka namang asawa noong pumunta ka ng Maynila hindi ba? Bakit sinasabi mo ngayon na may anak kayo ng baliw na iyan? Naguguluhan ako, ipaliwanag mo sa akin ang narinig ko!" sigaw naman ni Celeste

"Tinago namin siya ni Mathilda noong nabuntis siya kay Helena kaya hindi alam ng mga kapitbahay namin na nagbuntis si Maria. Ayaw ko kasing pag-usapan siya sa lugar natin. Isa pa, hindi iyon tatanggapin ng mga kamag-anak namin dahil nakita naman nila na walang kakayahan si Maria para magbuntis dahil noong umalis ka sa piling niya ay nabaliw na siya ng tuluyan." sagot naman ng nanay ni Maria kay Mateo

"Saglit, hindi ko pa alam kung paano ko ilalagay sa utak ko nagkaanak pala tayong dalawa. Nabuo pala ang nangyari sa atin noon Maria. Nasaan na siya ngayon? Bakit hindi niyo siya kasama? Pinaampon nyo ba pagkatapos mo manganak?" tanong naman ni Mateo kay Maria

"Dahil kulang sa buwan ay namatay ang anak niyong si Helena, Mateo. Iyon na sana ang tutulong kay Maria para magbagong buhay pero hindi iyon natuloy dahil nga namatay ang bata. Si Mathilda ang nagpa-anak kay Maria dahil wala ako noon sa bahay. Nadatnan ko na lang na nasa bakuran namin si Mathilda at Maria, doon ko na nalaman na nanganak na pala si Maria at namatay ito." sagot naman ng nanay ni Maria kay Mateo

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na binuntis mo pala ang baliw na iyan? Naging kayo pala noon? Kaya ka ba umalis ng lugar niyo dahil alam mong may posibilidad na buntis si Maria at ayaw mo siyang panagutan? Mateo, sumagot ka sa akin!" sabi ni Celeste kay Mateo

"Kahit kailan, hindi pumasok sa isip ko na lokohin o takbuhan si Maria. Alam niyang mahal ko siya bilang kaibigan pero gusto niyang higit pa doon ang ibigay ko sakanya kaya kahit ayaw ko ay may nangyayari sa amin noon. Sinusubukan niya kasi akong lasunin noon pero nagmakaawa ako sakanya at sinabi ko na gagawin na lang namin ang gusto niya kaysa ako ay mawala. Dalawang beses naming ginawa iyon dahil hindi siya nagtagumpay nooong una." paliwanag naman ni Mateo kay Celeste

"Hindi ko alam iyan, hindi sinabi sa akin iyan ni Maria o ni Celeste. Kung ano man ang nangyari noon ay sana mapatawad mo na ang anak ko. Lulong na lulong siya sa pagmamahal niya sa iyo noon kaya nagawa niya iyon sa iyo. Alam ko iyon, nakakaramdam na din ako noon na may iba sa anak ko pero wala pa akong sapat na pera pampagamot sakanya noon." sagot naman ng nanay ni Maria kay Mateo

"Siya din po ang dahilan kaya kami umalis noon. Natakot na po ako sakanya dahil iba na nga po ang kinikilos niya sa akin kaya napagpasyahan po namin ni tiya na umalis na lang at makipagsapalaran sa Maynila para mabuhay." sagot naman ni Mateo sa nanay ni Maria

Doon napagtanto ni Mateo na malaki pala ang kasalanan niya kay Maria. Kung hindi niya sana iniwan ito nang biglaan ay maayos pa sana ang kalagayan nito ngayon. Kung hindi siya umalis ay naipagamot sana niya si Maria kahit papaano para naagapan ang nangyayari sa dalaga. Ang pinakaimportante ay kung hindi siya umalis ay nakita pa niya sana ang anak niyang si Helena. Hindi sana ito namatay kung naalagaan lang sana niya nang mabuti si Maria.

Napag-isipan naman ni Celeste na mas pahirapan si MAria dahil sa nalaman niya tungkol dito at kay Mateo. Biglang namuo ang galit ng dalaga kay Maria at itinuturin na niyang kaaway si Maria simula ngayon. Isa na siyang kaagaw ni Celeste sa oras at atensyon ni Mateo.

Bloody Maria (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon