TDIMTSJ 8 (Operation: Mapaganda si Gianna :))

139 8 6
                                    

This chapter is dedicated to CKyoungbae <3 Ayaaaaan! Favorite mo kasi ako eii :)) Hoho xD Thank you po talaga sa mga dedications nyo sakin.

TDIMTSJ 8 (Operation: Mapaganda si Gianna :))

Gianna's POV

Paguwi ko sa bahay, Walang tao. Ang tahimik. Hinanap ko si Kuya Gab kung saan saan. Pero nakita ko si Manang Rosa sa kusina. Nakakapagtaka. Bat nandito si Manang Rosa? Dapat nandun sya sa bahay nila Mama.

"Manang Rosa? Ano pong ginagawa nyo dito? Nasan po si Kuya Gab?" Sunod sunod ko na tanong. Dahil dun, natigil sya sa paghahalo nung niluto nya at humarap sakin.

"Ay, Raffy, Ikaw pala! Ahhh, Pinapunta nga pala ako ng Kuya Gab mo dito. Sabi nya samahan daw kita. Sya nga pala. May iniwan syang sulat sa Kwarto mo ahh. Di mo ba nakita?" Sabi nya. Lalo akong nagtaka? Pinapunta sya ni Kuya Gab dito? Tas, May iniwan syang sulat? Waaaaaah! Gulong gulo na ko sa nangyayari!

"Ah.. Sige po akyat muna ko" Sabi ko. tumango lang sya bilang sagot. Tumakbo ako paakyat ng kwarto ko. Hinanap ko yung sinasabing sulat ni Manang. Att.. Yun nga! Nasa study table ko. Kinuha ko yun at binasa..

Princess,

 Sorry for not informing you this but, Im going to US para tulungan si Daniel. Alam mo naman yun. At tska pinapunta ko dyan si Manang Rosa para may kasama ka. Dont worry. Baka months lang naman ako dito. If you needed something just call me ok? Take care Princess.

Gab

Yun yung sabi sa sulat. Ewan ko kung ano ang mararamdaman ko today, Halo halo na ang emotion ko. Malungkot, Naiinis at Marami pang iba. Nakakalungkot kasi wala na yung dalawa kong kuya at tska nakakainis kasi bat hindi nya ininform sakin? Waaaah! Im so depress. Idagdag mo pa yung sinabi ni JC bakulaw na........Ang ganda ko daw! Padagdag pa sya sa mga problema ko >,<

Humiga ako sa Kama. Iniisip ang mga dapat isipin. Pero, habang iniisip ko yun. Nakatulog na ko ..

Darwissa's POV

OTW na kaming 3 sa classroom. Wait lang guys, May napansin kasi ako kay Gianna. Parang pinagsakluban ng langit at lupa yung mukha nya. Anyare dito? Si Erwin. Ayun. Mapakla rin ang mukha. Mga problemado mga kaibigan ko ngayon ah..

Nakarating na kami sa classroom. Buti nalang may 15 minutes pa kami bago mag first subject. Agad kong kinausap si Gianna.

"Raffy, anung nangyare sayo! Bat ganyan mukha mo?" Tanong ko.

"W-wala na kasi si Kuya Gab at Kuya Dan sa Bahay ei.. Pumunta silang States" Paliwanag nya. Nga pala. Alam na namin ang nangyari kay Tita. Sana naman bumilis ang recovery nila ;(

"WHAAAAAAAAAT? Edi wala kang kasama sa bahay nyo?" Tanong ko.

"Meron naman. Si Manang Rosa" Walang ganang sagot nya.

"So, Ano nang gagawin mo?" Eksena ni Erwin na kanina nakasimangot.

"Ummm, Plano ko sanang magpart time job" Nagulat kaming dalawa ni Erwin sa sinabing yon ni Raffy! Srsly? Magpapart time job sya!

"Mayaman naman kayo ah. At tska. Nandito naman kaming dalawa ni Erwin para samahan ka." Sabi ko. Ayoko syang magpart time job. Ano nalang manyayari sa kanya if ganon? Waaaaah! Hindi ko maimagine!

"Hindi. Magpapart time job ako! Para naman may pagkaabalahan din ako. At tska para hindi ako mabored na nasa bahay lang ako." Paliwanag nya.

"Ano pa nga bang magagawa ko? Susuportahan kita kahit ayaw ko. Pero, anong trabaho naman ang papasukin mo?" Tanong ko. Si Erwin nakikinig lang sa pinaguusapan namin. Mamaya sya naman tatanungin ko. Ahahaha XD

The Day I Met That Stupid JerkWhere stories live. Discover now