TDIMTSJ 5 (Masamang Kutob)

85 10 1
                                    

TDIMTSJ 5 (Masamang Kutob)

Gianna's POV

"Haaaaaaaaay. Ang tagal naman ni Wissa" sabi ko. Sinubukan ko lang magsalita. Baka sakaling pansinin ako ni Erwin.

"Anu na naman ba kasing kalokohan ginawa nun? first time lang ata nangyari to ah."

Sabi nya. Aba, sumagot. Hindi ko inaasahan yun.

"Tsk tsk. First time lang to?"

"Ye. Hindi naman kasi yan ieexcuse ng Teacher unless may ginawa syang kasalanan"

Nandito kami ngayon ni Erwin sa may garden. Hinihintay namin si Wissa kasi pinatawag sya ni Mr.Santiago. Kanina kasi, yung report nya hindi nya maexplain. Parang halos si Mr. Santiago lang nagexplain. Nung matapos na yung class, sinabi lang ni Mr. Santiago na pumunta daw sya ng faculty.

At ito pa, Masasabi ko lang na ang awkward ng atmospher saming dalawa. Kanina pa kasi nya ko hindi pinapansin nung nalaman nyang muntikan na nga kong mabagsakan nung paso kahapon. Huhuhu T___T sorry na kasi Erwin. Ganun ba kalaki yung epekto ng pagsisinungaling ko at hindi mo ko pinapansin?? Para sayo rin naman yun eh.

*ring...* *ring...* *ring...*

Napaangat ako ng ulo ng marinig kong nagring nanaman ang cellphone ni Erwin. For the 5th time na yan.

"Ok ok ok, Last 15 minutes nalang pwede??... tsk..." tapos binaba na nya.

"Erwin, Sige na. Pumunta ka na sa practice nyo. Ayoko naman na mapagalitan ka ng coach mo ng dahil samin" sabi ko.

May practice kasi yang si Erwin. Syempre kasama nya yung mga kateam nya. Kanina pa yung tumatawag na yan. Ang palaging dinadahilan ni Erwin kaya hindi pa sya nagpupuntang practice kasi "May ihahatid pa ko". Nakakainis >.< naiinis ako.

"Hindi pwede. Ihahatid ko kayo ni Wissa pauwi maliwanag??" Sabi ko nga. Pero hindi pwede. kailangan pumunta na sya ng practice. Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. Hinawakan ko yung mga kamay nya at sinabing.........

"Kaya ko namang hintayin si Wissa ehh... at tska.... Kaya kong antayin si Wissa magisa dito.. ng ako lang..." Oppss, Maliii.. Mukhang mali yung lumabas sa bibig ko! Sana hindi nya maalala yun.

Aissshh. Stupid mouth -__-

"Talaga lang ha. Eh ano pala yung kahapon? Nagsinungaling ka pa para makapunta ako ng practice. Tapos malalaman ko nalang na muntikan ka ng mabagsakan ng paso? Huh, kaya mo nga sarili mo." natakot ako sa sinabing yun ni Erwin. Daig nya pa ang mga kuya ko kung magalit.

Wala naman akong kasalanan eh. Ang gusto ko lang makapagpractice sya kasi nga baka pagalitan pa sya. Kaso, yung paso nga na yun ay accidentally'ng bumagsak at muntikan na kong mabagsakan. Kainis. Naiinis na ko ><!!!!!

*Sigh*

"Erwin. Kaya ko naman talaga eh. Promise. Hindi mo na kailangan ihatid pa kami para makasure ka na ok lang kami. At tska, sorry about dun sa kahapon. Alam ko na nagsinungaling ako para makapagpractice kana. Pero, Nakakainis. Naiinis talaga ako. Yung pagsisinungaling ko na yun para makapagpractice ka nagdulot pa ng masama. Sorry talaga." Narinig kong bumuntong hininga si Erwin. Tumayo sya at pumunta sa harapan ko. Lumuhod din sya para magkapantay kami.

"Raffy. Look, Sorry rin for being over protective sa inyo ni Wissa. Lalong-lalo na........sayo. Alam mo naman na kung bakit diba??" Alam ko naman eh. Kahit hindi nya sabihin, alam na alam ko.

"Wala namang masama sa pagiging over protective mo ehh. Actually, Thankful pa nga ko kasi meron akong kaibigan na katulad mo." Sabi ko sabay nginitian sya. Swerte ko na rin kahit papano kasi may kaibigan ako na nagmamalasakit talaga sakin. Im proud of Erwin :)

The Day I Met That Stupid JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon