TDIMTSJ 2 (Jared Fernandez)

147 11 2
                                    

TDIMTSJ 2 (Jared Fernandez)
Gianna's POV


"Raffy, Sorry nga pala kanina ha. Ganun talaga yung JC na yun. Mapanginsulto. Hayaan mo Raffy. Pag nakita ko yun mamaya pagsasabihan ko yun." - Erwin

"Sorry Talaga Raffy, Dapat talaga susugudin ko yung lalaking yun eh. Kung hindi lang ako naunahang tumayo ni Erwin. Tsk, Nakalimutan ko nga pala na kaklase natin yung bakulaw na yun. Im sorry talaga Raffy ha." - Wissa

"Anu ba kayong dalawa. Pangilang beses nyo na sinabi yan ngayong araw na to. Hayaan nyo na. Yun yung unang impression na sakin so dapat igalang natin yon." Sabi ko habang inaayos yung mga gamit ko.

Lumabas na ako ng classroom at naglakad na. Gusto ko ng umuwi. Bigla kasi akong nakaramdam ng hilo. Sila Erwin at Wissa naman sinundan ako.

"Nakakainis talaga. Sinira nung JC na yun yung unang araw mo dito. Nakooo, Sarap Ingudngod nung mukha nya sa muriatic acid ng mabura na sya sa mundo Haist." Inis na sabi ni Wissa. Guys, paalala lang po, Masama pong ginagalit si Wissa kasi nagiging brutal sya. Pero mabait pa rin naman yan kahit papano.


*ring...* *ring...* *ring...*

Natigilan kami sa paglalakad ng biglang may tumunog na cellphone. Nagkatinginan pa kaming tatlo na tila ba nagpapakiramdaman kung kanino yung cellphone yung tumutunog.

"Ay, wait lang sakin pala yun" Sabi ni Wissa. Kinuha nya yung cellphone sa loob ng bag nya at sinagot iyon


"Yeoboseyo?.... Huh?now na?.... Psh, Osige im coming." Then she hung-up (Yeoboseyo - Hello)

"Umm, Guys, Baka hindi ako makasabay sa inyo pauwi kasi pinapatawag ako ni Mr.Santiago. Remember? Yung Teacher natin sa Chemistry? Baka matagalan ako eh. " Sabi ni Wissa habang pinapasok yung cellphone sa bag nya.

"Ahh ganun ba? Sige hahatid ko nalang si Raffy sa bahay nila" Sabi naman ni Erwin. Nagba-bye lang sya samin at umalis na.

"Masanay kana dun, Madalas talaga yang pinapatawag si Wissa ng mga Teacher" - Erwin

"Ahh.." Yun lang ang tanging nasabi ko.


*ring...* *ring...* *ring...*

Kinuha ni Erwin yung cellphone sa bulsa nya. Tiningnan nya muna yung screen. Napansin kong napakunot yung noo nya. Kaya tinanong ko kung sino yun. Sabi nya yung kateam nya daw sa bassketball.. Wiiiiit, Varsity Player pala tong Erwin na to :). Hindi kasi halata. SERIOUSLY

"Bakit?...." Nyee, Ayun agad yung bungad? Wala man lang hello? Narinig ko naman syang nagbuntong hininga. Hala, Kinabahan naman ako dun. "Psh, Osige Wait lang ihahatid ko lang yung kaibigan ko....Ok ok. Bye." Then he hung up.

"Anung sabi?"

"May practice daw kami. Haist, Hatid muna kita sa inyo bago ako pumunta ng practice." Hinawakan nya ko sa kamay at naglakad na. Nakakailang hakbang palang kami nung huminto ako dahilan ng pagtigil nya at paglingon sakin.


"Bakit Raffy?" Nagtatakang tanong nya. Tinanggal ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya at tsaka ko sya tiningnan sa mata.

"Wag mo na kong ihatid. Ok lang ako. Malapit lang naman bahay nila kuya dito eh." Paliwanag ko. Hindi nalang ako magpapahatid. Ayokong magalit sa kanya yung coach nila ng dahil sakin.

"No Raffy. Ihahatid kita." Hahawakan na nya sana yung kamay ko pero iniwas ko yun.

"Ok lang ako Erwin. Pumunta kana sa Practice mo. Tatawagan ko nalang si Kuya Daniel na sunduin ako." Tapos ngumiti ako ng pagkatamis tamis. Please! Sana umipekto ka ngiti. Please! Narinig ko naman yung buntong hininga ni Erwin. Napansin ko lang. Kanina pa sya nagbubuntong hininga. Hindi naman nya siguro hobby yun.

The Day I Met That Stupid JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon