TDIMTSJ 6 (Nakakainis!)

109 9 3
                                    

(Ang Gwapong JC Barrameda sa Side :) ------------------------------->

Gianna's POV

Pagdating ko sa bahay, Wala si Kuya Daniel. Si Kuya Gab lang ang nandun. First time ko lang na makitang umiyak yan si Kuya Gab. Sa amin kasing magkakapatid, Si Kuya Gab ang hindi emotional. Kaya hindi ko sya nakikitang umiiyak. ngayon lang talaga. Nung nakita ko sya, sinalubong ko sya ng yakap.

Nung niyakap ko sya. naiyak na rin ako. Alam ko na pag umiyak si Kuya, May nangyaring masama.

"K-kuya *sob* ano b-bang nangyari??"

Kwinento sakin lahat ni Kuya. Sabi nya papunta na daw dapat sila Mama at Papa sa Company ng nawalan daw ng break yung sinasakyan nila. Bumangga daw sila dun sa kasalubong nilang sasakyan. Ang balita nila, Lahat sila sugatan at sabi pa nya, 50% nalang daw ang chance nila na mabuhay. Pinapunta si Kuya Daniel dun sa America para sya muna ang magbantay nung Company namin dun habang nasa Hosital pa sila. Wala kaming magagawa sa ngayon kundi ang magpray.

Nakakainis naman ohh! kakasimula palang ng story ko may tragedy agad >..<

*************************************

6:15 na pero nandito parin ako sa kwarto. Hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip kila Mama. Sana maging ok din sila kaagad. Sana gumaling na sila. Sana....... Hayy. Bakit kasi kaylangan pang mangyari samin to? Wala naman kaming ginawang masama para magkaroon ng gantong kalaking problema ang pamilya namin ehh.

*knock knock*

"Raffy......" Si kuya tapos umupo sya sa gilid ng kama ko. Halatang hindi rin nakatulog ng maayos si Kuya kagabi. Bakas pa din sa mukha nya ang lungkot pati pagod. Kawawa naman Kuya ko.

Ngumiti sya sakin. Alam kong Pilit yun. Ayaw nya kasing kinakaawaan sya. Tibay nya diba? Nakakainis.

"Bangon ka na dyan. Hindi ka pwedeng umabset ngayon. Sige na. Kilos na." Sabi nya tska pinipilit nya kong ibangon.

"Kuya naman. Wag ka ngang plastic dyan. Alam ko naman na nalulungkot ka eh. Tapos ngingiti ka. Naman ohh" Bigla syang natahimik. Pano ba naman kasi totoo naman sinasabi ko.

*awkward silence*

"*ehem* Kuya ano? May balita na ba?" pagiiba ko ng usapan. Sorry kuya sa words. Patawarin mo ko T___T

"Wala pa. Sige na. Magayos kana." Tapos lumabas na sya. Tsk, galit pa ata sakin.

Wala na kong nagawa. nagayos na ko tapos pumasok na.

=========

"Ok class, our lesson for today is blah blah blah blah" sabi nung Mr.Alvarez. Puro blah blah blah blah lang naririnig ko.

*poke sa braso*

"Pst, pst.. Raffy, tinatawag ka. Sagutin mo daw yung sa blackboard." bulong ni Wissa. Hindi ko sya pinansin

"Raffy, nakatingin na sayo ng masama si Mr. Alvarez"

"MS. ORTEGA! ARE YOU LISTENING??" nagising ako sa katotohanan nung marinig kong sumigaw si Sir. Kaya naman napatayo ako. Yung mga kaklase ko naman mamamatay na ata sa kakatawa. Tsk, nakakainis.

"Sorry po sir. A-ano po ba yun??" tanong ko.

"Kabago bago mo lang ganyan ka?? Sagutan mo yung nasa blackboard" Sabi nya.

Tiningnan ko yung blackboard and.................... Waaaaaaaahhhh!! Ang hirap nung question. Pasagutin nyo na sakin lahat lahat wag lang math! Inaamin ko pong bobo ako sa math >.<

"Hindi mo masasagot yan kung tititigan mo lang Ms. Ortega..." sabi ni Sir Alvarez kaya nagtawanan ulit sila. Psh. Trip ata ako nito ni Sir ah. Nung una ag bait nya sakin tapos ngayon... Psh,

The Day I Met That Stupid JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon