Part 17 (The End?)

800 30 5
                                    

Nang magmulat ako ng mata, nakita ko si Eduardo na nakatulala ang paningin saken. Hindi ko alam kung anung naglalaro sa isipan nya ng mga oras na iyon, basta ang nararamdaman ko parang malalim yata ang naging impact ng huli kong kinwento sa kanya, yung pagkamatay ng mama ni Winter.

Makailang beses syang huminga ng malalim at tumingin sa labas ng bahay, siguro bini-visualize nya yung sarili nya na nandoon sa mismong scenario ng mamatay ang mama ni Winter at nandoon kaming dalawa malapit sa kanya. Iniisip nya siguro kung gaano kalungkot at kamiserable non ang muka ni Winter, ngayong wala na ang nag iisa nitong kanlungan at kakampi sa buhay. Hindi ko lang makita nun sa ekspresyon nya kung handa na ba syang marinig ang mga susunod kong sasabihin.

Bumuntung hininga ko bago nagsalita.

"Iyon ang unang beses na nakita ko si Winter na umiyak sya dahil sa sobrang kalungkutan.. palagi kong iniisip dati kung meron bang bagay na makakapanakit sa madilim nyang damdamin pero nung makita ko sya nung mga sandaling iyon.. ibang klase.. ibang klase ang naramdaman ko..

Yung tipong nakasubsob sya sa leeg ng bangkay ng mama nya at iyak sya ng iyak, pakiramdam ko parang nadurog talaga ang puso ko.. gusto ko syang yakapin non, aluin.. sabihing magiging maayos din ang lahat, pero di ko ginawa.. kasi alam ko na sobrang masakit sa kanya ang nangyari at wala kong karapatan nun sa kanya na sabihing tanggapin nalang nya iyon at sa susunod na araw magiging okay din sya..

Hindi ko kayang sukatin kung gaano sya sawing sawi ng mga sandaling iyon.." sabe ko kay Eduardo.

"P-paano.. papaano nya napalibing ang nanay nya gayung tinutugis sya ng batas..?" Tanong ni Ed.

Tumingin ako sa kanya.

"Kami ng mama ko ang nagpalibing sa ina nya.." sagot ko.

"Hindi ba naghinala sa iyo ang mama mo kung may kinalaman ka ba sa pagtakas ni Winter?" Tanong ni Ed.

Umiling ako.

"Inisip ni mama na nadamay lang si Winter sa massive jailbreak na naganap dun sa presintong pinagkukulungan nya.. hindi lang naman kasi si Winter ang nakawala eh.. marami pang ibang preso.." sabe ko.

"Kung ganun nagtagumpay ang plano mo na makawala si Winter sa kulungan ng hindi sya ang paghihinalaang may pakana ng lahat..?" Tanong ulit nito.

Napangisi ako. "Oo.." sagot ko.

"Pero hinuli pa rin sya ng mga pulis pagkatapos nun?" Tanong ni Ed.

Tumango ako. "Syempre naman.. lahat ng nakatakas sa kulungan inisa isa ng pulisya.. kaya nga nagpalipat lipat ng tataguan non si Winter eh.." sabe ko.

"Eh san sya nagtago?" Tanong ni Ed. "Alangan namang sa inyo?"

"Hindi. Masyadong malakas ang pakiramdam ng mama ko eh, kaya hindi sya pwede sa min. Tapos.. Depende eh, minsan sa lansangan lang sya nagpapalipas ng gabe kasama ko, minsan naman sa mga tago tagong lugar o kaya bakanteng bahay, minsan naman sa may palayan, yung mga lumang kamalig don minsan sa mga ganun sya nagtatago.. basta.. kung saan nya feeling na ligtas sya.. dun sya tumitigil.." sagot ko.

"Pano damit nya, pagkain nya, tsaka pera.. wag mong sabihing ginagastusan mo sya?" Tanong ulit nito.

Natawa ko. "Ano pa nga ba? Tingin mo hahayaan ko lang sya na mamatay sa gutom at lamig sa lansangan.. syempre hindi no.. hanggat kaya ko syang tulungan, tutulungan at tutulungan ko sya.." sabe ko.

Huminga ng malalim si Ed.

"Talagang grabe ang pagmamahal mo sa kanya no?" Tanong nito.

"Oo naman.. sobra.. minsan nga ako pa ang tumutulong sa kanya para makahanap ng bagong titigilan.. ako rin ang nagbibigay ng mali-maling impormasyon sa mga pulis upang hindi nila talaga mahanap si Winter.." sabe ko.

WinterWhere stories live. Discover now