Part 6 (Meeting Winter)

840 33 0
                                    

"Maggagabe na pala.. pasado alas-singko na oh" at pinakita ni Eduardo ang relo nya.

Napangiti ako. "Di man lang natin namalayan.. masyado kong nalibang sa kwento ko eh.." sagot ko.

"Oo nga.. maski ako naengganyo kagad sa kwento mo.. kakaiba sya actually, one of the most peculiar stories I ever heard.. nagsisimula palang pero nahook na kagad yung attention ko.." at tumingin sa ken si Eduardo. "Hindi ko ba talaga sya pwede gawing nobela?" Tanong nito.

"Akala ko ba nagkaintindihan na tayo dyan? Inoopen mo na naman" sabe ko sa kanya.

"Hindi joke lang, baka kako magbago ang isip mo. I'm just trying my luck" at natawa ito.

"Sana tumupad ka sa pangako mo Eduardo.. alam kong sa oras na gawin mo tong nobela at ipublished mo, wala akong magagawa para mapigilan ito.. hindi ko naman kayang pigilan ka kung sakaling magkaganon na ang sitwasyon.." pagpapaalala ko dito.

"Hindi Mr. Cortez, sinasabe ko sayo, hindi ko talaga ito isasa publiko. Nagbibiro lang ako sa huli kong sinabe.. tsaka ayaw ko namang sirain yung credibility ko sayo, after all nangako tayo sa isa't isa nung simula palang na ang kapalit ng pagkukwento mo ay ang pananahimik ko naman.. tutuparin ko iyon.." sabe nya.

"Salamat kung ganon.." sabe ko.

"Ahm.. hindi ka pa naman siguro nagmamadali diba?" Tanong nya.

"Hindi naman.. kaso baka abutin na tayo ng gabe dito eh.. lagpas 3 oras pa ang layo ng bahay ko sa lugar na ito.. baka mamaya abutan pa ko ng traffic pag daan ko sa Metro Manila.." sabe ko.

"So sa second session mo nalang tatapusin yung kwento?" Tanong ni Eduardo.

"Eh kung ayos lang sa yo Mr. Guillen mas mabuti sana kung ganon" sagot ko.

"O sige, ayos lang naman saken.. walang problema.. ikaw nalang magset kung kailan maluwag ang schedule mo at ako ng bahala mag-adjust para don" sabe nito.

"Okay.. iie-mail ko nalang sayo ulit ha" sagot ko sa kanya.

Tumango si Eduardo. "Pero bago tayo lumabas ahm.. pwedeng.. pwedeng ikwento mo muna kung paano naging Winter yung pangalan nya? Last na to Dtrix, bago man lang tayo umuwi.. buong kwento mo kasi James ang tinatawag mo sa kanya.. pero alam naman natin na Winter talaga ang tunay nyang pangalan.." hiling ni Eduardo.

Napangisi ako. "Medyo mahabang oras pa ang ilalaan ko kung ikukwento ko ang tungkol sa parte na iyon.." sagot ko sa kanya.

"Pakiusap lang.." at tumingin sya sa ken. "Kanina ko pa sana gustong itanong yun sa yo..humahanap lang ako ng tyempo.." sabe ni Eduardo. "Isa pati yan sa mga tanong na gusto ko talagang mabigyang kasagutan" dagdag pa nya.

"Actually.. aksidente lang din.. aksidente lang na nalaman kong Winter talaga ang tunay nyang pangalan.. and nung nalaman ko na nga ang tungkol don.. dun na nagsimula ang lahat.. dun ko na talaga sya unti-unting nakilala.." paliwanag ko sa kanya.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong nya.

Huminga ko ng malalim.

"Its like.. yung pagkakaalam ko sa pangalang yon ang nagsilbing pintuan para tuluyan ko talagang mapasok ang tunay nyang pagkatao.. yung tunay na James.. walang pagtatago.. walang mga sikreto.." sagot ko.

"Naeexcite na naman ako.. pwede ikwento mo na..? last to bago tayo umuwing dalawa.." sabe ni Eduardo.

Natawa ako ng mahina. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa lumang hagdanan ng bahay na sira na ang mga baitang. Yung iba wasak na.. yung iba naputol naman dahil sa karupukan.. yung hawakan nga nito sa gilid wala na rin.. samantalang sa pagkakaalala ko dati ang tibay-tibay nito at paghinihila ko si Winter para lumabas ng bahay dito sya kumakapit ng maigi.

WinterWhere stories live. Discover now